Chapter 7

921 48 5
                                    


***Emily Sarocha***

Umuwi ako ng Pilipinas para asikasuhin ang Hotel and restaurant na branch ng Sarochas hotel dito sa England.Kailangan andoon ako sa araw ng opening ng hotel dahil ako na ang magmamanage.
Naging masaya ang welcome party na inihanda ni Patrick para sa akin at natupad ang gusto king mga uri ng pagkain.
Nagustuhan ko lalo ang pinakbet kaya naman sinabihan ko si Yaya Miling na maglagay sa ref para ulamin ko bukas.

Nairita ako sa tingin ng babaeng kanina pa ang sulyap sa akin pero hindi ko rin maintindihan bakit ganon nalamang ang pagkabog ng aking dibdib ng magtama ang aming paningin.

"Ate Emily...Hey ate..wait" hingal na habol ni Patrick sa akin.

Huminto ako at lumingon sa kanya.

"Oh ano "masungit kong saad nakalimutan kong ang kapatid ko pala ang aking kausap.Ng makita kong lumabi ito ay atsaka ako natauhan.

"Im sorry bunso..pagod lang ang ate"hingi ko ng paumanhin.

"Kina- career mo na yang pagiging masungit mo eh" nakasimangot niyang saad.

"Pasensya na..Tara na bumalik na tayo sa mga bisita " nakangiti kong sagot at inakbayan ito.

Pagbaba namin ay hindi nakaligtas ang masayang tingin ni Guiller.

"Siguro ganyan din sana kami ng lil sister ko kung.." hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil dumating ang ilang mga business partner nila Mommy kaya sabay sabay kaming lumapit at nakipagkamayan sa mga ito.

Ng maghapon na ay unti unti ng umalis ang mga bisita.May mga nag iwan ng welcome gift kaya pina akyat ko nalang sa aking kwarto.

"Nay Lourdes pakilinisan ang kwarto ko "wika ko sa matanda na taga linis sa labas ng bahay.Mukha naman siyang mabait kaya siya nalang paglinisin ko sa kwarto.
Hindi naman ako maarte sa mga taong pumapasok sa kwarto pero sadyang may trust issue lang ako sa ilang mga bagay at pagtitiwala sa mga pribadong bagay sa buhay ko.

Abala naman ang mga estudyanteng cook sa pagbubuhat ng mga ginamit ng mga ito at isinasakay sa isang van.

Hinanap ng aking mata ang babaeng iyon kanina at kausap siya ni inay Lourdes at mukhang close silang dalawa.

"Nak sinong tinitignan mo diyan?" tumabi sa akin si Yaya Miling at tumingin din sa tinitignan .

"Ah si Amara..panganay na anak yan ni Lourdes mabait at responsableng anak at kapatid" wika ni yaya.

"Amara?" kunot noo kong tanong at sumulyap pa kay Yaya Miling.

"Oo anak..kakaiba nga ang ganda niyan sa mga kapatid niya eh" wika pa nito.

Napatango nalang ako sa sinabi nito.Kumuha ako ng sumimsim ako sa wine sa hawak kong wineglass at muling tumingin sa kinatatayuan ng babae.

"Ibig sabihin kung anak siya si nay Lourdes maraming pagkakataong magkikita kami" tikom kong saad habang nakatitig parin sa kanya.

Bigla akong nataranta ng lumingon ito sa aking kinatatayuan pero tinaasan ko lang siya ng kilay na ikinakunot naman ng noo.
Lihim akong napangisi dahil alam kong inis na inis nanaman ang buong sistema niya .

____

Malalim na ang gabi pero hindi parin ako dalawin ng antok kaya  naupo nalang muna ako dito sa living room habang nanonood ng movie pero hindi ko naman na iintindihan ang aking pinapanood.

"Ate. Bakit gising ka pa"tinig ni Patrick at naupo ito sa maliit na sofa sa aking tapat.Ibinaba nito ang isang tasa ng kape sa mesa.

"Pinapagod ko lang ang mata ko" sagot ko habang nakatutok ang aking mata sa screen ng tv.

Made for Two?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon