Chapter 19

493 28 3
                                    


***Amara Gayle Sebastian***

Naging lihim ang relasyon namin ni Maam Emily pero alam kong nakakahalata na din si Sir Patrick dahil sa sobrang lapit namin ng kanyang kapatid.
Hindi naman namin hinahayaan na matiklo niya kami.

"Babe ano yang niluluto mo?" mula sa aking likuran at maingat niya akong niyakap.

Narito ako ngayon sa condo niya dahil gusto niyang dito ako matulog basta sabado at linggo.
Dito na rin ako nagbibihis at sabay kaming pumapasok sa school minsan hinahatid ako kapag wala siyang inaasikaso sa university at sa Hotel siya mag oopisina.

"Sardinas na may malunggay gaya ng request mo babe" malambing kong saad nilingon ito ngunit bigla niya akong dinampian ng halik sa labi.

"Babee...ano ba ang hilig mong magnakaw ng halik" nagmamaktol kong sambit sabay sarado sa stove dahil tapos na akong magluto.

"Girlfriend naman kita eh anong masama doon?" hinila niya ako paharap sa kanya hindi ko maikakailang sobrang kakaiba ang  tibok ng puso ko sa tuwing nagkakatitigan kami ng ganito.

"Ah kahit na dapat sabihin mo naman hindi yung bigla bigla nalang" saad ko ng nakabusangot at itinulak ito ng mahina para maghiwalay ang magkadikit naming hinaharap pero lalo niya akong hinapit sa likod kaya lalong nadiin ang aking katawan sa kanya.

"Gusto ko kumain" bulong nito at namumungay ang matang tumitig sa akin.

"Sige na at pakainin na kita" wika ko at tinanggal ang kamay nitong nakahapit sa aking bewang pero mahigpit parin ang hawak nito sa akin.
Kaya tumingin ako sa kanya,nang aakit ang kanyang labi at ang mata nito ay tila may nais ipaihawitig.
Ngimiti siya ng bahagya na ikinairap ko sa kanya.

"Talaga papakain ka?" pilyang ngiti nito.
Doon ko lang napagtanto na ibang kain pala ang sinasabi nito kaya hinapas ko siya sa braso.

"Ang pervert mo talaga Emily Sarocha" at malakas ko siyang itinulak pero sa lakas ng tulak ko at pati ako sumama sa kanyang pagkakabuwal kaya naman napakubabaw na ako sa kanya.
Nag aalala ko siyang tinignan na nakangiwi na at hawak ang balakang.

"Are you okay,sa-saan ang masakit?" nag aalala kong tanong.

"Here..sabay hawak nito sa dibdib niya" kaya nahampas ko siya ulit sa braso.

"Aray...ouch..babe magiging battered wife pa ata ako sayo eh"
reklamo nito habang hinihimas ang braso.Tinutulungan ko siyang tumayo ng biglang may magsalit sa pintuan ng kusina.

"What happened?" nagulat ako sa nagsalita kaya muli kong  naitulak si Emily at lalong napaupo ito.

"Ouch."muling daing nito kaya mabilis kong pinatayo at pinaupo sa upuan sa dining table.

"Sir..Kayo po pala" nahihiya akong tumingin sa kanya.

"What are you doing here?" kalmado namang saad nito na tila walang nangyari.

"Nagpunta kasi ako kila Amara nasabi ni Agatha na andito ang ate niya" palipat lipat ang tingin nito sa amin.

"Ah yeah,kase sakin siya nag tatrabaho every weekend para hindi na din siya mahirapan na magbyahe papunta ng Saro Hotel" tumayo ito at kumuha ng plato.

"Nag lunch ka na?,nagluto si Amara ng sardinas na may malunggay kain na tayo" dugtong nito kaya tinulungan ko na siyang magprepare pero paghawak ko sa kaserola at napaso nakalimutan kong bagong luto pala ang ulam.

"Ouch!"

"Whats wrong,are you okay?" halos sabay na hawakan ng dalawa ang aking kamay.

"Ah..eh...ayos lang ako Maam,Sir" nakangiwi kong hinablot ang aking kamay na hawak ng mga ito.

Made for Two?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon