Chapter 21

438 28 3
                                    


***Emily Sarocha***

"Patrick please take care Amara for me mabilis lang ako sa England kailangan ko lang ayusin ang Saro Hotel at pagbalik ko isasama ko na sila Mommy para maayos na ang lahat sa amin ni Amara" saad ko sa aking kapatid matapos kong aminin ang lihim naming relasyon ni Amara.

Kita ko ang tila paglungkot ng kanyang mukha sa hindi ko alam na dahilan.Dahil ba sa aalis ako.

"Hi-ndi ko inaasahan na matagal na pala kayo" wika nito habang nakatingin ito sa malayo mula dito sa kinatatayuan namin sa veranda ng mansyon.

"Hiniling ni Amara na itago muna kaya nirespeto ko iyon dahil aalis ako kailangan ko ang tulong mo ayaw ko siya nalulungkot habang nasa malayo ako" napabuntong hininga ito bago bumaling sa akin.

"Huwag kang mag alala Ate...ako na ang bahala sa kanya" malungkot na saad nito.

"Pagbalik namin kasama ko na sila Mommy para sa engagement namin" mas lalong napaawang ang labi nito dahil sa narinig.

Kita ko ang paghigpit ng hawak niya sa wine glass.

"Patrick okay ka lang?" kunot noo ko itong tinignan.

"Ah..yeah Im fine" pilit na ngiting wika nito.

Matapos kong maasikaso ang dapat ay agad din akong nagbook ng ticket ko pauwi ng England dahil gusto kong makabalik bago ang araw ng graduation ni Amara.

"Babe miss na kita agad" wika ko mula sa screen ng aking cellphone habang ka video call ito.

Ngumuso ito.

"I miss you too babe..mmmm ilang araw nalang graduation na namin alam mo bang may award ako dapat makita mo yon at may award din mula scholarship ko" nakasimangot niyang tugon.

"Darating ako babe" nakangiti kong tugon.

Tumitig ito sa akin ng hindi kumukurap.

"Alam mo bang kalat ngayon dito sa school na ang isang CEO ng Sarocha's Group na siyang magiging guest speaker ay may girlfriend na studyante at ilalantad iyon sa araw ng graduation" nakatingin parin na kwento nito.

Napakagat ako ng labi at napakunot ang noo.Iniwan ko ang speech ko kay Patrick just incase na hindi ako makaabot,pero hindi ko matandaan na may nilagay ako sa dulo na pagpapakilala sa girlfriend ko.

"Babe darating ako at ipapakilala kita sa lahat" matamis ko itong nginitian.

Kita ko ang tila pagkabahala nito.Alam kong nahihiya siya.

"Uwi ka na miss na kita,hindi ko naman himahangad na makilala ako ng lahat sapat sakin na akin ka at sayo ako" saad nito.

Matapos naming mag usap ay lumabas na ako ng kwarto para pumunta na sa Saro Hotel.

"Anak mag almusal ka muna" wika ni Mommy Freen na abala sa ginagawang pagmamasahe sa likod ni Mommy Becca.

Napangiti ako dahil hanggang ngayon ang sweet sweet parin nilang dalawa.

"Sa office na po Mom,madami pa akong aasikasuhin kailangan kong makahabol sa graduation ng mga Scholars natin" wika ko at akmang lalabas na ng tawagin ako ni Mommy Bec

"Anak halika nga muna" napalingon ako na ngayon ay nakaupo na ang mga ito at nakadantay ang paa nito sa hita ni Mommy Freen.

Naupo ako sa pang isahang sofa at dumekwatro ang upo.

"Ano yon Mommy" seryoso lang akong nakatingin sa kanila.

Hinaplos ni Mommy Freen ang paa ni Mommy Bec na nakapatong sa kanya tumingin si Mommy bec dito at muli akong tinignan.

Made for Two?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon