Chapter 3

782 55 3
                                    


***Amara Gayle Sebastian***

Nahihiya akong bumalik sa aking upuan dahil lahat ng mga studyante at maging mga guro ay nabaling na ang tingin sa akin, gusto ko nalang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan.

Nakayuko lang ako habang nagsasalita ito.

"Fren kilala ka pala ni Sir Patrick?" nahihiwagaang tanong ni Sandra.

"Hindi ko nga alam paanong siya yung Sarocha na sponsor sa Sarochas Scholarship, siya yung nakabangga sa paninda ko noong nakaraang linggo " wika mo na nakabusangot.

"What? as in?what a small world fren malay mo siya pala yung prince charming mo" tila kinikilig pang saad ng aking kaibigan kaya mas lalo akong napabusangot.

"Kung siya din lang naman huwag na baka magbabasag lang ng paninda kong balot yan" saad ko na mas lalo ikinahaba ng nguso ko.

Matapos ang programa sa gymnasium ay nagsibalik na ang lahat sa kani kanilang classroom maliban sa akin dahil kinausap ako ni Maam Faye na maiwan saglit.

"Mag iingat ka iwasan mo nalang ang grupo ni Victoria baka mabully ka nanaman ng mga iyon" paalala ko sa aking kaibigan ng tumayo na ito.

"Don't worry i can manage naman" saad nito ng nakangiti.

Napabaling ako kay Ms.Dela torre ng naglakad ito palapit sa akin.
"Maam bakit po may ipapagawa po ba kayo?" tanong ko ng may pagtataka.

"Diba isa ka sa mga scholar ng Sarocha?,kailangan mong umattend sa isang meeting na gaganapin after lunch with the young CEO" saad ni Maam na ikinagulat.

"Si...Si sir Patrick po ba ang maghohold ng meeting?" kabado kong tanong.

"Oo kaya hilingin nyo na ang gusto jyong hilingin na pwdeng maibigay pa sa mga scholars nila" tinapik nito ang aking balikat at nagpalinga linga.

"Wheres your friend?" tanong nito ng di mahagilap ng mata ang nais makita. Lihim akong napangiti dahil ramdam kong may gusto si Ms.Faye kay Sandra.

"Nauna na sa classroom maam" malumanay kong sagot.

"Siya sige na maiwan na kita" agad nitong saad at mabilis itong naglakad nanparang hinahabol dahil lakad patakbo pa ang ginawa nito.

Dahil may dalawang oras pa naman bago mag umpisa ang meeting ay nagtungo muna ako sa room pala makaupo at makapag isip isip kung paano ko haharapin ang young CEO na yon.
That young CEO na mayabang at walang pakialam sa mga taong mahihirap.Sa utak ko ay basag na ang mukha nito dahil sa inis na nararamdaman ko.

Pagdating ko sa classroom ay nadatnan kong nakaupo lang si Sandra sa gilid.

"Dra..kumain ka na?kakain lang ako likod ha, pritong itlog at tinapa ulam ko eh kaya hindi ako makakasabay sayo sa canteen" nahihiya kong saad sa mahinang boses lang.

Lumingon ito sa akin at nagulat ako sa gasgas sa kanyang noo.

"Napano ka?" agad kong hinawakan ang pisngi nito at tinitigan ang noo.

"Wala to na untog lang sa punong kahoy" pagsisinungaling nito.

"Sino ang gumawa?" madiin kong hinawakan ang mukha nito dahilan para mapangiwi.

"Gayle nasasaktan ako ano ba" saway niya sa akin.

"Ano nga kase" naiinis kong binitawan ang panga nito pero hinawakan ko siya sa braso.

Napabuga siya ng hangin at tumingin sa akin.

"Grupo ni Victoria" pagkadinig ko ay akmang tatayo sana ako para sugurin pero hinawakan niya ako sa kamay.

Made for Two?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon