***Amara Gayle Sebastian***Nahihiya na ako dahil pinag uusapan na ako ng mga kapwa ko studyante.Mabuti nalang hindi naapektohan ang exam ko dahil sa nangyaring ginawa ni Sir Patrick kanina.
Buti nalang din yung mga hindi ko nareview nareview ni Sandra,at yung mga nareview ko hindi niya nreview kaya nag give and take kami sa exam lihim nalang kaming natawa dahil nataon na hindi nila kami pinaghiwalay sa upuan.Palagi kasi nila kaming pinaglalayo kapag exam na."Okay ka lang?" kita ko sa mata ni Sandra ang pag aalala.
"Ayos lang ako,naiinis lang ako sa ginawa ni Sir Patrick dapat maging professional naman siya huwag namang gawing lantaran yung pagbibigay niya ng bulaklak" nakabusangot kong saad.
"Dibale dumating naman si Maam Emily,kunin mo nalang mamaya sa office niya yung flower"
Tumango nalang ako bago tumayo.
"Pupunta ako ng library ihahatid ko lang tong libro,samahan mo ako?" tumingin ako kay Sandra na ngayon ay nakatutuk na ang mata sa cellphone.
"Ikaw nalang bhe pagod ang utak ko" aniya
"Hindi naman utak mo ang maglalakad" pamimilosopo ko dito bago ko siya mabilis na iniwan alam kong hahampasin nanaman ako dahil sa pamimilosopo ko sa kanya.
"Bilhan mo ako ng tubig bayaran ko dito,atsaka bilisan mo ha para naman mapang abot na kayo ni kuya G gustong gusto ka nun makilala malay mo magkainlaban kayo" natatawang pahabol nito nag wink ako sa kanya at nag thumbs up bago lumabas ng classroom.
Mula dito sa pasilyo ng second floor kung saan ang aming classroom nakita ko ang kotse ni Kuya Guiller hindi ako nagkakamaling siya iyon.Nagkibit balikat nalang ako ng may mga studyanteng babae ang nag aaligid na malapit sa kanyang sasakyan.
"Mga to talaga akala mo hindi nakakakita ng gwapo" bulong ko nalang sa aking sarili.
Kinuha ko ang phone ko sa aking bulsa dahil kanina pa nag ba-vibrate.
Napakagat ako ng pang ibabang labi ko ng makita ang 30plus kong messages alam kong galing nanaman ito kay Maam Emily.
Napangiti ako habang binabasa ang mga chats nito sa messenger."Goodmorning babe dont forget your breakfast" may limang puso pa at may pakiss pa na emoji
Ang mga sumunod ay puro na sticker,pero habang nag sscroll down ako pa biglang mga galit ng emojis ang nakikita ko kaya nataranta ako.
Agad akong nagtipa ng i rereply ko sa kanya
"Hi babe goodmorning sorry ngayon ko lang binuksan ang phone ko,Oo kumain ako bago pumasok dito sa school atsaka katatapos lang din exam ko" agad ko din sinend sa kanya ang aking mensahe.
Ang bilis niyang magseen na parang kanina pa naghihintay ng chat ko.Kinilig tuloy ako mas lalo akong kinabahan ng makita ko nang typing ito.
"You should know how to update me,Im your girlfriend at dapat updated ako sa lahat ng ginagawa mo😒🙄" reply naman nito.
Napangiti tuloy ako habang naglalakad at nagtitipa ng cellphone.
"Im sorry babe,hindi na po mauulit..huwag na po mag susungit diyan,muah 😘🥰" nakangiti kong nireply atsaka ibinulsa ang aking cellphone at niyakap ang librong hawak ko na tila kinikilig.
Pagdating ko ng library ay agad kong ng inilagay sa shelf ang hawak kong libro pero hindi ko ito maabot ng biglang may humawak sa libro at siya ang naglagay.
Dahan dahan akong napatingala.
"Thank you..Si...sir Patrick?" bulalas ko kaya natutop ko ang aking bibig dahil medyo napalakas ang sabi ko.
Sobrang lapit na namin sa isat isa kaya amoy ko tuloy ang masculine perfume nito kaya napasinghap ako.
"You can ask for help kapag hindi mo kaya..'wag mong pilitin baka mas lalo mo pang ikapahamak what if biglang nahulog lahat ng libro edi natabunan ka dito" paalala nito.
"Opo Sir pasensya na po, thank you po ulit "mahina kong saad.
