***Amara Gayle Sebastian***Ng maihatid na ako sa bahay ay naiilang akong ngumiti at nagpaalam kay Maam Emily.
Hating gabi na pero hindi parin ako dalawin ng antok nakatitig lang ako sa kawalan at iniisip ang nangyari kanina."Aahhhgg" sigaw ko sabay kagatnsa aking unan dahil sa hindi ko na maipaliwanag na dahilan.
"Bakit niya ako hinalikan" naguguluhan kong tanong sa sarili.Hindi ko alam kung anong oras akong nakatulog,nakatulog ba ako mukhang di naman dahil parang kapipikit ko palang ay tumunog na ang alarm ko.
Tinatamad akong bumangon at tinungo ang kusina para maghanda ng almusal naming magkakapatid.
"Ate Amara gising ka na pala" ani Agatha habang sinasangag nito ang kanin na natira nila kagabi.
"Mukha ba akong natulog atsaka bakit ang aga mo ata gumising?"nabusangot kong tanong.
"Monday ngayon ate bawal malate" nakangising saad nito.
"Atsaka alam kong pagod ka sa trabaho mo kay Maam Emily kaya inagahan ko nalang din ang gising para ako na ang maghahanda ng pagkain natin" dugtong pa nito na ikinalawak ng ngiti ko.
"Ang mature naman ng kapatid kong to" sabay akbay sa balikat niya habang nakatingin ako sa hinahalo niyang singag.
"Sus binobola mo ako Ate eh,halika na maupo ka lang diyan at ako na ang bahala sayo ngayon" hinila ako at pinaupo sa upuan at naglagay ng plato sa mesa at nilagyan ng sinangag at itlog, nagtimpla din ito ng kape pinaghatian namin ang 3 in 1 na isang piraso maghahati din ang mga nakakabata namin na kapatid sa isang piraso mamaya paggising nila.
"Anong meron bakit ang sipag mo ngayon?" tanong ko habang inaayos ang kanin na nakalagay sa aking kamay para isubo.
Ngumiti lang ito at naupo na rin para kumain.
"Ahm wala lang Ate naisip ko lang kasi ang dami mo ng sacrifices sa amin kaya deserve mo din ang mapagsilbihan" matamis ang ngiting saad nito.
Tinaasan ko ito ng kilay dahil alam kong may kailangan ito sa akin."Magkano ba ang kailangan mo?" seryoso kong tanong.
Ngumisi ito at may kinuhang papel sa bag nito.
Ipinatong nito sa mesa kaya bahagya kong inilapit ang papel gamit ang aking siko dahil mamantika at may kanin ang aking kamay."kailan daw to?"
"next week na ate pero kung wala talaga huwag nalang ako pumunta" malungkot nitong saad.
"Pupunta ka ako ang bahala hindi pwdeng mamiss mo yang field trip nyo"
"Pero Ate..." sinamaan ko ito ng tingin kaya hindi na niyanitinuloy ang sasabihin.
Matapos kong mag almusal at mag ayos ng aking saili ay agad na akong umalis ng bahay hindi ko na din ginising si Inay dahil alas otso pa ito pupunta sa mansion ng mga Sarocha.
Alas singko palang pero maliwanag na ang paligid.Tinungo ko ang carinderia nila Ninong Jap at binigay ang bayad sa itlog na kinuha ko noong sabado.
"Kumain ka na ba anak?" tanong ni Ninong ng magprisinta akong maghugas ng mga plato sa kanilang karinderya.
"Opo Ninong tapos na po, tapusin ko lang mga hugasin tapos pupunta na ako ng school may eksam po kasi kami ngayon"nakangiti kong tugon.
Hindi naman na ako kinulit pa ni Ninong ng makita niyang nag babasa ako ng notes ko na nakapatong sa mesa sa kabilang side ko kung saan hindi mababasa habang naghuhugas ako ng plato.
Ng matapos ko ang hugasin ay natapos ko din mabasa laman ng notes ko kaya naman kahit paano na refresh ako sa mga last lesson namin.
BINABASA MO ANG
Made for Two?
FanficPaano kung may dumating sa buhay mo na magpaparamdam ng tunay na pagmamahal pero hindi lang isang tao kundi dalawa.Maari nga bang magmahal ng dalawang tao sa parehas na pagkakataon? Samahan nyo ako sa panibagong kwento na pagbibidahan ni Freen Saroc...