Chapter 22

397 29 1
                                    


***Amara Gayle Sebastian***

"Happy Graduation ateee..." sigaw ng aking mga kapatid  ng magising ito kinaumagahan.

"Salamat sa inyo,natupad na ang isang pangarap natin ang makapagtapos ako,sa susunod kayo naman" maluha luha kong niyakap ang aking mga kapatid.

Ng makapag ayos na ako kinuha ko ang phone at tinignan kung may chat na si Emily pero wala parin kaya napanguso ako.

"Sabi mo magchachat ka daya mo naman" nakabusangot kong inilapag ang phone pero bigla itong tumunog kaya agad ko namang binasa ang mensahe yun nga lang galing ito kay Sir Patrick.

"Happy Graduation Amara,congratulation you made it"  chat nito.

"Thank you sir" reply ko at inilagay ko na sa sling bag ko ang cellphone.

Kita ko ang tuwang tuwa na mukha ni inay habang naglalagay ito ng konting lipstick sa kanyang labi atsaka nagpolbo.

"Inay salamat sayo dahil ikaw ang totoong dahilan kung bakit ko nakamit ang pangarap kong ito" naluluha kong niyakap si Inay.

"Anak dahil iyan sa kasipagan mo..napagtapos ka ng pagbebenta mo ng balot at itlog pugo kahit alam kong mahihirapan ka" natutuwang saad ni inay.

"Walang mahirap sa taong madiskarte"  halos sabay sabay na wika ni agatha at ng dalawa naming kapatid.

"Narinig mo iyon nay?,ang motto ng mga Sebastian!!.." natatawa nalang ako kahit ramdam ko ang lungkot dahil pakiramdam ko ay hindi makakahabol si Emily sa aking graduation.

Pagdating ko sa Hall kung saan gaganapin ang graduation ceremony ay hindi Emily Sarocha ang nakalagay as guest speaker kundi Freen Patrick Sarocha.Ibig sabihin hindi siya nakahabol.May mga reporter din na narito.

Hinawakan ko ang aking dibdib hindi ko alam pero kinakabahan ako sa di ko mawaring dahilan.

Nag umpisa na ang graduation ceremony.Madaming tao kaya medyo tagatak na din ang pawis.

"At ngayon ating pakinggan ang munting mensahe ng ating pangunahing pandangal,Ang pangalawang anak nila Misis Freen and Rebecca Sarocha no other than CEO Freen Patrick Sarocha" pagpapakilala ng host.

Tumayo kami at nagsipalakpakan.

Nagsimula na siyang magsalita at halos lahat ay nakatuon sa kanya ang atensyon habang ako ay palinga linga nagbabakasakaling narito lang sa paligid si Emily.

"Babe nasaan ka na ba patapos na ang programa wala ka padin" buong ko sa aking isipan habang hindi mapakali ang aking kamay.

""And lastly gusto kong ipakilala ang isang babaeng naging inspirasyon ko simula nakilala ko siya at ang babaeng naging dahilan kung bakit mas naibigay ang lahat ng pangangailan ng aming scholars,mula sa kanyang mga suhesyon na nagpamulat sa amin sa katotohanan na mas madaling hanapan ng paraan ang tuition fee kaysa pang araw araw na gastusin,pang araw araw na allowance kaya naman nabigyan ng monthly allowance  para sa mga scholars ,full tuition fees at may tig iisang laptop para mas lalong ganahan sa pag aaral aming mga scholars at ito ay dahil sa aking pinakamamahal na si Amara Gayle Sebastian" bigla akong nataunan sa narinig.

"Siya pala yung sinasabi nilang girlfriend ng CEO?" bulungan ng mga ito.

Nanlaki ang mata kong nakatingin kay Sir Patrick.Kasabay ng tila pag ingay ng ilang mga tao sa hall.

"Totoo ba iyon kasama daw yung kapatid ni Sir Patrick sa eroplanong bulusok sa dagat" napalingon ako sa nagsalita.

Bigla nabitawan ni Sir Patrick ang mikropono ng may teacher na bumulong sa kanya at mabilis itong tumakbo palabas ng hall.
Gusto kong magtanong kung anong nangyayari pero nakita ko nalang ang sarili kong nag i sscroll sa facebook at binabasa ang isang article na shinare ng isa kong fb friend.

Made for Two?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon