Chapter 27

966 70 7
                                    


***Amara Gayle Sebastian***

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mata ni Patrick ng ipatawag ako ni Emily sa kanyang opisina.

"Patrick magkita nalang tayo mamaya, huwag kang mag alala ako na ang bahalang magpapaliwanag sa kapatid mo" ani ko.

Pilit itong ngumiti bago tumango.

"Kung magagalit siya sayo sabihin mo sa akin para ako ang makikipag usap sa kanya pasensya ka na kung naidamay kita sa sitwasyong ito"

"Pat..ginusto ko to atsaka nabenefit naman ako eh naoperahan si inay dahil sa tulong mo handa akong harapin ang galit ni Emily dahil may pagkakamali din ako" saad ko at tinapik ko ito sa balikat bago ako umalis.

Mix emotions ang aking nararamdaman habang lulan ng elevator papunta sa opisina nito.Kinakabahan dahil alam kong galit ito sa akin at the same time masaya ako at nanabik na mayakap siya.

Dinig ko ang tunog ng aking dibdib habang papalapit na sa floor  na kinaroroonan nito.
Pinagpapawisan na ako kahit sobrang lamig naman ng hotel mas lalong nangatog ang tuhod ko ng bumukas na ang elevator at naglakad na ako patungo sa opisina.

"Office of the CEO" basa ko mula sa nakasulat sa pintuan.
Bumuga ako ng hangin bago kumatok ng tatlong beses.

"Mabuti andiyan ka na kanina pa siya naghihintay,pumasok ka na " ani ng babaeng tumawag sa akin kanina sa ground floor akmang lalabas siya ng hawakan ko ito sa braso.

"Sa-an ka pupunta?" kabado kong tanong.Ngumiti ito sa akin.

"Ayaw ni Maam Emily ang may ibang tao kapag pribadong tao ang kakausapin" pagkawika nito ay hinila na nito ang pintuan pasara.

Napalunok ako ng sunod sunod ng makita ko si Emily na nakaupo sa kanya wheelchair at nakatingin sa glass wall na kita ang mga tao sa paligid ng hotel.
Tumikhim ako.

"Pi-natawag mo daw po ako?" nauutal kong tanong pero nakatingin parin ito sa labas at pinagmamasdan ang mga taong naglalakad lakad sa labas ng hotel.

Naglakad ako palapit sa kanya at muling tumikhim. "May kailangan ka po ba?"
Lumingon ito sa akin at tinitigan ako sa mukha.Nakita ko ang tila paglunok nito habang nakatuon ang mata sa aking labi pero agad din nag iwas ng tingin.

"Bakit hindi ka naghintay" malamig ang tinig nitong tanong.Nakaramdam ako ng guilt sa puso ko dahil sa tanong nito.

"Kinailangan ko ng tulong niya para mailigtas si inay" nakayuko kong saad.
Bumuntong hininga ito at pinagulong ang wheelchair papunta sa kanyang mesa akmang tutulungan ko siya pero tinaas nito ang kamay na huwag akong lalapit.

"I'm sorry " tanging usal ko.

Lumipat ito sa swivel chair pero hindi ito makatayo kaya agad kong nilapitan at tinulungan para makaupo.

Iwinakli niya ang kamay ko pero mas lalo ko siyang hinawakan sa bewang pero sa pagkaupo niya sa swivel chair ay sumabit ang buhok ko sa butones ng kanyang suot na white longsleeve

"Ouch..wait" naramdaman ko ang kamay nitong humawak sa aking buhok at tinanggal ito,bahagya ako napasinghap dahil naamoy ko nanaman ang kinaadikan kong pabango.

Namilog ang mata ko ng kunin niya ang gunting sa drawer ng kanyang mesa.

"Wait..gugupitin mo ang buhok ko?" lalo akong lumikot.

"Pwde ba tumigil ka ang likot mo, hindi ka ba nagsusuklay at ganito kabuhol ang buhok mo" pagsusungit nito.

Ng maalis ito na tila may nagunting ay Napangiwi ako.

"Oh my hair!" Naningkit ang mata kong tumingin sa kanya pero agad kong natutop ang aking bibig ng makitang nakaawang na ang polo nito at kita ko ang pagsilip ng dibdib nito.
Napalunok ako habang nakatingin doon.Ang butones pala ng kanyang damit ang ginunting niya at hindi ang buhok ko.

Made for Two?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon