Chapter 30

620 47 5
                                    


***Amara Gayle Sebastian***

Halos araw araw na nga kaming nagkakasama ni Patrick,naging mabait naman siya sa akin at hindi ako pinapahirapan sa trabaho.
Makalipas ang isang buwan ay nakaschedule na ang punta namin sa probinsya kung saan gaganapin ang grand opening ng Bonclo company. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito.

"Ayos ka lang?" tanong ni Patrick habang nakatingin ang mata sa kalsada.

"Yeah..im fine" tipid kong tugon.

Bumagal ang takbo ng sasakyan " kanina ka pa hindi mapakali,may masakit ba?or nahihilo ka ba?pwede tayong mag stop over muna may limang oras pa ang biyahe" puno ng pag aalang saad nito.

"Ayos lang, siguro naninibago lang..matagal din kasi akong hindi nakakapgbyahe ng malayo"

Tumango naman ito at muling bumilis ang takbo ng kotse pero maingat naman ito sa pagmamaneho.
Makalipas nga ng limang oras narating namin ang Probinsya ng Isabela.
Marami ding mga naglalakihang  gusali sa paligid at halatang nakakaangat din ang probinsyang ito dahil tinutumbok ng ilang mga business tycoon.

Dumiretso kami sa isang malaking bahay na pagmamay ari ng tito ni Patrick na si Sir Richie.

"Glad to see you iho" salubong ni Sir Patrick at kinamayan din ako matapos niyang mabeso ang pamangkin.

"Dumiretso na kayo sa dining area nakahanda na ang mga makakain doon,naroon na din ang ilang mga empleyado at kumakain,ipapa akyat ko nalang kay Yaya ang mga gamit nyo" wika nito kaya dumiretso na din kami sa dining room.

Pagpasok palang namin ay amoy na amoy ko na ang masasarap na pagkain.Namangha ako sa laki at luwang ng dining area parang isang buong bahay na din ito dahil sa lawak.

"Amara?" pabulong na wika ni Patrick.

"Bakit?" nagtataka ko siyang tinignan.

"Dont forget to act as my girlfriend may mga camera sa paligid" nakangiting sambit nito pero malikot ang matang tumitingin sa mga taong kumakain.

Napalunok nalang ako,tutal ginusto naman ni Emily ito at hindi manlang siya nagpaliwanag bigla nalang niya akong iniwan kaya siguro panahon na din para makabawi manlang kay Patrick dahil sa kabutihan niya sa akin at sa aking pamilya.

"Okay baby..I will" bulong ko,namula ang tainga nito dahil sa aking sinabi kaya mahina akong natawa.

"Napaghahalataan ka kapag kinikilig" pabulong kong saad na lalong ikinamula ng kanyang mukha.

"Halika na nga kain na tayo" naiiling nalang nitong saad.

Bukas ang grand opening ng BC Mall kaya makakapagpahinga muna kami bago pupunta ng mall bukas.
Saktong natapos na akong kumain kaya naman akmang tatayo na ako ng may umupo sa bakanteng upuan sa aking harapan.

Pakiramdam ko ay napako ang aking paa at hindi ko ito maigalaw.

"Ate kumusta, you look tired huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo sa Bonclo baka naman mapano ka may Saro Hotel na nag hihintay sayo" wika ni Patrick.

Ibig bang sabihin na alam ni Patrick na andito ang kapatid niya pero hindi nito sinabi sa akin.

"Ayos lang ,galing ako sa branch sa kabilang bayan sa Santiago dahil palubog ang BC Mall doon may financial crisis ang baranch na iyon at gusto kong malaman ang totoo" seryosong wika nito at sumubo ng pagkain.
Bahagya nitong dinilaan ang kanyang labi dahil may lumampas na sauce dahilan para ikalunok ko.

"Excuse me" mahina kong saad at mabilis na tinungo ang cr.

Ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin pero hindi ko na ito nilingon.
Gusto ko siyang tanungin bakit bigla nalang siyang nawala noong gabing iyon.Bakit hinayaan nalang niya ako kay Patrick pero wala akong lakas ng loob para kausapin siya.

Made for Two?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon