Chapter 28

481 31 1
                                    


***Amara Gayle Sebastian***

Nagising akong wala na si Emily sa aking tabi.Bumangon ako at nakita ko ang coat nitong nakakumot sa akin.

Bumukas ang pinto at iniluwa doon si Patrick.Mabuti nalang at iniwan ako ni Emily na naayos na ang damit.

"Gising ka na pala, binilin ni Ate na ihatid na kita sa bahay nyo paggising mo napagod ka daw kaya dito na kayo nakatulog" nakangiting wika nito.

Masakit ang katawan ko dahil sa ginawa naming laban kanina.Wala akong imik na sumunod kay Patrick alas onse na ng gabi bakit iniwan nalang ako ni Emily at hindi manlang ako ginising nakabusangot akong nakabuntot kay Patrick.

Hinatid nga ako sa bahay hindi ko alam pero nakaramdam ako ng tampo dahil sa ginawang ito ni Emily, buong akala ko ay okay na kami, na magkakaayos na kami dahil ramdam ko naman na mahal niya ako pero bakit ganun...bakit niya ako iniwan nalang.

"Ako na muna ang mag mamanage ng Saro Hotel simula bukas dahil sa Bonclo mag stay si Ate Emily" wika ni Patrick ng makababa na ako sa kanyang kotse

"Patrick...alam kong aware ka na bago tayo nagpanggap ay girlfriend ko na ang Ate mo, kaya sana tapusin na natin to" walang kurap kong sambit sa kanya pero nakipaglaban ito sa titigan.

"Not now Amara..Kalat na sa buong media ang tungkol sa atin kaya sana hanggat hindi humuhupa ang init ng media tungkol sa lovelife ko ay hindi ka muna pwdeng umayaw" nagsusumamong wika nito.

Napabuga ako ng hangin at tumingin sa kawalan.

"Paano naman si Emily, yung pagmamahalan namin" malungkot kong saad.

"Kinausap ko na si Ate Emily at pumayag siya sa gusto ko" hinawakan nito ang aking kamay pero naningkit ang aking mata dahil sa narinig.

"Pu-pumayag?" kunot noo kong tanong.

"Uhm" tango nito habang nakasandal sa kanyang kotse at nakapamulsa ito.

Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso dahil sa ginawang iyon ni Emily,bakit hindi manlang niya ipinaglaban ang nararamdaman niya para sa akin.

"Nasaan ngayon si Emily?" seryosong tanong ko dito.

"Pupunta siya sa opisina ni Tito Richie dahil may mga problema sa kumpanya na kailangan niyang ayusin.Kaya ako muna ang mananatili sa Saro Hotel habang nasa probinsya si Ate" paliwanag nito.

Tumango lang ako at tumalikod na sa kanya.

"Don't worry hindi kita pababayaan, tutumbasan ko ang pagmamahal niya kahit hindi mo suklian" pahabol nito pero hindi ko na nilingon dahil nag unahan ng pumatak ang aking luha.

Pagpasok ko ng bahay nadatnan ko si Agatha na nagbabasa ng libro,mahilig magbasa ng libro ang kapatid ko at doon napupunta ang lahat ng allowance niya.Basta may bagong publish na libro ang paborito niyang author ay agad niyang binibili ito.Ibinaba nito ang librong hawak niya ng mapansin niya akong nakatingin sa kanya.
Ngumiti ito ng tipid sa akin.

"Andiyan ka na pala ate,gutom ka na ba ipaghahanda kita ng makakain" akmang tatayo ito pero lumapit ako sankanya at niyakap.
Naramdaman ko angn paghagod niya sa aking likod.

"Pwede ka namang magpahinga eh kung pagod na,huwag mong abusuhin ang sarili mo Ate,mas gusto nalang namin na sa barong barong tayo nakatira nakikita namin ang ngiti sa labi mo...not like here..maganda ang bahay,kompleto ang gamit hindi tumutulo ang bubong kapag umuulan pero kasabay ng pagkakaroon natin ng magandang buhay ay ang pagkawala sa natural na saya sayo" saad nito na lalong ikinabuhos ng luha ko.

Hindi lingid sa aking pamilya ang kapalit ng lahat ng mayroon kami ngayon.

