***Patrick Sarocha***Pansin ko kung paano titigan ni Ate Emily si Amara,hindi ko man alam kung ano talaga ang plano niya at bakit hinahayaan niya sa akin si Amara.
Lumagok ako ng wine habang nakatingin kay Amara kasama na ngayon ang kaibigan nito dahil umalis na sila Ate kasama ang assistant nitong si Andrea.
"Mahal mo ba talaga siya?" napalingon ako ng may magsalita sa aking likuran.
"Kuya Guiller..andito ka pala" kinampay ko ang hawak kong wine glass sa hawak din nito.
"Oo halos karating ko lang..so kailan ang kasal?" Muling tanong nito.
"Wala pa sa plano kuya" saad ko habang nakatitig sa dalawang babaeng nagkukulitan.
"I like Amara" wika nito na ikinalingon ko ulit sa kanya.
"Kuya shes my girlfriend now kaya kahit pa gustuhin mo siya wala ka ng pag asa" humigpit ang hawak ko sa wine glass at bahagyang umigting ang aking panga.
"Girlfriend mo nga ba Patrick?" Sarkasmo niyang tanong na tila may alam ito sa kasunduan namin.
Hindi ko alam kung bakit ang daming nahuhumaling kay Amara.Sabagay sobrang ganda niya ang maamo nitong mukha ay bumagay sa ugali niya.Isa siyang babaeng papangarapin talaga ng kalalakihan dahil sa angkin nitong kasipagan sa buhay.
"And hindi rin naman kayo bagay parang magkahawig pa nga kayo eh,para siyang girl version mo lang" nakangisi kong saad.
"Sabi din nila Mommy na magaan ang loob nila at gusto nila si Amara na mapabilang sa aming pamilya"tila nang aasar niyang saad kaya napasimangot ako.
"But seriously huwag mo siyang sasaktan aagawin ko siya kapag sinaktan mo siya" pagbabanta nito bago tumalikod at nagtungo sa ilang mga bisita.
Malamig ko lang siyang tinapunan ng tingin at muling bumalik ang tingin ko kila Amara pero wala na sila doon baka pumasok na ng mansion.
Mula dito sa veranda ay bumaba na ako papunta sa sala at tama nga ang hinala kong naroon na si Amara at kausap nito si Sandra at Victoria.Mamaya ay uuwi din ang mga ito kaya hindi muna ako lalapit para mabigyan ng oras na makipag usap sa mga kaibigan.
Nagsalin ako ng wine sa aking baso at hindi ko sinasadyang madinig ang pinag uusapan ng mga ito.
"Masaya ako para sayo Amara..sabihin mo kapag yang Patrick na yan sinaktan ka aagawin talaga kita sa kanya" pabirong wika ni Victoria.
Pati ba naman si Victoria makikipila pa.
"Sus wag ka ng umasa pa Vicxie..mahal na mahal yan ni Patrick eh" nakairap naman tugon ni Sandra.
"Huwag nga yan ang pag usapan natin ..yung jacket nasaan na namimiss ko na yon..siya na nga lang ang lagi kong tabunan ng hinanakit ko sa gabi tapos kung saan saan nyo na dinadala" nakabusangot na saad ni Amara.
Yun ba yung jacket na nasabi sakin ni Agatha noon."Binigay ko na kay Emily,sinabi ko na ibigay niya sayo pagbalik niya ng Manila hindi ko naman alam na pupunta kayo dito sa probinsya kunin mo nalang sa kanya kapag nakita mo siya" saad naman ni Victoria.
Kita ko ang panlulumo sa mata ni Amara gaano ba kahalaga sa kanya ang jacket na iyon at labis niya itong iniingatan. Napailing nalang ako at naglakad na patungo sa aking mga kasosyo.
Araw araw nga kami sa BCMall para bumisita naging abala ako sa patingin sa buong gusali kung maayos ang lahat ng mga machines.Mula escalator elevator at maging ang mga emergency light at generators ng mall.
Sumasama naman sa akin si Amara at masaya akong kahit paano hindi na siya gaya ng dati na palagi akong sinusungitan ngayon ramdam ko ang pagbabago ng pakikitungo niya sa akin na labis ko namang ikinatuwa.
Lalabas na sana ako ng aking kwarto para puntahan si Amara dahil huling araw namin ngayon dito sa probinsya ipapasyal ko siya sa kabilang branch ng Bonclo pero napahinto ako ng marinig ko ang tila umiiyak."Ganon nalang ba Emily?..matapos mong guluhin ang nanahimik kong buhay bigla ka nalang mawawala at babalik na tila walang nangyari?..ganun na ba katigas ang puso mo para hindi mo maramdaman ang sakit na dinanas at dinadanas ko hanggang ngayon!" humahagulgol na iyak ni Amara.
"Amara...I have reasons,kaya sana makinig ka sa akin" malamig ang boses ni Ate Emily habang nakikipag usap ito kay Amara pero ramdam ko ang sakit na pinagdadaanan nito.
"Puny*tang reasons reasons yan Emily...kahit pa gaano kabigat yang rason na yan karapatan ko padin na malaman dahil girlfriend mo ako!" Tila hindi na si Amara ang nakikita ko ngayon mula sa maamo nitong mukha ay tila napuno ito ng galit.
Naipon ang lahat ng sakit na naramdaman niya sa pagkawala ni Ate Emily at nasasaktan akong nasasaktan ang dalawnag babaeng mahal ko.Hindi na makapagsalita pa si Ate Emily dahil sa tuwing babalakin nitong magpaliwanag ay inuunahan na siya ni Amara.
"Tapos na tayo Emily" pagkasabi nito ay tumalikod na pero muling huminto ito sa paghakbang at nilingon si Emily,marahas niyang pinunasan ang luha nito.
"Yung jacket pakibigay nalang kay Patrick para siya na ang magbigay sa akin" saad nito at tuluyan ng naglakad palayo kay Ate Emily.
Akmang hahabulin siya ni Ate pero lumapit ako at hinawakan ito sa braso.
"Ako na muna ate,maiging lumamig muna ang ulo niya bago mo kausapin" mahinahon kong saad.
Nakita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mata na labis na ikinadurog ng aking puso,mahal na mahal ko ang kapatid ko pero paano naman ang nararamdaman ko para kay Amara, nag usap na kami noong gabing ako ang naghatid kay Amara na kung sino ang pipiliin niya sa amin ay rerespetohin namin ang desisyon niya at walang magtatanim ng galit sa isat isa.
Bagsak ang balikat nitong bumalik sa kanyang kwarto.
Sinundan ko si Amara pero nakita kong lulan na siya ng kotse ni Sandra.
Wala na akong nagawa kundi sundan nalang ng tingin ang kotseng palayo sa mansion ni Tito Richie.
BINABASA MO ANG
Made for Two?
FanfictionPaano kung may dumating sa buhay mo na magpaparamdam ng tunay na pagmamahal pero hindi lang isang tao kundi dalawa.Maari nga bang magmahal ng dalawang tao sa parehas na pagkakataon? Samahan nyo ako sa panibagong kwento na pagbibidahan ni Freen Saroc...