"I don't accept thank you, come join me for coffee" pagkasabi nito ay lumabas na siya ng library,bigla naman akong kinabahan siguradong lalo kaming pag uusapan ng mg studyante kapag nakita nila kaming magkasama sa canteen.
Sumunod lang ako sa kanya habang naglalakad siya nakayuko lang ako dahil ayaw kong makita ang mga mukha ng mga studyante tila nang uuyam.
Pero bigla akong napahinto ng bumunggo ang aking mukha sa matigas na bagay pag angat ko at nakasubsob na ako sa likod ni Sir Patrick.
Agad akong lumayo sa kanya.
"Ouch naman Sir bakit ka ba bigla biglang humihinto diyan" kunwari naiinis kong saad para maitago ang katangahan ko at hindi niya mahalatang ako talaga ang may kasalanan.
"Babae nga naman,sila na nga ang mali..sila din ang tama.." muling naglakad ito at pumasok sa canteen.
Hinila nito ang isang upuan at sumenyas na umupo ako,hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa twing ganito ang trato niya sa akin.
Matapos niyang umorder ng kape ay siya din ang nagserve nito naupo siya sa aking tapat at tumitig lang sa akin.
Nailang tuloy ako sa kung paano niya ako titigan."Amara..pwde ba kitang ligawan?" mahinang sambit nito habang humihigop ako ng kape kaya tila nabulunan ako sa sinabi niya.
Agad naman siyang kumuha ng tissue dahil lumabas na ata sa aking ilong ang ininom kong kape."Okay ka lang,pasensya ka na kung nagulat ka sa sinabi ko"agad niyang pinunasan ang aking mukha.
Ng mapagtanto kong pinagtitinginan na kami ng mga tao ay inagaw ko ang tissue kay Sir Patrick."Ako na Sir,nasamid lang po ako..okay lang ako" pilit kong ngiti sa kanya.
Ng magvibrate ang phone.Pagtingin ko ay naka ilang missed calls na si Maam Emily at tadtad nanaman ako ng angry stickers.
Nadoble tuloy ang aking kaba dahil siguradong nakita niya kami ni Sir Patrick dito sa canteen dahil tanaw lang dito ang office."Ahm Sir,I have to may klase pa po kasi ako" wika ko at agad akong tumalikod.
"Pag isipan mo ang sinabi ko Amara" pahabol pa nito pero hindi ko na nilingon.
Madadaanan ko ang office ni Maam Emily.Huminto ako bahagya sa pintuan nito nagdadalawang isip kung papasok ba o hindi pero nagpasya akong huwag na baka nasa loob si kuya Guiller.
Akmang tatalikod na ako ng biglang may humila sa akin papasok sa opisina at isinadal ako sa pintuan pagkasara ng pinto.Tumambad sa aking ang galit at naiinis na mukha ni Maam Emily."Ba-be..bakit ka ganyan makatingin may naga...." hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil isang marahas na halik ang dumampi sa aking labi.
Itinulak ko siya pero lalo lang akong siniil ng halik hanggang nagpaubaya nalang ako pero hindi ko mapigilang maluha dahil sa ginawa niya ngunit biglang naging banayad ang paghalik nito at paghagod sa aking likod doon ko lang napagtantong gumaganti na ako sa halik nito.
Halos habol namin ang hininga ng bitawan niya ang aking labi at tinitigan ako.
"Next time,huwag kang sumasama sa kahit sino para kumain o mag meryenda,ako lang dapat ang sinasamahan mo"
Binitawan niya aking nakaawang ang aking labi.
"And ayaw ko yang lasa ng kapeng ininom mo...hindi masarap" dugtong pa nito at bahagyang binasa ang kanyang labi gamit ang kanyang dila.
Hindi parin ako umiimik at nakayuko lang sa gilid ng pintuan.
Naramdaman ko ang paglapit nito at dinampian ako ng halik sa noo."Because I'm jealous, gusto ko ako lang ang magpapasaya at magpapangiti sayo"mahina at malambing niyang bulong bago niya ako niyakap at hinila paupo sa sofa.
Lihim naman akong kinilig sa narinig mula sa kanya parang nagkagulo ang laman loob ko dahil sa kilig na nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Made for Two?
FanfictionPaano kung may dumating sa buhay mo na magpaparamdam ng tunay na pagmamahal pero hindi lang isang tao kundi dalawa.Maari nga bang magmahal ng dalawang tao sa parehas na pagkakataon? Samahan nyo ako sa panibagong kwento na pagbibidahan ni Freen Saroc...