Chapter 43

527 39 2
                                    


***Amara Gayle Sebastian [Guillen Villegas]

Isang linggo na simula ng huli naming pag uusap ni Emily kahit isang text o call man lang sana ay wala akong natanggap sa kanya kung ano ng nangyayari sa kanya ngayon.

"Tumawag na ba sayo?" tanong ni Sandra sabay ng pag upo nito sa tabi ko.
Narito ako sa hardin at nagpapahangin dahil maganda ang panahon at hindi mainit.

Bumuga ako ng hangin.

"As usual naglaho nanaman siyang parang bula,gaya ng paulit ulit niyang ginagawa" may himig ng hinanakit sa aking boses.

"Sis...baka naman may nangyari na hindi maganda kaya walang balita ngayon" aniya na ikinakabog ng dibdib ko.
Oo nagtatampo ako pero wala naman sanang nangyaring masama sa kanyang pag alis.

"Hindi ko na din kasi maintindihan,kapag handa na akong harapin siya at pag usapan ang mga bagay bagay doon naman siya umaalis,doon naman siya nawawala"

"Kase minsan sinusubok tayo ng tadhana kung hanggang kailan natin kayang maghintay...kung handa ba tayong humarap at labanan ang mga obstacles na makakasalubong natin" wika nito.

" Sino ba kasi si tadhana,,suntukan nalang kami" asar kong bulong na ikinatawa ng mahina ni Sandra.

"Pagod ka na ba? Ayaw mo ng umasa?" Muling wika nito na ikinalingon ko sa gawi niya.

"Pinanghahawakan ko ang sinabi niyang babalikan niya ako" mahina kong saad.

"Pero pano kung matulad sa batang mayaman na hindi kami muling nagkita pa"malungkot kong saad.

"Tiwala lang Guillen, magtiwala ka sa pangako niya sayo" pampalakas loob nito.

Tumango nalang ako at muling tumingin sa kawalan.

Lumipas ang araw na wala parin itong paramdam.
Napabuga ako ng hangin at tinitigan ang sarili sa salamin na narito sa aking kwarto.

Bahagya kong kinulot ang aking buhok at naglagay din ng lipstick at light make up mapait akong ngumiti na dapat masaya ako ngayon dahil ito na ang araw na pinakahihintay ko.

"Anak ready ka na?" Masaya at nakangiting pumasok si Mommy sa akin.

Malungkot akong tumango.

"Oh why sad?dapat masaya ka ngayon dahil ito na ang pinakahihintay mo" aniya at hinawakan ako sa balikat habang nakatingin ang mata sa repleksyon naming dalawa sa salamin.

May kinuha ito at isinuot iyon sa aking leeg.

"Mommy "

"Regalo namin ng Dad mo to" wika nito ng maisuot ang gold necklace.

Napangiti ako at hinawakan iyon.

"Thanks Mom" sabay yakap sa kanya.

Pagdating namin ng hotel ay hindi ako makapaniwala sa aking nakikita sa wakas ito na yun.Napatingala ako sa nakasulat sa taas ng hotel mula sa mga led light.

"Amara's Hotel" naluluha kong sambit.Ginamit ko ang pangalan na binigay sa akin ni Inay lourdes bilang pagbibigay pugay sa kanyang kabaitan sa akin at sa pagkupkop noong panahong wala akong mapuntahan.

"Finally CEO Amara" wika ni Sandra sabay abot nito ng isang gunting.

Ngayon ang grand opening and  ribbon cutting ng  hotel kaya marami na din tao sa paligid may pa free food kami sa lahat.

Ng magunting ko na ng ribbon ay nagpalakpakan na ang lahat at sabay sabay kaming pumasok sa loob,matapos ang pa prayer sa buong hotel ay nagkaroon na ng malakihang salo salo sa function hall na kayang i accommodate ang isang libong katao may pitong function Hall ang hotel kaya mabibilang ang Amaras Hotel na isa sa mga malalaking hotel.

Made for Two?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon