***Amara Gayle Sebastian***Nakita ko ang tila pag ngisi ni Maam Emily ng sumulyap ito sa side mirror ng kanyang kotse habang tinitignan ang repleksyon no Sir Patrick at Kuya Guiller.
Binasa nito ang kanyang labi sa pamamagitan ng bahagyang pag dila nito.
Pero bigla itong sumulyap sa akin kaya bigla akong natuliro hindi ko alam kung saan akong babaling dahil sa pagkagulat"Alam ko naman na maganda ako kaya huwag mo naman masyadong ipahalata na nagagandahan ka sa akin"seryoso niyang sambit kaya napairap nalang ako sa kanya.
Tahimik lang ako habang nakatingin sa daan na aming binabagtas pero biglang naiba ang direksyon ng aming dinadaanan kaya naalarma ako.
"Wait..hindi ito ang daan papunta ng mansion "
"Nakauwi na ang nanay mo kanina pa" seyoso nitong saad
"Teka saan mo ako dadalhin?..Kinikidnap mo ba ako..ano ba baba na ako .." pag aalburoto ko sa kaba.
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Will you please shut up!..ang ingay mo. ang sakit mo tainga alam mo ba yon?" naiinis nitong saad.
"Atsaka bakit naman kita kikidnapin ha,may ibibigay ka bang pang ransom money just incase na kikidnapin nga kita?" irap niyang saad bago ulit bumaling ang tingin sa daan.
"Eh saan mo ba kasi ako dadalhin Maam"naguguluhan kong tanong.
Hindi na ito umimik kaya tahimik nalang akong nagmatyag sa dinadaanan namin hanggang na huminto ko sa tapat ng isang shop.
Bumaba ito matapos maiparada ang sasakyan.Tumingin lang ako sa kanya at hindi ako bumaba."Anong hinihintay mo diyan? pasko?" nakahalukipkip niyang sambit habang nakatitig ito.
"Kalma lang Amara" saway ko sa aking sarili ng makaramdam ako ng inis sa babaeng kaharap ko.
"Ano nga ba kasi ang gagawin natin diyan iuwi mo nalang ako baka nag aalala na si inay sa akin" pagsusungit ko din.
Sa halip na sagutin ako ay hinawakan niya ang aking kamay at hinila papasok sa cellphone shop.
"Good evening Maam Emily" masayang bati ng mga staff.
"Goodevening..kunin ko na yung pinareserve ko kaninang umaga" aniya at agad namang may kinuhang naka box ang isang staff at ipinakita iyon kay Maam Emily.
"Pakilagay sa backseat"utos nito sa isang staff na agad namang sumunod.
"Ito rin po yung cellphone" ani ng babae at kinuha ito.
"Salamat" tumango nalang ang babae at muli akong hinila ni Maam Emily at pinapasok sa kotse.
Pagkaupo ko ay inabot niya sa akin ang cellphone na binili nito.
"Para sayo"ipinatong ito sa kandungan ko ng kunot noo ko lang itong tinitigan at pinaandar na ang kotse.
"Para sa akin?...ba-kit mo ako bibigyan nito?" nagtataka kong tanong.
"Ang dami mong tanong" seryosong saad nito habang nakatuon ang mata sa daan.
Napakagat nalang ako ng pang ibaba kong labi at tinignan ang phone na hawak ko.
"Nakasave na din diyan ang numero ko"seryoso parin nitong sambit.
Napasulyap ako sa kanya naguguluhan ako bakit kailangan niya akong bigyan ng ganito wala naman kaming ugnayan liban sa amo siya ni Inay."May gusto ba siya sa akin?" tanong ko sa aking isipan at napangiwi ako sa mga tumatakbo sa aking isipan.
"Bakit ganyan ka makatingin,kung ano man ang iniisip mo mali ka diyan dahil lahat kayong mga scholar makakatanggap ng ganyan" aniya na ikinaawang lalo ng aking labi.
BINABASA MO ANG
Made for Two?
FanfictionPaano kung may dumating sa buhay mo na magpaparamdam ng tunay na pagmamahal pero hindi lang isang tao kundi dalawa.Maari nga bang magmahal ng dalawang tao sa parehas na pagkakataon? Samahan nyo ako sa panibagong kwento na pagbibidahan ni Freen Saroc...