Chapter 33

437 33 2
                                    


***Amara Gayle Sebastian***

"Bestie ayos ka lang ba talaga?,anong ginawa sayo ni Patrick gusto mo sugurin ko yon ako babasag ng itlog non" galit na saad ni Sandra habang nagmamaneho ito.

"Wala..ayos lang ako nagkasagutan lang kami ni Emily" punas punas ko ang luha ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse.

Muli nanamang tumulo ang luha ko ng maalala si Emily namalayan ko nalang na nakahinto na ang kotse ni Sandra sa harap ng isang malaking bahay.

"Dumito ka muna " saad nito,napatingin ako sa bahay.

"May bahay pala kayo dito?" Nagtataka kong tanong.

" Matagal na pero hindi na sila nakakabalik simula nawala si Guillen dahil umaasa sila Mommy na babalik ito sa bahay nila sa manila" malungkot na wika nito.

Napatango nalang ako at sumunod ako sa kanya papasok sa bahay.

"Andito na pala kayo mga anak,halikayo ipinagluto ko kayo ng meryenda" salubong sa amin ni Tita Guillian.

"Hello po tita magandang araw po" magalang kong bati pansin ko ang masayang mukha nito ng matitigan ako at ganun din si Kuya Guiller ngiting ngiti ito sa akin.

"Mabuti at napadalaw ka dito iha para mas makabonding ka namin" singit naman ni Tito Armando.

"O-po tito" nahihiya kong sagot.

Maghapon akong nakipagkulitan sa pamilya ni Sandra.Hanggang sa umayos na ang aking pakiramdam at magpasya ng magpaalam.

"Mag toothbrush ka muna" natatawang wika ni Sandra na ikinakunot ng noo ko.
Binugaan ko ito ng hininga "may amoy ba hininga ko?" Wika ko na ikinangiwi nito.

"Kadiri ka talaga,dika pa nag brubrush simula kanina tapos hihingaan mo ako" reklamo nito,pero mas lalo ko itong binugaan ng hangin at tawang tawa na umiilag.

"Yan mag brush ka na" abot nito sa bagong toothbrush kaya kinuha ko nalang ito.

"Ang arte mo naman Sandy parang hindi tayo gumagamit ng iisang kutsara nung nasa college tayo " nakairap kong saad habang patungo sa banyo para mag toothbrush.

Ng matapos ako ay agad na pumasok si Sandra at kinuha ang ginamit kong toothbrush at inilagay sa  isang plastic na ikinakunot ng noo ko.

"Anong gagawin mo diyan "kunot noo kong tanong.

"Itatapon ko" pagkawika nito ay ibinulsa na nito.

Naiiling nalang ako

"Boang talaga" bulong ko.

Lumabas na kami ng kwarto at nagpaalam narin ako kila Tita at tito maging kay Kuya Guiller.

"Maraming salamat po sa pagpapatuloy po sa akin" nahihiya kong saad at nagulat ako ng yakapin ako mo Tita.

"Pagbalik mo ng Manila dumalaw ka sa bahay doon palagi kaming andoon ni Sandra" wika nito.

Naging komportable ako sa pamilya ni Sandra,kahit mayaman sila ay hindi nila ako itinuring na isang dukha.

"Sandra ako na maghahatid sa kanya magpahinga ka na bibyahe pa kayo ni Mommy mamaya pabalik ng Manila" singit naman ni Kuya Guiller.

"Bestie pupuntahan kita sa bahay nyo pag nakauwi ka na din,mag iingat ka chat chat nalang tayo" nakangiting paalam ni Sandra kaya nagpaalam nadin ako.

Hinatid nga ako ni Kuya Guiller sa mansion nila Sir Richie bukas babalik an din kami ng Manila.

"Nakabukas palagi ang pintuan ng bahay kung gusto mo ng makakausap" wika ni Kuya Guiller ng pagbuksan ako ng kotse.

Made for Two?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon