Chapter 35

924 50 7
                                    


***Amara Gayle Sebastian***

Hindi ako umiimik sa buong maghapon,kapag may bilin si Emily ay kay Andrea niya ito sinasabi.

Nag encode at nag ayos nalang ng mga files ang ginawa ko,namumula parin ang mukha ni Emily napalakas ata ang sampal ko sa kanya kagabi gusto kong lapitan pero hindi...hindi na ako marupok at hindi na ako madadala pa sa kung ano man ang sasabihin niya sa akin.

Dahil breaktime naisipan kong pumunta ng canteen para bumili ng kape nasa labas din si Andrea kaya bumalik din ako agad baka kailanganin kami ni Emily pero nakita kong nasa loob si Patrick hindi nila napansin ang pagpasok ko dahil nagkakasagutan ang mga ito.

"You left her Ate,,ni hindi ka nagparamdam sa kanya noon anong magagawa ko kung hulog na hulog na ako sa kanya..Ate mahal na mahal ko si Amara" garagal ang boses ni Patrick na kausap si Emily.
Nakaramdam ako ng lungkot hindi ako makapaniwalang sila pala talaga ang mag rival.

"Alam mong matagal ko na siyang hinahanap..Patrick hindi ako nagkagusto sa kahit sino dahil sa kanya" nahihiwagaan akong napatingin kay Emily na ngayon ay tumutulo na ang luha.

"Hindi ako mag gigive way Ate, kung sino ang pipiliin niya sa atin siya lang makakapgdesisyon" pagmamatigas ni Patrick.

"Gawin mo sa maayos na paraan hindi yung sinasamantala mo ang kahinaan niya" pagkawika nito ay tumalikod na at tinungo ang banyo.Nagkunwari akong kapapsok palang.

"Ahm,Sir Patrick anong ginagawa mo dito..kanina ka pa?" Nakangiti kong bungad upang maitago ang kabang nararamdaman.

"Ah yeah,may hinatid lang akong files atsaka ayain sana kita for lunch" namumungay ang matang tumingin ito sa akin.

"May lunch meeting ako ngayon kailangan ko siya para jotdown ng mga agenda sa meeting" malamig na wika ni Emily ng lumabas na ito sa banyo ng opisina.

"Pwde naman si Andrea ang isama mo" saad naman ni Patrick.

Naglakad ito at umupo na sa swivel chair bago inangat ang tingin nito kay Patrick.

"Shes fired" maiksi nitong tugon bago itinuon ang tingin sa kanyang computer.

Nagulat ako sa sinabi nito.

"Ba-kit?" Kunot noo akong tumingin sa kanya,hindi ito umimik at ipinagpatuloy lang ang ginagawa.

Hindi ko parin alam ang dahilan kung bakit inalis ni Emily si Andrea kaya hindi narin ako nangulit pa kung ano man ang dahilan niyan deserve iyon ni Andrea dahil sa kagaspangan ng ugali.

Lumipas ang isang linggo simula natanggal si Andrea at naging smooth naman ang trabaho,hindi na ako sinusungitan ni Emily at kinakausap na niya ako ng maayos.Maging si Patrick ay tinapos na din nito ang pagpapanggap namin bilang magkasintahan.

"Ate...gising na diyan" napadilat ako dahil sa yugyog ni Agatha sa aking balikat.

Napatingin ako sa aking orasan alas otso palang ng umaga at wala akong pasok ngayon.
Muli akong pumikit.

"Ano ba ..Agatha..inaantok pa ako wala akong pasok ngayon" tinatamad at inaantok kong sagot.

"Oo mga wala kang pasok pero may mga bisita ka" saad nito kaya napadilat ang isa kong mata dahil sa narinig.

"Bisita?wala akong inaasahan na bisita ngayon kaya hwag mo akong pinagloloko" tumalukbong ako ng kumot pero muli niyang hinila ito.

"Andon sa sala si Kuya Patrick kanina pa tapos biglang dumating yung kapatid niyang si Ate Emily may dalang bulaklak" tila konikilig na saad ni Agatha.

Napabalikwas ako ng marinig iyon agad kong tinungo ang bintana at nakita ko doon ang dalawang kotseng nakaparada sa harap ng bahay.

"Anak ng petchay naman mga to,ano nanaman bang ginagawa ng mga yan dito hindi ba ako pwdeng magpahinga kahit sabado at linggo lang" naiinis kong saad.

Made for Two?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon