***Amara Gayle Sebastian***Wala na ngang nagawa si Patrick kundi ang umuwi ito.
Pagpasok ko sa loob ay nakaupo na silang lahat sa hapag kainan at tila ako nalang ang hinihintay."Anak halika na maupo ka na sa tabi ni Emily kakain na tayo" masayang wika ni inay ng makita akong papalapit sa kanila.
"Busog pa po ako nay mamaya nalang ako kakain" sagot ko naman na ikinaangat ng tingin ni Emily na tila excited ito sa mga nakahain sa hapag kainan.
"Maigi sumabay ka na,nagpaluto pa naman si Emily ng sardinas na may malunggay namimiss daw niya" napabaling ako kay Emily na ngayon ay ngiting ngiti na.
"Anak ng petchay...gagamitin pa ata talaga ang pamilya ko para makalapit sa akin" bulong ko.wala na akong nagawa kundi sumabay sa kanila napadami ang kain ni Emily na hindi naman ganun kumain kapag nasa opisina ito.
"Nay ang sarap niyo talaga magluto" inikutan ko naman ito ng mata dahil alam ko binobola lang naman niya si Inay.
"Tutulungan na kitang maghugas" prisinta nito ng makita niya akong nililigpit na ang pinagkainan.
"Hayaan mo na si Amara at Agatha diyan Emily,pumasok ka na sa kwarto ni Amara para makapagpahinga ka na" saad ni inay.
"Hindi na nay,Agatha diba may exam ka sa school magreview ka na kami ng ate mo ang bahala dito" saad nito kaya nagulat ako ng siya na ang kumuha sa mga pinagkainan at inilagay sa lababo.
Pinagmasdan ko siya at halatang hindi ito sanay sa gawaing bahay na tila natatakot itong ilapag ang plato dahil sa dahan dahan nilong paglapag at sumasama pa ang expression ng mukha nito.
"Aabutin tayo ng isang dekada dito kung ganyan ka kabagal mag hugas" ani ko at nilapitan ko siya para ako na sana ang mghugas pero iniiwas niya ang plato napabuga nalang ako ng hangin habang bagot na pinapanood sa kanyqng paghuhugas.
So ayun nga after 2 yrs natapos din siyang maghugas,pagbalik namin sa sala ay wala na sila inay at mga kapatid ko naka patay nadin ang ilaw sa kwarto ni Agatha.
Pairap kong nilingon si Emily na ngayon ay tila mahihiwagaan sa aking tingin."Isang oras mo ba namang hinugasan yung anim na plato"akmang pupunta n ako sa aking kwarto at muling kong nilingon ito.
"Maaga pa naman hindi ka ba talaga uuwi?" Paniniguro ko.
Lumabi ito."Pauuwiin mo talaga ako samantalang hinintay kita" saad nito na tila nagtatampo.
"Hays bahala ka nga" sumunod na ito sa aking kwarto ng makapasok ako.
"Doon ako kay Agatha matutulog ikaw nalang dito" seryoso kong saad sa kanya.
Naglakad ito patungo sa aking kama.
"Maluwang naman ang kama mo,dito ka nalang baka hindi ako makatulog..hindi ako nakakatulog ng maayos kapag hindi ko kwarto" malumanay niyang saad."Please? Dont worry behave lang ako" dugtong nito namumungay ang matang nakatingin lang sa akin.
Wala na akong nagawa kundi pumayag sa gusto nito. Ng matapos na itong mabihis ay ako naman ang sumunod sa banyo.Tinagalan ko para tulog na ito pag lumabas ako pero ng makalabas ako ng banyo ay nakaupo lalang ito at nakasandal sa headboard ng kama.
Nakita ko ang paghagod nito ng tingin sa akin mula paa hanggang sa dumapi ang mata nito sa aking mata.Napalunok ako at nag iwas ng tingin.
"Akala matutulog ka na sa banyo" walang emosyong saad nito.
"Nag linis pa kasi ng banyo kaya medyo natagalan" pagdadahilan ko.
Tumango nalang ito. "Goodnight magpahinga ka tayo naman ang lalabas bukas" wika nito at tumalikod na ito sa akin.Halos kalahating oras na pero hindi parin ako dalawin ng antok samantalang tong katabi ko ay tulog na tulog na.
Bumangon ako at ngpunta ng kusina para uminom ng tubig.Pagbalik ko ay nadatnan ko si Emily na nakaupo na sa kama.
"Bakit ka bumangon?" Kunot noo kong tanong.
"Kung hindi ka makatulog na katabi mo ako pwde akong matulog nalang sa sofa para komportable ka" malumanay at inaantok nitong saad.
"Huh?hi-hindi nauhaw lang ako kaya ako bumangon" napipilitang ngiting saad ko at humiga na din sa kama.
Pero bumangon parin ito at akmang kukunin ang unan nito pero hinawakan ko.
"Sleep here, matulog na tayo" malumanay kong wika.Tinitigan niya ako atsaka siya muling mahiga,nakatihaya.
"Alam kong mahihirapan na akong makuha ka ngayon dahil nakikita kong may nararamdaman ka na sa kapatid ko,pero bigyan mo ako ng huling pagkakataon para maiparamdam sayo kung gaano kita kamahal at paulit ulit akong hihingi ng sorry dahil sa ginawa kong pag iwan sayo" seryoso nitong sambit habang ang mata ay nakatitig sa kisame.
Hindi ko alam kung akong sasabihin ko,hindi ko din alam kung totoo o meron nga ba akong nararamdaman para kay Patrick.
Mahalaga na silang magkapatid sa akin maging ako ay hindi ko narin alam ang sagot sa katanungan kubg sino ba sa kanila talaga.Tumalikod ako sa kanya,dinig ko ang pagbuga nito ng hangin.
"NAsaktan lang siguro ako pero hindi ako galit at hindi naman kita pinagbabawalan na dumalaw dito sa bahay" wika ko habang nakatalikod sa kanya.
Hindi na ito nagsalita pa,dinig ko nalang ang mahina nitong paghinga kaya napalingon ako sa kanya. Nakaharap ito sa akin habang nakatagilid.Hindi ko maiwasang hawakan ang kanyang pisngi.
"Nahihirapan na ako sa inyong magkapatid hindi ko na alam kung ano ba ang nararamdaman ko,kung sino ba talaga sa inyo ang tunay na nagmamahal at nagpapahalaga sa akin" naluluha kong usal habang haplos ang pisngi nito.Matagal na ganon ang posisyon ko ng bigla itong gumalaw kaya tumalikod ako at nagtutulog tulugan.
Naramdaman ko nalang ang pagdantay ng braso nito sa aking bewang at isiniksik nito ang kanyang ulo sa aking likod.Dinig ko padin ang paghinga nito at halatang mahimbing padin ang tulog.
Hinayaan ko nalang siyang yakapin dahil namimiss ko din naman talaga siya pero kailangan kong maging matigas sa pagkakataong ito para hindi na ako muling magkamali pa.
BINABASA MO ANG
Made for Two?
Fiksi PenggemarPaano kung may dumating sa buhay mo na magpaparamdam ng tunay na pagmamahal pero hindi lang isang tao kundi dalawa.Maari nga bang magmahal ng dalawang tao sa parehas na pagkakataon? Samahan nyo ako sa panibagong kwento na pagbibidahan ni Freen Saroc...