Chapter 44

539 38 1
                                    


***Amara Gayle Sebastian***

Pagdating namin sa venue ay namangha ako sa ganda ng paligid,isa itong beach wedding at mga piling kaibigan lang ang mga naririto.

"Isang private wedding..para hindi kumalat na kasal na siya at pwde pa din siyang magloko anytime na gusto niya" sarkasmong bulong ko.

Pinisil ni Sandra ang palad ko na ikinalingon ko sa kanya.

"Oh ano? totoo naman diba,may pasabi sabi pa siyang gagawin niya ang lahat para lang bumalik akp sa kanya yun pala ikakasal naman sa iba" puno ng hinanakit kong saad.

Napansin kong luminya ang ilang mga bisitang hindi pa nakakapasok sa venue.

"Tara kailangan natin dumaan doon" wika ni Dad kasabay ang pag hawak nito sa aking kamay at isinukbit ito sa kanyang braso.

Kaming tatlo nila Mommy ang magkakasama habang si Kuya Guiller at Sandra naman ang magpartner na nasa unahan namin.

Sa harapan nila kuya ay may isang babaeng nakawhite dress din  na tila lasing ito dahil sa maingay o sadyamg ganun lamanang siya.

"A-ang pogi n-naman ng Mr. Ko" sigaw ng babaeng nasa harapan nila kuya na ikinatawa ng ilan kaya lumapit sa kanya ang assistant ni Patrick na si Alvin at may ibinulong ito.

Nag umpisa na ang matamis na musika at nag umpisa nadin umusad ang linya ng mga tao. Sa pag iikot ng aking paningin nakita ko si Emily ang ganda nito sa damit niyang white dress habang nakangiti sa babaeng kausap pero hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod.

Bigla umangat ng tingin sa akin si Emily at nagtama ang aming mata, kumabog ang dibdib ko pero mas nanaig ang sakit na nararamdaman ko pero matamis itong ngumiti sa akin.

"Anak ng pechay at may gana ka pang ngumiti ng ganyan, paano mo nagagawang sumaya ng ganyan habang akoy nadudurog ng ganito..eto nga nagkita ulit tayo pero ikakasal ka na ang bilis mo namang makamove on " galit kong sambit sa aking isipan,humigpit ang hawak ko sa braso ni Dad dahilan para mapatingin ito sa akin.

"Anak may plano ka bang baliin ang braso ko" bulong ni Dad kaya napangiwi ako.

"S-sorry po Dad" ani ko at niluwagan ang hawak dito.

Dumiretso na ng upuan sila kuya at Sandra pero kami eto nakatayo parin sa gitna.

Naglakad ang babaeng kausap kanina ni Emily hawak ang isang boquet ng bulaklak at matamis ang ngiting pumuwesto sa aming harapan kaya napabuga nalang ako ng hangin at kinimkim ang hinanakit.

Ang babaeng kanina pa maingay ay sinundo ni Patrick,ganun nalamang ang pag awang ng aking labi ng lumambitin sa kanya ang babae na parang unggoy kaya naman pati ako ay hindi ko maiwasang di matawa.
Walang nagawa si Patrick kundi kargahin ang babae papunta sa harap ng pari.

Hinanap ko ang magiging bride ni Emily dahil nakatayo na din ito sa harap kasama ang magulang nitong si Maam Freen At Maam  Rebecca naglakad na ito ganun din ang babaeng nasa harapan namin mapait akong napangiti.

"Siya siguro ang bride" ani ko sa aking isipan.
Pinipigilan ko ang pamumuo ng luha sa aking mata habang papalapit si Emily sa babae at niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi.Kinuha nito ang bulaklak na hawak.

Napayuko ako para hindi matuloy ang pagkahulog ng aking luha.
Napalunok ako ng sunod sunod para lang pigilan ko ang sakit na nararamdaman.

Ng maramdaman kong hinawakan ni Dad ang kamay ko na nakapulupot sa kanyang braso at iniangat iyon ganun din kay Mommy.

"Please ingatan mo ang anak ko,huwag mo siyang sasaktan" boses ni Dad.Unti unti akong nag angat ng tingin mula sa buhanginan na kinatatayuan namin may nakatayo sa aming harapan mula sa paa pataas sa kanyang katawan pinaglakbay ko ang aking mata.
Ng dumako ang aking tingin sa kanyang dibdib bigla akong nakaramdam ng kakaibang kalabog sa aking dibdib at lalong magwala ang aking puso ng makita ko ang mukha ng babaeng kumuha sa aking kamay mula kay Daddy at Mommy.

Made for Two?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon