Chapter 25

502 30 1
                                    


***Amara Gayle Sebastian***

"Patrick ibabalik ko nalang yung bahay na binigay mo uuwi nalang kami sa dati naming tinitirhan,yung nagasto ni inay sa operasyon pag tatrabahuan ko nalang para makabayad sayo" wika ko kay Patrick habang nakaupo ito sa sofa dito sa living room ng mansion.

Kunot noo siyang tumingin sa akin.

"Para sayo yon Amara" namumungay ang matang nakatingin sa akin.
Hindi na ako napagreklamo pa dahil ayaw din niyang magpatalo.
Umuwi ako ng bahay na dala ang pag asang si Emily na nga ang nakita at pinuntahan nila Maam Rebecca.Halos hindi ako mapakali sa kaiisip sa mga pwdeng mangyari sa kanyang pagbabalik.

"Miss na miss na kita Emily" bulong ko habang nakatitig sa aming larawan na nasa aking cellphone.
Hinawakan ko ang aking dibdib dahil ramdam ko ang paninikip nito.Wala akong magawa kundi ang titigan at mamiss nalang siya.

"Ate nasa labas si Ate Victoria at Ate Sandra" katok ni Agatha mula sa labas ng aking kwarto.
Simula ng noong umamin si Victoria sa akin ay nagbago na rin ang pakikitungo niya kay Sandra at naging close friend nadin ang mga ito na labis ko namang ikinatuwa.

Inayos ko ang aking sarili bago lumabas.

"Napadalaw kayo?" nakangiti kong bungad sa kanila habang nakikipagkulitan sila sa aking mga kapatid.

"Aayain ka sana namin mamasyal diba fiesta ngayon gusto naming maranasan mga foods na tinitinda twing fiesta"na eexcite na saad ni Sandra.

"Sige na Amara baka next week hindi na ako makakadalaw ng matagal..pupunta kasi ako ng Probinsya para asikasuhin ang negosyo namin doon" wika naman ni Victoria.

"Huh?bakit hindi ka na ba babalik?" tanong ko habang nakatitig sa kanya.
Kita ko ang lungkot sa kanyang mata na tila ayaw niyang lumayo sa lugar.

"Babalik.. kapag okay na ako, alam kong wala na akong pag asa dahil kayo na ni Patrick kaya mas maiging lumayo na muna ako para makamove on" mapait ang ngiting sambit nito.

"Nakalaan ako para sa iba..I'm sorry kung nabasag ang puso mo ng dahil sa akin" malungkot kong wika.

"Ang drama nyo naman, ano tara na?" singit ni Sandra at tumayo na ito.Pumasok na din s kani kanilang kwarto ang aking mga kapatid .

"Sandali lang magpapantalon lang ako" saad ko dahil nakasuot lang ako ng pajama at tshirt.
Matapos kong magpalit ay agad na kaming umalis.Hindi na ako nagpaalam pa kay inay dahil nakita ko itong natutulog kaya binilin ko nalang ang aking mga kapatid.

Naglakad lakad kami sa peryahan,naglaro kami sa running light at nakakuha kami ng mga ibat ibang stuff toys. Kita ko sa mata ng dalawa ang labis na saya na tila hindi nila naranasan ang ganitong mga bagay.
Ganon siguro talaga kapag mayaman ka.Hindi na mapalis ang ngiti sa kanilang mga labi habang binabaril gamit ang pellet gun ang isang stuff toy pero hindi nila ito mapatumba.
Napalingon ako sa gawing likod ko at nakita ko ang isang itim na kotse.
Bigla ko nanaman naalala si Emily.

"Kumusta na kaya siya,buhay pa kaya siya bakit hindi manlang magparamdam kung buhay.Nakalimutan na kaya niya ako?" sunod sunod na tanong ko sa aking isipan.

"Okay ka lang?" kalabit sakin ni Sandra na kanina pa pala sila nakatingin sa akin.

"Oo may naalala lang ako"ani ko habang nakatingin ang mata sa itim na kotse.

"Naalala mo nanaman yung batang mayaman na kinukwento mo" tinaasan ako ng kilay ni Sandra.

Bigla akong napatitig sa kanya.

"Nasaan yung jacket?"agad kong hinawakan sa braso niya na ikainamilog ng mata niya dahil medyo napahigpit ang hawak ko sa kanyang braso.

"Ouch Amara...kalma anong nangyayari sayo?" nagtatakang tanong nito at nakangiwi pa ito napalakas ata ang hatak ko s aking kaibigan.

Made for Two?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon