***Amara Gayle Sebastian***Pagbaba namin ng jeep ay agad akong kinawayan ni Ninong Jap.
"Amara anak maaga ka ata ngayon hindi ka ba magtitinda?"tanong ni Ninong.
"Ah magtitinda po Ninong sa katunayan kukunin ko na po ang mga itlog ng pugo" wika ko,hinayaan ko nalang ang magkapatid na bumuntot lang sa akin pero kita ko sa mata ni Ninong Jap ang pagtataka.
"Anak sila ng amo ni Inay sa mansion ng mga Sarocha ninong ewan bakit gusto nilang sumama na magtinda ng itlog" nakabusangot kong saad.
"Mukhang mapapabilis ang benta mo niya kung gwapo at maganda ba namana ang mga kasama mo" bahagya pang ngumiti ito sa aking mga kasama todo ngiti din si Sir Patrick habang si Maam Emily ay tipid lang ito.
"Sige po ninong ibabalik ko nalang sa lunes ang bayad ng mga itlog pugo" paalam ko sa aking ninong.
Akmang kukunin ko ng makipag unahan si Sir Patrick sa akin dahilan para muntik nang mahulog ang basket na naglalaman ng mga itlog buti nalang mabilis na nahawakan ni Ninong Jap.
"Dahan dahan iho madaling mabasag ang mga itlog pugo dahil maninipis ang mga balat ayaw bilhin ng mga tao kapag basag basag yan" paliwanag ni Ninong.
"Diba Sir sabi ko na sayo mas fragile pa ang itlog ng pugo kaysa sa itlog mo" nakapamewang kong saad.
Natawa naman si Ninang sa sinabi ko.
"Totoo yan anak mas fragile mga yan kaysa itlog ng ninong Jap mo" sabay naman ni Ninang na dahilan para magtawanan ang ilabg namimili sa karinderya.
Napansin ko ang tila kunot noong nakaawang lang ang labi ni Maam Emily.Marahil hindi niya naiintindihan ang mga biruan naming mga mahihirap.
Naglakad na kami at nag umpisang magtinda.Nilingon ko si Maam Emily halatang pagod na ito at pawisan na nakaramdam tuloy ako ng awa.
Pawisan na silang magkapatid eh halos limang minuto palang kaming naglalakad.
Napabuntong hininga ako at tumigil sa gilid ng kalsada kung saan may sementong upuan sa gilid.Naupo ako at sinundan naman ako ng dalawa.
"Whats wrong?" nagtatakang tanong ni Maam Emily at naupo sa tabi ko.
"Amara bakit" tanong din ni Sir Patrick at naupo din sa kabila ko.
"Wala po Maam Sir...sobrang pagod lang kase ako at pawis na pawis na kaya kailangan muna natin magpahinga baka bigla nalang may bumulagta sa daan" naiinis kong sagot sa dalawa kahit hindi naman ako yung pagod at pawisan kundi sila
Nakakainis kung bakit pa kasi sila sumama naiimbyerna ang pagtitinda ko ng itlog eh.Ng may kumpol ng mga kalalakihan ang dadaan sa amin mga galing siguro sa basketball court.Napasinghap ako ng biglang tumayo si Maam Emily.
"Hi mga boss bili na kayo ng itlog pugo maganda to pampalakas para sa paglalaro nyo ng basketball" matamis ang ngiting abot nito sa ilang supot ng itlog pugo.
Napatunganga naman ang ilan bago sila sumagot.
"Sure,magkano ba" tanong ng isa.
"Bente lang isang supot boss" wika nito.Hindi ko alam pero napatameme ako sa ginawa ni Maam Emily.
Ilang kababaihan din ang padaan amin
"Miss bili na kayo ng itlog pugo" nakangiti rin na saad ni sir Patrick.Pero mukhang mga babaeng nagtatrabaho sa club ang mga ito.
Kaya naman humawak angnisang babae sa braso ni sir patrick."Itlog mo Mr.Pogi magkano?" malanding tanong ng babae na ikinangiwi ni Sir Patrick.
Sinapo ni ang kanyang harapan pra matakpan ito dahil akmang hahaplusin siya ng babae.
Nakita ko ang pagpipigil ng tawa ni Maam Emily dahil kagat kagat nito ang pang ibabang labi nito.
BINABASA MO ANG
Made for Two?
FanfictionPaano kung may dumating sa buhay mo na magpaparamdam ng tunay na pagmamahal pero hindi lang isang tao kundi dalawa.Maari nga bang magmahal ng dalawang tao sa parehas na pagkakataon? Samahan nyo ako sa panibagong kwento na pagbibidahan ni Freen Saroc...