***Amara Gayle Sebastian***Halos hindi ko maimulat ang aking mata dahil sa pamumugto,hindi ko na namalayan anong oras ako nakatulog dahil tanging maalala ko ay nakatulugan ko nalang ang pag iyak.
"Bakit pa niya hinayaang may mangyari sa amin kung iiwan lang din naman pala ako" muli akong nakaramdam ng paninikip ng aking dibdib.
"Ate...gising na andiyan na boyfriend mo sinusundo ka " Dinig kong saad ni agatha sa pinto ng aking kwarto kasabay ng pagkatok nito.
Agad akong napabangon at lumapit na pintuan.
"Ma-magbibihis lang ako " sagot ko at mabilis kong tinungo ang bintana,mula dito ay kita ko ang itim na kotse ni Patrick kaya tinatamad kong tinungo ang banyo para maligo.
Hinayaan kong dumaloy ang malamig na tubig mula sa shower,napapikit ako at inisip si Emily.Dinama ko ang dibdib ko at muli kong naramdaman ang sakit ng pag iwan nalang niya sa akin.
"Hanggang doon lang ba talaga kami at wala siyang planong panindigan ako,baka nga katawan ko lang talaga ang gusto niya"paghihimutok ko.Hindi pa sana ako lalabas ng banyo kung hindi lang ako kinatok ni Agatha,halos kalahating oras na pala akong naliligo.
"Ate nakakahiya na kay Kuya Patrick kanina pa siya naghihintay" nakapamewang na saad ni Agatha habang tinutulungan akong ayusin ang damit ko.
"Napasarap ang babad ko sa tubig eh"pagdadahilan ko,kahit alam kong halos naubos ang oras ko kaiisip kay Emily.
"Siya sige na ate ako na ang mag aayos ng pinaghigaan mo,pumunta ka na kay Sir Patrick nababagot na yun sa sobra mong tagal" halos itulak na niya ako palabas ng kwarto.
"Salamat Agatha" nakapeace sign kong saad bago niya ako pinagsarhan ng kwarto.
Nasa sala na nga si Patrick at panay ang sulyap sa relo nito.
"Pasensya na natagalan ako" nahihiya kong saad.
Matamis itong ngumiti at inilahad ang kanyang kamay.
"Its okay baby,so tara na" aniya at hinawakan nga ang palapulsuan ko at maingat na hinila palabas ng bahay.
Wala akong imik hanggang sa makarating kami sa Saro Hotel hindi na ako inilagay pa sa kitchen kundi naging personal assistant na ako ni Patrick habang wala pa si Emily sa Hotel.
Abala ako sa pag aayos ng mga schedule nito ng may pumasok na isang lalaki.
"Tito Richie anong ginagawa nyo dito?" niyakap ni Patrick ang lalaki,gaya niya ang gwapo din nito at palangiti.
Pero bigla din itong sumeryoso.
"Gusto kong ikaw ang pagpapasahan ni Emily ng pagka CEO kaya galingan mong magpakitang gilas sa kapatid mo,be like your Ate..napakaseryoso niya sa lahat ng bagay kung anong sinabi niya ginagawa niya" nakapamulsang wika ng kanyang tito Richie.
"Tito magkaiba kami ng kakayahan ni Ate Emily" nakita ko ang pagdaan ng kirot sa mga mata nito.
"Si Ate....kahit hindi niya paghirapan mabilis lang niyang nakukuha dahil sa katalinuhan niya. Pero ako kahit anong gawin kong paghihirap ang hirap ko padin abutin ang lahat" malumanay na saad nito.
Bigla akong nakaramdam ng awa kay Patrick.Tama nga siya si Emily ang bilis din niya akong nakuha ng walang kahirap hirap..
At ramdam kong may gusto din si Patrick sa akin pero hindi niya ako maangkin dahil pagmamay ari na ako ni Emily bigla tuloy akong naguluhan sa nararamdaman ng aking puso."Andito pala ang girlfriend mo?" baling ni Sir Richie.
"Hello po Sir maganda umaga po" magalang kong bati.
"Hi iha,next month sumama ka kay Patrick para sa opening ng Bonclo sa probinsya" seryoso itong tumingin sa akin, nakakatakot pala kapag sumeryoso ito.
