Chapter 39

437 29 1
                                    


***Amara Gayle Sebastian***

"Guilleeennn...nasaan ka" humahagos na takbo ni Kuya Guiller sa akin habang nag aayos ako ng mga flower pot dito sa likod ng malaking bahay.

"Ano ba kuya Geee ang ingay mo" nakairap kong bungad sa kanya ng makita ko siyang halos habol na ang hiningang napaupo ito sa maliit na upuan na nakalagay lang sa gilid.

"Hayss,mag paalam ka naman kung nasaan ka para hindi kami nababaliw kahahanap sayo" hawak nito ang kanyang dibdib habang hinihingal.

"Kuya nahanap nyo na ni Guillen.."tinig naman iyon ni Sandra na punong puno din ng pag aalala.Ng lumingo ito at nakita ako ay agad itong lumapit.

"Kung saan saan ka nag susuot,magsabi ka kung nasaan ka" hawak din nito ang kanyang dibdib.

Napakunot ako ng noo habang nagpapalipat lipat ng tingin sa aking mga kapatid.

"Ang O.A nyo" wika ko at umirap sa kanila.

"Hey...hey..alam mo bqng kakarnehen kami nila Mommy at Daddy kapag ikaw nawala ulit" saad naman ni kuya Guiller na sinang ayunan naman ni Sandra.

Napangiti ako at niyakap ko sila.

"Eww Guillen mag bihis ka nga muna amoy pawis ka na" wika ni Sandra pero niyakap naman ako pabalik.

Kinuha nila ako dito sa Switzerland matapos malaman na sila ang tunay kong pamilya. Noon pa man ay nagdududa na si Kuya Guiller na ako ang kapatid niyang nawawala kaya nagsagawa ito ng lihim na pagsisiyasat sa aking pagkatao at naging daan din si Sandra dahil sa toothbrush na pinagamit niya sa akin at ilang hibla ng aking buhok ang ginamit para sa DNA test at naging positibong ako ang nawawalang si Guillen Villegas.

Napulot lang ako nila nanay noon at inalagaan,noong panahon na iyon ay may anak silang kaedad ko at iyon ay si Andrea pero ng mag syam na taon na ito ay sumama sa mag asawang mayaman at tinalikuran ang kanyang pamilya kaya ako ang nakilalang panganay na kapatid ng mga sebastian Siblings.
Sinumpa ni Andrea na hinding hindi siya tutulong sa pamilya niya dahil sa ginawang pag ampon sa akin.

Kaya naman bilang ganti sa kabutihan nila Inay ay ipinasok ko sa maayos na paaralan ang mga kapatid ko at binilhan sila ng bahay at lupa ,binigyan ng dalawang katulong para hindi na sila mahirapan sa mga gawaing bahay kahit ayaw nila ay wala din silang nagawa.

Sa ngayon nandito ako sa Switzerland nagbabakasyon kasama  si Kuya at Sandra. Hindi rin nagbago ang pakikitungo ni Sandra sa akin bagkus mas naging close pa kami taliwas sa naiisip kong magbabago siya at magagalit sa akin.

"Ano ready ka na bang umuwi sa Pinas ipapakilala ka na nila Mommy" wika ni Sandra habang nakahawak ito ng baso na may lamang juice.

Kinuha ko ang juice nito at naki inom bago ko ibinalik sa kanya  uminom din ito at muling tumingin sa akin at naghihintay ng sagot sa tanong nito.

"Hindi ko alam kung ready na ba ako kinakabahan na baka hindi ako tanggap ng mga tao" wika ko habang nakatingin sa television.

Nilapag nito ang hawak nitong baso sa center table dito sa sala at naupo sa aking tabi at pinaharap sa kanya

"Guillen a.k.a Amara Gayle Sebastian...yon nga ba talaga ang tunay na dahilan? Kinakabahan sa sasabihin ng iba o kinakabahan sa muli niyong pagkikita?" Saad nito habang hawak ako sa braso.

"Hays..I don't know Sandra.. isang taon na din ang nakakalipas simula umalis ako sa buhay nilang magkapatid at wala na akong lakas ng loob para harapin pa sila" malungkot kong tugon.

"Sadyang naguluhan ka lang noong panahon na iyon na akala mo inlove ka kay Patrick at the same time kay Emily pero ang totoo hindi ka inlove sa dalawa dahil magkaiba ang level ng pag mamahal mo sa kanila"

Made for Two?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon