***Amara Gayle Sebastian***Mabilis akong nagbihis matapos kong mabasa ang mga messages ni Maam Emily.
Ang iksi naman ng pasensya niya isa lang naman yung text niya na goodmorning eh tapos tatadtarin ako ang angry emojie.
"Agatha ikaw na ang bahala sa mga kapatid nating nakababata..nasaan na si inay" malakas kong tawag at namamadaling kinuha ang aking bag na naglalaman ng extra tshirt at polbo at isang lipstick.
"Naku ate nauna na si Inay eh halos isang oras ka ng naliligo" saad nito habang abala ito sa pagtutupi ng mga damit na nilabhan kahapon.
Napatingin ako sa oras."Nako late na ako,siya aalis na ako ikaw na bahala sa mga kapatid natin" paalala ko at mabilis na akong naglakad patungong highway para mag abang ng jeep.
Ngunit hindi pa ako nakakarating ay tanaw ko na ang masamang tingin ni Maam Emily habang nakasandal ito sa tarangkahan ng kanyang kotse."Hays paktay ako neto" bulong ko sa aking sarili at mabilis na nilapitan ito at nginitian
"Goodmorning Maam Emily" matamis kong ngiti sa kanya.
"Anong good sa morning kung halos isang oras na akong nag aabang dito?" pagmamaldita nito.
"Ha?eh hindi mo naman po kasi sinabi na susunduin mo ako" ani ko at nagpeace sign pa sa kanya.
"I texted you" pagsusungit parin nito pero nakangiti akong lumapit sa kanya.
"Maam, huwag ka na magalit..sorry na po hindi na mauulit nag orasyon pa kasi ako sa banyo kaya natagalan" kumunot naman ang noo nito na tumitig sa akin.
"Orasyon?" halos magsalubong na ang kilay nito.
"Uhm..kaya huwag ka na pong magalit tara na at malelate na tayo diba maraming gagawin sa office mo ngayon?" nakangiti parin ako sa kanya habang titig na titig sa akin.
Tila naman unti unting nawala ang kunot ng kanyang noo at umaliwalas ang mukha nito kaya kinindatan ko pero umirap lang ito.
Nakangiti akong pumasok sa loob ng sasakyan nito habang siya ay seryoso parin ang mukha.Pagdating namkn ng hotel ay agad din kaming nagtungo sa 8th floor kung saan naroon ang opisina nito.Pero sa pagpasok namin ay kumpol ng mga empleyado ang pumasok kaya naman napaatras kaming dalawa sa pinakalikod.Magkadikit na ang aming braso dahil sa pag atras ng mga ito.
Amoy na amoy ko nanaman ang pabangong kinaaadikan ko ng sobra kaya naman napapikit nalang ako at sinamyo ang nakakaadik nitong amoy.
Napadilat ako ng may dumampi sa tungki ng aking ilong.
"So pipikit ka nalang diyan?" nakatitig nitong tanong kaya namilog ang mata ko habang titig na titig sa akin.
"So-rry Maam hindi ko namalaya--n " nauutal kong saad pero tumalikod na ito at lumabas ng elevator.
Kami nalang pala ang naiwan sa loob kaya mabilis ko siyang sinundan papasok sa opisina nito.Gaya ng dati nag ayos ako ng mga files at inarrange ito sa wastong pagkakasunod ng mga date.Masyadong tambak sa trabaho si Maam kaya halos wala din kaming time ba mag usap dahil nakatutok lang ito sa kanyang laptop.
Ng gumabi na ay kinuha nito ang phone niya at may tinawagan.
"Patrick huwag ka ng pumunta ng office pauwi na kami ni Amara" dinig kong saad nito sa linya na ikinakunot ng noo ko.
Tila nagtatalo nanaman ang dalawa sa tawag pero hinayaan ko nalang ito ng matapos ang tawag ay agad siyang tumayo at hinawakan ako sa palapulsuan.
"Tara na"agad nitong pinulot ang bag at cellphone nito na nakapatong sa mesa .
Mabilis naman akong napatianod sa paghila nito.
Hindi ko alam bakit mabilis ang kilos nito sa paglabas ng compund ng hotel.
BINABASA MO ANG
Made for Two?
Fiksi PenggemarPaano kung may dumating sa buhay mo na magpaparamdam ng tunay na pagmamahal pero hindi lang isang tao kundi dalawa.Maari nga bang magmahal ng dalawang tao sa parehas na pagkakataon? Samahan nyo ako sa panibagong kwento na pagbibidahan ni Freen Saroc...