***Emily Sarocha***Isiniksik ko ang aking katawan kay Amara matapos kong marinig ang mhina nitong paghikbi.Gusto kong pagsusuntukin ang aking sarili dahil nasasaktan ko ang babaeng mahal ko.
Nagpanggap akong mahimbing ang tulog habang nakayakap sa kanya at inaalala ang nakaraan.
"Tito Richie hindi mo pwedeng ibigay kay Patrick ang pagiging CEO ngayon let me handle it lalo na ngayon na si Rashid ang katunggali niya sa pqgpipilian maruming maglaro ang pamilyang Tui at ayaw kong mapahamak ang kapatid ko" pamimilit ko sa aking Tyohin habang busy ito sa pag pipirma sa mga papeles sa kanyang mesa.
Tumingin ito sa akin.
"Nagbago na ang mga Tui iha patunay yan kay Nathaniel" mahinahon niyang saad pero umiling ako.
"Ang mga Tui ang may pakana kung bakit nagkaroon ng problema ang sinakyan kong eroplano noon pauwi dito sa Pilipinas kaya ayaw kong mapunta agad kay Patrick ang pamumuno let me clean at mapaalis ang lahat ng damo sa kumpanya ng Bonclo bago nyo paupuin ang kapatid ko" seryoso kong wika habang si Tito ay namilog na ang mata dahil sa gulat.
"Ba-kit ngayon mo lang sinabi iha,alam ba ito ng Mommy mo?" agad nitong wika ng mahimasmasan at lumapit ito sa akin hinawakan ako sa braso.
Nag umpisa ng tumulo ang luha ko at umiling iling.
"Sobra sobra na ang naranasan nila Mommy sa kamay ng mommy Olivia ko noon and I want to handle it alone...a-yaw ko na silang mag alala pa at madamay nanaman sila..tama na yung sakit na naranasan nila sa aking ina.Mahal na mahal ko ang pamilya ko Tito at ayaw ko silang masangkot sa kahit anong gulo.And si Patrick may trauma siya sa mga nangyari noon at ayaw ko ng muling maalala pa ng aking kapatid" patuloy ang pagbuhos ng aking luha habang nakawak ako kay tito.
Nanlalabo na din ang aking paningin dahil sa luhang lumalabas sa aking mata kaya pinahiran ko ito."Tito Im begging you,please huwag mong sasabihin kila Mommy..kahit sa ganitong paraan masuklian ko manlang ang kanilang kabutihan sa akin" naiiling namang tumingin sa akin si Tito.
"Handa akong masaktan maprotektahan lang ang mga mahal ko sa buhay kahit kapalit nito ay ang pagkadurog ng aking puso"
"Napakabuti mong anak basta mangako ka kapag kailangan mo ng tulong abisuhan mo ako, Sige ikaw ang itatalaga kong acting CEO ng Bonclo...mangako kang iingatan mo ang sarili mo"paniniguro nito.
Tumango ako at yumakap sa kanya.
Lihim akong nag imbestiga sa mga galawan ng Tui sa Bonclo,mabuti nalang at hindi ko hinayaang makapasok ang pamilyang iyon sa Saro Hotel.
Matapos din ng gabing may mangyaring muli sa amin ni Amara ay nagdesisyon akong manatili sa probinsya para masubaybayan ang kumpanya.
Hinaplos ko ang maamo niyang mukha at dinampian ng halik sa labi.Dinamitan at inayos ang sarili nito bago ko tinawagan si Patrick.
"Ate napagod ata sa trabaho nakatulog na siya" pagtatakang tanong ni Patrick ng makapasok ito sa opisina.
"Oo,ikaw na muna ang bahala sa kanya Patrick, huwag mo sana siyang pababayaan alagaan mo siya para sa akin" nakita ko ang tila pag tutol sa mata nito.
"Ate paano kung mahulog ako sa kanya habang ako ang nasa tabi niya,paano kung" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito.
" Tama na sana yung ginawa mong pagpapakilala na gf mo siya, tutulungan kita para maibigay sayo ang Bonclo ng walang pagdaraanang hirap gagawin ko ito Patrick para sayo at pagkatapos nito layuan mo na si Amara at hayaan mo na siya sa akin" pagkawika ko ay tumalikod na ako at iniwan itong tulala.
Nagpatuloy ako sa pagpapanggap na parang wala lang si Amara pero sobra akong nasasaktan na twing nakikita ko silang magkasama sila ni Patrick.
"Hi Ms.Emily" masayang bungad ni Victoria,nagulat ako na pati siya ay narito din sa probinsya.Oo nga pala isa din ang parents niya sa mga business partner ng Bonclo.
"Hello,andito ka din pala" ani at napatingin sa hawak nito.
"Oo may coffeeshop kase kami sa Santiago kaya minsan napapadalaw na din ako dito gaya ng utos nila Dad para kahit paano alam ko naman kung paano magpatakbo ng negosyo" nakangiti niyang wika.