"Huwag mo nga akong paiyakin..okay lang naman ako ah" garagal ang boses kong tugon.

Bahagya niyang kinurot ang aking tagiliran at muli akong niyakap ng mahigpit.

"Ate kung hindi na kaya,bumalik na tayo sa dating bahay,tutulungan kitang makabayad sa perang nagamit noon sa operasyon ni Nanay makakaipon din tayo" puno ng pagmamahal niya saad habang nakayakap sa akin.

Kumalas ako sa yakap at hinawakan ang mukha nito,ikinulong ko iyon sa aking palad at tinitigan.

"Ayaw ko ng ibalik kayo sa bahay na yon,lalot nagpapagaling pa si nanay masyadong maingay atsaka giniba na yung kubo natin dahil papatayuan daw ng sari sari store sabi ng may ari" malungkot kong saad.

Nakita ko lungkot sa mata ng aking kapatid alam kong gaya ko gusto din makuha yung lote na iyon dahil doo. namin nabuo ang mga pangarap namin.

"Sayang pangarap pa naman nating patayuan ng bahay iyon,sa taas ang bahay natin tapos sa baba maliit na mini grocery..hindi na tayo naantay ng may ari na makapg ipon" nakabusangot niyang sambit.

"Baka may mas malaki pang lote ang mabibili natin kaysa doon kaya mag aral kang mabuti para makakuha ka din ng maayos na trabaho"  pisil ko sa pisngi nito na ikinangiwi niya.

Matapos naming magkwentohang magkapatid ay pumasok na ako sa aking kwarto.
Muli ko nanaman naalala si Emily ng pabagsak kong hiniga ang aking katawan sa malambot na kama.

"Bakit ka pumayag,,bakit hindi mo ipaglaban ang pagmamahalan natin" saad ko habang nakatitig sa kisame.

Muling namuo ang luha sa aking mata.Napalingon ako sa sling bag ko na isinabit ko dahil tumunog doon ang cellphone ko.Pinahiran ko ang luhang tumulo sa aking pisngi bago ko kinuha ang cellphone..Si Sandra ang tumatawag.

"Hello Sandra,napatawag ka?"

"Bakit parang malungkot ang boses ng bestie ko na yan?"wika nito sa kabilang linya,alam kong hindi ako makakapagsinungaling sa kanya dahil kilala na niya ako.

"Wala lang napagod lang sa work"

"Hays baka dahil sa sasabihin mas mapapagod ka pa" wika nito na tila nag aalangan pang sabihin.

"Huh?,bakit ano ba yon" umayos ako ng upo sa kama at kunot noong maghintay sa sasabihin nito.

Dinig ko ang pagbuntonghinga nito.

"Ahmm...Eh..Amara..yung ano kase.." hindi matuloy tuloy ma saad nito.

"Ano nga? mas nakakapagod sa utak yang pabitin mong sinasabi eh" irita kong saad.

"Kita mo hindi ko pa sinasabi galit ka na agad, next time nalang siguro" balak na niyang ibaba ang tawag pero pinigilan ko ito.

Humugot ako ng malalim na hininga at marahas ko iyon na binuga.

"Okay hindi ako magagalit basta sabihin mo na kung ano yan" kalmado kong saad kahit naiinis na ako pambibitin niya.

"Eh kasi".

"Kasi?"

"Yung jacket nadala ni Victoria sa probinsya,hindi ko sinasadyang makalimutan yung nasa backseat kase kaya pagbaba ko hindi na naisip pa na may dala pala akong paper bag..Im so sorry pero sinabihan ko na si Victoria na itago niya muna at dalhin pag uwi niya dito sa atin" Dire diretso niyang paliwanag.
Napaawang ang aking labi at napatahip sa aking bibig.Namayani ang katahimikan sa aming pagitan ni Sandra.Narinig ko ang pagsinghap nito.

"Yung....Jacket..." mahina kong saad.

"Im sorry " mahina niyang sagot

Pinatay ko na ang tawag dahil sa inis, namimiss ko na yung jacket na iyon.Ang tumatanggal sa malungkot kong araw,doon sa jacket na iyon ako ng kukwento sa twing may bad day ako.

Made for Two?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon