***Amara Gayle Sebastian [Guillen Villegas]Sa inis ko ay iniwan ko sila sa sala at nagtungo sa aking kwarto.Naupo ako sa harap ng nakaframe na jacket na bigay sa akin noon ng little rich girl.
"Alam mo ba nagkita na ulit kami ni Emily,yung plano kong ako ang iisa sa kanya pati ako naisahan niya nakakainis ang eupok rupok ko pag dating sa kanya" nagmamaktol kong kausap ang jacket habang nakatitig sa frame nito.
"Sinabi ko noon na kapag nag kita muli kami iiwasan ko na siya at hindi ko na hahayaang muli kaming mag usap pero hindi lang usap yung nagyari kanina nakakainis talaga,..hays sana kung nakilala lang kita ngayon at malalaki na tayo siguro magkakasundo tayo at maiinis ka din sa akin dahil sa karupukan ko..Pero ang totoo namiss ko siya " nakangiti ko pangdagdag, Naglakad ako ng nahiga sa aking kama bumaling ang aking mata sa jacket.
"Bigyan mo ako ng sign kung itutuloy ko pa ba ang nararamdaman ko kay Emily o itutuloy nalang ang pagbalik sa switzerland" bulong ko habang nakatitig sa jacket.
Pero aminin ko man o hindi nagustuhan ko ang nangyari at ramdam ko naman na mahal padin niya ako.
"Weeh,sigurado ka?" Saad ng aking isipan.
"Mahal pa niya ako " tila sagot naman ng aking puso.
Naiiling nalang ako at nakatulog sa kaiisip sa nangyari kanina.
Nagising nalang ako dahil sa ingay ni Sandra.
"Gising na mahal na prinsesa na minamahal ng kapwa prinsesa" saad ni Sandra at lalo ko namang itinalukbong ang kumot ko pero hinila iyon ni Sandra kaya kinusot ko ang aking mata at tamad ko itong tinignan.
"Ano ba..inaantok pa ako" reklamo ko at muli kong binalot sa katawan ko ang kumot pero pinatay ni Sandra ang aircon at binuksan ang bintana ng aking kwarto.
"Sandraaa ano ba.." naiinis kong saad dahil sa pumapasok na ang liwanag sa bintana.
Kaya nasisilaw ang aking mata,pilit kong idinilat ito at kinusot ng bahagya."Mag ayos ka na may bisita ka" wika nito na ikinunot ng aking noo.
"Hmm..sino naman wala akong bista atsaka katatapos lang ng party kagabi wala bang konsiderasyon yan at ang aga aga mang istorbo '' naiinis kong saad at muling ipinikit ang aking mata.
"Andiyan si Ate Emily" tila kinikilig nitong sambit kaya ang kaninay inaantok kong mata ay napadilat nalng ng kusa.
"What?" Napabangon ako at sumilip sa maliit na butas ng pinto mula dito kita ko ang nakaupong si Emly at may dala itong bulaklak.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kilig habang pinagmamasdan ito.
"Oh kilig ka naman diyan" pilyang saad ni Sandra kaya ng iba ang awra ko at nakunwaring nagsusungit.
"Hindi ah atsaka sabihin mo tulog pa ako,kaya bumaba ka na doon"wika ko at mabilis ulit na nahiga.
"Magbihis ka na,ikaw din bahala ka kung ayaw mo magbihis siya baba na ako sunod ka nalang kung ayaw mong siya na ang paakyatin ko dito "pagkawika nito ay lumabas na sa aking kwarto.
Wala na akong nagawa kundi ang magbihis bago lumabas ng kwarto.
Pagbaba ko ng hagdan ay mabilis ito tumayo at sinalubong sa pagbaba."Goodmorning Guillen" bati nito at plastic ko naman itong nginitian.
"Magandang umaga din" maiksi kong tugon.
Kung wala lang mga tao sa paligid kanina ko pa siya pinaghahampas ng unan na nasa upuan.Busy ang mata ni Mommy sa television kaya nagkaroon ako ng oras para tignan ng matalim si Emily.
BINABASA MO ANG
Made for Two?
FanfictionPaano kung may dumating sa buhay mo na magpaparamdam ng tunay na pagmamahal pero hindi lang isang tao kundi dalawa.Maari nga bang magmahal ng dalawang tao sa parehas na pagkakataon? Samahan nyo ako sa panibagong kwento na pagbibidahan ni Freen Saroc...