"Siya nga pala pakibigay nalang ito sa gf ng kapatid mo kay Amara,naiwan kasi niya sa kotse sobrang inaalagaan ata niya tong jacket na ito" dugtong nito at napatingin ako sa hawak nitong paper bag.
"Yeah okay sure" tangi kong sagot sakto namang may tumatawag sa kanyanh cellphone kaya nagpaalam na ito.
Pumasok ako sa opisina at umupo sa swivel chair,isinandal ko ang aking likod sa upuan at nakaramdam ako ng kaginhawaan.
Napabuga ako ng hangin kumunot ang noo ko habang nakatitig sa paper bag na nakapatong sa aking mesa.Wala sa sarili inabot ko ang paper bag at tinignan ito at sinilip. Isa itong jacket ng bata kaya ibinalik ko din agad pero sa pagbalik ko ay lumantad ang logo nito may initial na ES at ang nakapalibot sa initial ay logo ng kumpanya ni Mommy Freen sa England.
Muli konitong kinuha at tinitigan ng buo."Paano nagkaroon ng ganito si Amara" bulong ko sa aking sarili.
"Siya ba si pugo girl?" Muli akong napakunot ng noo naalala ko na binigyan ko ang batang iyon ng jacket noon.
Ngayon ang dating ni Patrick sa mansion ni Tito Richie kaya kailangan kong makausap si Amara nasabi ni Tito na sasama ito bukas."Saan ka pupunta iha " nakangising nakatingin si Tito Nathaniel sa akin.
"Pupunta ako ng Mansion tito dahil opening ng BCMall bukas doon dumiretso ang kapatid ko kaya kailangan ko silang salubungin"
"So anong plano ng acting CEO ngayon? Hindi ko alam kung bakit ka tinalagang CEO eh wala ka namang background sa clothing company tanging mga food beverage ka lang naman nakalinya diba,samantalang ang anak ko ay halos lagi siya sa kumpanya at nag susurvey"sarkasmo niyang saad.
Alam kong masakit ang loob nito na hindi si Rashid ang naging acting CEO.
Ngumisi ako sa kanya."Siguro dahil subok na ako sa larangan ng pagpapatakbo ng negosyo, habang si Rashid lagi nga sa survey pero babae naman ata mga sinusurvey niya diba? Ilang mga empleyado na ang nagreklamo dahil sa pang hihipo niya" pilit akong ngumiti.
Nakita ko ang pag igting ng panga nito at bahagyang pagkuyom ng kamao.
"Huwag kang pakampante Emily..mapapasakamay din ng anak ko ang pagiging CEO" madiin nitong saad at tumalikod na ito pero bago pa makalabas ay nagslita ako.
"Isasabotahe mo ulit ang sasakyan kong eroplano? O tatanggalan ng preno ang sasakyan ko?" Sarkasmo kong tugon sa sinabi nito.
Napahinto ito at gulat akong tinignan."Huwag ka lang magkakamaling kalabanin ako Mr.Tui..huwag mong kakalimutan na anak ako ni Olivia...kaya kitang durugin kung gusto at kayang kaya ko kayong walisin sa Bonclo kapag nagkamali kayo !" Galit ko itong tintigan at inunahan ko na itong lumabas.
Naiwan itong tulala na tila hindi makapaniwala.Isinuot ko ang wireless headset ko habang papasok sa elevator at tinawagan ang secret body guard ko.
"Check everything lalabas na ako"saad ko.
Naging mailap ako sa mga tao at hindi ako gaanong nakikipag usap pero may isang empleyado na ibinigay si Tito Richie sa akin na akala moy linta kung makakapit sa akin.
"Maam aalis na ba tayo?" Salubong ni Andrea ng makita akong lumabas ng elevator nag aabang pala ito sa lobby.
Napabuga nalang ako ng hangin at tamad itong tinignan. Bumuntot lang ito sa akin,kung saan ako nagpupunta ay sumasama ito pero hindi ko siya dapat pagkatiwalaan lalot hindi ko siya kilala at may mga naririnig akong isa siya sa mga nakakalandian ni Rashid.
Hindi nga ako nagkakamaling narito nga sa probinsya si Amara.
Naging mailap siya sa akin at hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon para makausap siya ng maayos hanggang sa makabalik na kami ng Manila.Malakas ang loob kong si Amara at si pugo girl ang babaeng una kong minahal ay siya ang babaeng mahal ko ngayon.
At nahihirapan sa kalagayan kung sino nga ba ang pipiliin niya sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Made for Two?
FanfictionPaano kung may dumating sa buhay mo na magpaparamdam ng tunay na pagmamahal pero hindi lang isang tao kundi dalawa.Maari nga bang magmahal ng dalawang tao sa parehas na pagkakataon? Samahan nyo ako sa panibagong kwento na pagbibidahan ni Freen Saroc...