Chapter 4

820 49 6
                                    


***Freen Patrick Sarocha***

Hindi na nawala sa isip ko ang sinabi ng babaeng iyon.

"Dahil sa ginawa mo wala akong nabiling bigas noong araw na iyon! "

"Dahil sa ginawa mo wala akong nabiling bigas noong araw na iyon! "

Paulit ulit na rumerihistro sa aking utak ang mga iyon nakita ko ang ID nitong nahulog dahil sa pagmamadali nitong umalis.

"Amara Gayle Sebastian" usal ko.

Matapos ang program ay nagdesisyon akong i meet ang mga scholars pero dahil sa biglaang appointment sa CEO ng isang kilalang fast food sa Manila kaya kailangan ko itong mameet dahil pauwi na daw ito.

Matapos ang meeting ay sinadya kong dumaan sa school kung saan nag aaral si Ms.Sebastian base sa nakasulat sa id niya ay HRM student siya kaya kalimitan lalot graduating gabi na sila umuuwi.
Pero sarado na ang gate ng school ng madaan ako kaya dumiretcho nalang ako ngunit isang babae ang lupaypay ang balikat na tila pagod na pagod na naglalakad biglang kubog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan.

Binusinahan ko ito pero wala siyang pakialam gumilid lang ito.Kaya muli akong inagaw ang pansin nito.Kita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao kaya tama ang hinala kong si Sebastian nga ito.Nilampasan ko siya at huminto sa harapan niya na mas lalong ikinainis.

"Hi Sebastian, ihahatid na kita para naman makabawi ako sa nagawa ko sayo" wika ko,noong una ayaw niya pero ng sinabi kong babayaran ko ang mga nabasag kong balot ay agad na siyang pumayag.

Napakasimple ang kanyang ganda at hindi ito nakakasawang titigan.

"Sir baka po makabunggo ka nasa harap po ang kalsada,mukha po bang kalsada ang mukha ko" wika nito na ikinailing ko at ikinangiti.

"Hindi pa ako pwdeng mamatay hindi pa ako magkakagirlfriend" agad akong napapreno sa sinabi nito.

"Sir ano ba gusto mo ng mategi?,ako ayaw ko pa may mga kapatid at nanay pa akong umaasa sa akin..ga graduate pa ako atagtatrabaho sa cruiseship" sunod sunod nito apela.

"Okay..okay..calm down Sebastian pasensya na may asong tumakbo eh" pagdadahilan ko.

"Hindi sebastian sabi eh,.Amara gayle okay!" naiinis na nitong wika at nakairap na ito sa akin.
Kung nakakasugat lang ang irap nito baka kanina pa ako gutay gutay.

"Bakit girlfriend ang hanap mo?ayaw mo ng boyfriend?" wala sa sarili kong tanong.

"Humiling ako ng sign eh,kaso may dumating nga na lalaki gwapo,mayaman pero hindi pasok yung mabait at mapagmahal" kumunot ang noo ko sa sinabi nito.

"Kaya humiling ako ng girlfriend nalang ,yung mabait,mapagmahal at maalaga bonus nalang ang ganda at yaman" nakangiti itong nakatingin sa labas.

Tumingin lang ako sa kanya at nagpatuloy sa pagmamaneho.

"Ang sasaya ng mga tao..parang wala silang problema sa buhay pero sa totoo lang idinadaan nalang nila sa tawa ang lahat" saad nito habang nakatingin sa labas ng bintana at matiim nitong pinagmamasdan ang mga taong nadadaanan namin.

Biglang nagring ang phone ko kaya kinuha ko ito ni loud speaker.

"Yes Hello?" seryoso kong tinig

"Hey..wassup..i'll be going home tomorrow,nasa airport na ako ngayon ang bukas ng gabi andiyan na ako sa Pinas" masayang wika ni Ate Emily.

"Ate naman bakit hindi mo inagahan ang pasabi para masundo kita?" naiiling kong tanong.Nakaramdam ako ng excitement dahil matagal narin kaming hindi nagkikita ni Ate.

"Alam mo naman ako biglaan sa desisyon sa buhay" natatawa nitong sagot.

Napansin ko ang tila pakikinig ni Amara sa aming usapan ng aking kapatid.
Agad naman itong nagpasimpleng tumingin sa bintana ng kotse matapos kong magpaalam.

Made for Two?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon