Chapter 14

540 37 2
                                    


***Amara Gayle Sebastian***

"Ano daw ang kailangan?" Kabado kong tanong kay Sandra.
Nagkibit balikat ito at ngumiti.

"How to be you Amara?" tila nag aasar nitong bulong sabay tusok ng hintuturo nito sa aking tagiliran.

"Sira ka talaga....siya pag hinanap ako ni Maam pasabi na nasa office ako ni Maam Emily" ani ko bago ko kinuha ang aking bag at tumayo na palabas ng classroom pero nakasalubong ko si Victoria at may hawak itong isang red rose.

"For you" mahina niyang saad pero hindi ito nakaligtas sa mata ng aming mga kaklase kaya nag sigawan sila.

"Ayieehh...ibandila ang watawat ng ka acclaan.." sigaw ni Chester na isa din itong bisexual.

Alam kong bisexual si Victoria dahil may nakarelasyon na itong babae noong nasa 3rd kami.Gaya ni Sandra napaka mahinhin din nito,maganda at makinis ang balat dahil isa din siya sa kinikilalang may kaya sa buhay pero mas ginusto niyang mag aral sa public school.

"Salamat.." wika ko ng maiabot na nito ang bulaklak,inipit ko ang tangkay ng bulaklak sa loob ng aking bag at inipit sa zipper.
Hindi naman ako ganun kabastos para hindi tanggapin iyon.

"Pero Victoria, let just be friends...at sana maging mabait ka na sa best friend ko dahil hindi mo naman kailangang mambully ng iba para lang mapansin kita.Pwde mo akong maging kaibigan basta huwag mo lang sasaktan ang bestfriend ko" nakangiti ko sambit.
Hinawi nito ang takas nitong buhok at inipit iyon sa likod ng kanyang tainga.

"Im sorry sa lahat ng nagawa kong hindi maganda"seryoso nitong sambit.

Lumingon ako kay Sandra at nakangiti ito na tila kinikilig na nakatitig sa amin kaya tinapunan ko siya ng irap.

"Kay Sandra ka humingi ng sorry dahil siya yung binubully mo,siya kailangan ko ng umalis pupuntahan ko lang si Miss Sarocha" ani ko at muli nanaman akong nakaramdam ng kaba ng maalala ko si Maam Emily na naghihintay.

Mabilis ang aking lakad sa pasilyo ng may tumawag sa aking pangalan.

"Amara..Amara. wait..."lumingon ako at huminto ng makita ang humihingal na si Rashid.

"Oh bakit?" kunot noo kong tanong.

"Ang bilis mo naman maglakad,para kang nakikipagkarera" hingal nitong saad.

"Pasensya na pinapatawag kase ako ni Maam Emily sa opisina kaya need kong magmadali may exam pa kami mamaya baka hindi ko na maabutan,mag usap nalang tayo sa ibang araw" saad ko at akmang tatalikod na ako ng hawakan niya ako sa braso at may iniabot na paper bag.

"Ano to?"

"For you" pagkaabot nito ay mabilis ng tumalikod at naglakad palayo.

Dumiretso na ako sa opisina ni Maam Emily baka may makasalubong nanaman akong magtatraffic sakin.
Kabado ako habang nakatayo sa pintuan ng opisina.

"Amara kalma lang" wika ko sa aking sarili at humugot ng malakas na pagbuga ng hangin sabay katok ng tatlong beses bago ako pumasok.

Ngunit pagkapasok ko ay walang tao pero biglang nag automatic closed ang pintuan ng buksan ko ito ay nakalock na.
Kaya namilog ang aking mata at hinanap si Maam Emily.

"Maam Emily?" maluwang ang opisina nito dahil opisina nilang magkapatid dito,parang isang maliit lang na bahay dahil may maliit na pantry at maliit na livong room kung saan may tv din.
Nakabukas ang telebisyon pero walang nanonood.

"Kanina pa kita pinatawag bakit ngayon ka lang?" napalundag ako sa gulat dahil sa biglaang pagsasalita ni Maam Emily mula sa aking likuran.

"Ahm..Maam...may ginawa pa po kasi ako sa classroom" ani ko na may halong kaba.

Made for Two?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon