***Freen Patrick Sarocha***"Sir Patrick.." tawag sa akin ni Rashid ng makita akong palabas mg canteen.
Si Rashid ay anak ng isa sa mga investor Sarocha Group,malaking pamilya din ang kinabibilangan nito kaya nagkakilala na kami noon.
"Hey Rashid..Nice to see you here bakit hindi ka sa private school nag aral?" nagtataka kong tanong.
Maging ang kapatid ni Kuya Guiller ay dito rin nag aaral gayong kaya naman nilang mag aral sa mga pribadong universities.
"Mas enjoy dito Sir.,atsaka andito yung babaeng iniibig ko eh" ani niya.
"At sino naman ang maswerteng dalaga na iyan?" nakangiti kong tanong.
"Amara Gayle Sebastian, beautiful and smart at higit sa lahat napaka independent woman niya.. napaka strong personality niya. Shes a wife material" namumugay ang matang saad nito.
Unti unting naglaho ang ngiti sa aking labi dahil sa narinig.
"Ah,yeah I already met her..Nagkasama na nga kami minsan sa trabaho niya sa gabi..sinamahan ko siyang magtinda" ngisi kong saad.
"So..Nililigawan mo din ba siya Sir?" seryosong tanong nito.
Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking daliri.
"Yeah" matipid kong tugon.
"Well..may the best man win Sir at balita din sa campus na may nagkakagusto sa kanyang babae,ang pamangkin ng director " ngisi nito bago umalis.
"Kahit pa anak ni Lucifer ang magiging katunggali ko..ipaglalaban ko ang nararamdaman ko kay Amara" bulong ko nalang sa aking sarili bago naglakad papunta sa opisina ni Ate Emily.
Ng makarating ako ay nakalock ito.Kumatok ako ng tatlong beses.
"Sandali" boses ni Ate Emily.
"Sinong...oh ikaw pala Patrick,we have a lot of work now kaya nilock ko nalang para hindi maglabas masok ang mga scholars dito para sa pinapapirmahan nila" seryoso ang mukhang wika nito.
"We??..sinong kasama mo" iginala ko ang mata ko sa buong opisina at nakita ko si Amara na busy sa pag eencode sa laptop kaya bigla akong nakaramdam ng kakaibang saya habang pinagmamasdan ang seryoso nitong mukha.
"Patrick 'wag mo siyang distorbohin" madiin na saad ni Ate kaya ngumiti nalang ako at tumango.
Naupo ako sa sofa at nakaharap kay Amara,mayat maya at napapalingon ako sa kanya.
"Ate nagmeryenda na kayo?" tanong ko.
"Tapos na Patrick, sabay kaming kumain Amara kanina" wika nito at tumango naman si Amara ng lumingon ito kay Ate Emily.
Ang bilis lang nakapalagayan ni Ate si Amara samantalang ayaw niyang nakikipag usap sa iba at ayaw niyang may ibang taong nauupo sa upuan niya pero si Amara nakaupo pa ito sa swivel chair ni Ate at doon nag eencode.
Talagang iba ang charisma ng isang Amara bulong ko sa aking sarili.Mabilis na lumipas ang mga araw at napapansin ko ang tila masyado ng pagkakalapit ni Ate Emily at Amara.
"Patrick hindi na muna ako uuwi dito sa mansyon didiretso ako sa condo ko " napalingon ako kay ate na ngayon ay nakahawak na ng maleta.
"Ate pwde naman akong dumalaw sa condo mo?" nakangisi kong tanong.
"Patrick kung mambubwisit ka lang sa pagpunta mo doon please lang huwag na" nakairap niyang sagot.
Bumusangot ako at nagdabog palapit sa kanya.
"Pwde bukas ka na umuwi doon tagal na natin hindi nagkukwentohan "lumingkis ako sa braso nito.
BINABASA MO ANG
Made for Two?
FanfictionPaano kung may dumating sa buhay mo na magpaparamdam ng tunay na pagmamahal pero hindi lang isang tao kundi dalawa.Maari nga bang magmahal ng dalawang tao sa parehas na pagkakataon? Samahan nyo ako sa panibagong kwento na pagbibidahan ni Freen Saroc...