"Ah..hindi ko po alam kung..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ng agad namang sumagot si Patrick.
"Yes Tito darating kami ni Amara " agad na sagot nito kaya pilit nalang akong ngumiti at tumango.
Ng makaalis na ang Tito Richie niya ay sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi ako sasama!" naiinis kong wika.
"Amara umoo na ako kay Tito and ineexpect na niya iyon na pupunta tayo kaya sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa pagpunta ko sa probinsya" madiin naman niyang sagot.
Kinuyom ko ang aking kamao.
"Huwag mong sabihing isusuntok mo yan sa akin?" Kunot noong pinandilatan ako.
"Arrgghh" naiinis ko itong tinalikuran at umupo sa aking upuan para ituloy ang aking ginagawa.Napasulyap ako sa kanya at bumalik din ito sa kanyang swivel chair at kita ko ang maliit na pagsilay ng ngiti sa kanyang labi na ikinakunot ng aking noo.
Alas onse na ng biglang tumayo si Patrick at lumapit sa akin kinuha nito ang kanyang coat at isinuot.
"Tara na lunch na tayo" aniya,napaangat ako ng tingin sa gwapo niyang mukha.
Ngumiti ito na biglang ikina alarma ng aking puso pero hindi ko iyon pinahalata.Hindi ko alam bakit ganito mahal ko si Emily pero may mga ugali si Patrick na hinahangaan ko bukod sa gwapo na,gentleman pa ito at hindi talaga niya ako pinapahirapan.
"Mauna ka nalang Sir,tatapusin ko lang ang ginagawa ko" wika ko pero nakatayo parin ito sa harapan ko at nakapamulsa itong nakatingin sa akin.
Umupo ito sa ibabaw ng aking mesa at tiim akong tinitigan."Hays..Oo na po kamahalan sasama na" wika ko at itiniklop ko ang folder na naglalaman ng report.
Ngumiti ulit ito pero iniwas ko nalang ang aking tingin.
"Pwedeng sa canteen nalang nakakapagod kase lalabas pa tayo" ani ko na nakasunod sa kanya.
Matangkad si Patrick at hanggang dibdib lang niya ako,may magandang pangangatawan at halatang alaga ito sa gym.
Napansin kong pinag titinginan nanaman kami ng mga empleyado pero tila walang pakialam si Patrick.
"Sa squaters area ata yan nakatira naging close lang naman sila ni Sir Patrick dahil sa scholar daw siya dati ng mga Sarocha" bulong ng isa hindi nila alam na dinig ko ang mga ito.
"Baka squammy din ang ugali" sabay hagikgik ng mga ito.Lihim nalang akong napakuyom ng aking kamao baka mawasak ko ang pagmumukha nila kapag pinatulan ko sila.
Nakayuko lang akong naglalakad.Tila may sinasabi din si Patrick pero hindi ko iyon pinansin dahil ang mga bulungan ng mga empleyado ang aking pinagtutuunan ng pansin.
Hindi ko napansin ang biglang pagharap ni Patrick.
Nagulat nalang ako ng biglang may bumangga sa aking mukha na isang matigas na bagay kaya napapikit ako sa pagdilat ng aking mata ay namilog ang tingin ko dahil nakasubsob ang aking mukha sa dibdib ni Patrick."Oouuch,anong ginagawa mo diyan!?" daing ko at bahagyang itinulak ang matigas nitong dibdib.
"Kanina pa ako salita ng salita hindi ka naman nakikinig..ano bang iniisip mo" kunot noong tanong nito.
"A-ano nga ulit yun?" pakiramdam ko ay nag init ang aking mukha dahil sa nangyari.Amoy na amoy ko ang panlalake niyang pabango na nagpasinghap sa akin kaya umatras ako ng bahagya para lumayo sa kanya.
"Wala" matipid niyang sagot at muling naglakad ito kaya mabilis ko naman itong sinundan hanggang sa makarating kami ng canteen.
BINABASA MO ANG
Made for Two?
FanficPaano kung may dumating sa buhay mo na magpaparamdam ng tunay na pagmamahal pero hindi lang isang tao kundi dalawa.Maari nga bang magmahal ng dalawang tao sa parehas na pagkakataon? Samahan nyo ako sa panibagong kwento na pagbibidahan ni Freen Saroc...