Chapter 40

555 49 1
                                    

Made for two?
Chapter 40

***Amara Gayle Sebastian [Guillen Villegas]

Masaya ako na tanggap ako ng mga taong malalapit kila Mommy wala akong narinig kahit na anong pangit na salita mula sa kanila bagkus lahat sila ay tuwang tuwa na nakabalik na ako after many years.

Unti unti narin nag siuwian ang mga tao at tanging ilang mga kaibigan nalang nila mommy ang naiwan at mukhang paalis na din ang mga ito.

"Hi..Amara...Guillen I should say" napalingon ako sa nag salita at kita ko ang matamis na ngiti ni Patrick.

"H-Hello Patrick" tipid na ngiting iginanti ko.

"Cant believe na ikaw pala ang nawawalang anak nila Tita Gullian kaya naman pala may hawig kayo ni Kuya Guiller..and I thought hes courting" natatawang saad nito.

Napatawa din ako ng mahina " Hindi noon pa man nag dududa na si Kuya sa akin kaya nagsagawa siya ng DNA test para malaman kung totoo ung hinala niya " saad ko habang nakatingin sa dako nila kuya at Sandra na masayang nakikipagbiruan sa mga kaibigan.

"So kumusta ka na?,kumusta ang puso mo?" Tanong nito habang nakangiti.

Tipid din akong ngumiti " maayos naman ako..so far im feeling better  and next week babalik din ako ng switzerland para asikasuhin ang pinapatayong restaurant doon" mahina kong tugon.

"Wow congrats,so isa ka na palang CEO ngayon?" natutuwang tanong nito.

Sa tulong ni Sandra nakapagpatayo ako ng tatlong Restaurant sa switzerland at ako ang nagmamay ari.
Habang si Sandra naman ay may isang 5 star Hotel na pinamumunuan.Sabay kaming umangat sa aming career na labis kong ipinagpasalamat salungat sa mga pelikulang napapanood ko na kapag bumalik ang legal na anak ay mag rerebelde ang ampon.

"Hindi naman gaya nyo na kinikilalang CEO,mayroon lang minamanage na maliliit na restaurant around Switzerland" nahihiya kong saad.

"So hindi mo ba siya kakausapin bago ka manlang bumalik ng ibangbansa? Ilang beses na siyang lumapit sayo pero iniiwasan mo" Aniya sabay nguso kay Emily na ngayon ay tila masinsinang kinakausap sila Mommy at Daddy.

"I dont know" tanging sagot ko.Dahil hanggang ngayon nawawalan parin ako ng lakas ng loob para harapin siya dahil madami akong naiisip na posibleng mangyari kung sakaling kakausapin ko siya.Maaring magiging marupok nanaman ako at bibigay sa kanya.

"I know how much she loves you...sa isang taon na wala ka isang taon din siyang nagpapabalik balik sa dati nyong tinitirhan..nagpupunta sa mga simbahan nagnanakasakaling naroon ka at magtitinda ng balot"  malungkot na wika ni Patrick kaya napatingin ako sa kanya.

"Kung iniisip mo parin na masasaktan ako kapag pinili mo siya nagkakamali ka dahil ikakasal na ako" wika nito na ikinagulat ko.

Nakaramdam ako ng tuwa sa sinabi nito na tila hindi makapaniwala.

"Talaga?kailan?" Namimilog ang mata kong tanong.

"Malalaman mo din yan kung kailangan sa ngayon ayusin mo na  ang sarili nyo...sige ka baka agawan ka pa ni Andrea" may pagbabantang saad nito.

Kumunot ang noo ko at umigting ang aking panga dahil sa sinabi nito.

"Bakit hinaharot ba siya ni Andrea?" Gigil kong tanong.

"Hmmm..hindi naman siguro..niyayapos lang paminsan minsan" wika ni Patrick at sinundan ng aking mata ang kanyang tinitignan.
Kanina lang kausap pa ni Emily ang magulang ko ngayon ay nasa mesa na ito at umiinom habang nakatayo sa Andrea sa tabi nito at nakayapos ito sa kanyang balikat.

Bigla akong nakaramdam ng inis,inagaw ko ang wine glass na hawak ni Patrick na may lamang alak at inisang lagok ko ito na ikitagulat naman ni Patrick.
Ibinalik ko sa kanya na tila na tulala ito sa aking ginawa at mabilis kong tinungo ang kinaroroonan nila Emily.

Made for Two?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon