Chapter 38

376 30 2
                                    


***Emily Sarocha***

Napahinto lang ako sa pag alala sa nakaraan ng gumalaw si Amara at niyakap ako.Hindi ako makagalaw mula sa liwanag sa lampshade kita ko ang maamo nitong mukha.
Hinayaan kong yakapin niya ako at niyakap ko din ito.

Alas singko na ng magising ako at wala na si Amara sa tabi ko pagbangon ko ay sakto namang labas niya sa banyo.
Kita ko ang pamumugto ng mata nito.

"Amara okay ka lang?" Mahina kong tanong.

"Ano sa tingin nyo ang ginagawa ninyo sa akin? Nacoconfused na ako sa kung anong plano niyong magkapatid.." naguguluhan akong tinignan siya.

"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo ko itong tinignan.

"Alam mo bang mahalaga na si Patrick sa akin,naging sandalan ko siya noong panahong wala ka,panahong akala ko katapusan na ng lahat..noong akala ko mawawala na si inay pero dahil sa kanya nagkaroon muli ako ng pag asa" malumanay niyang wika.

Naupo siya sa gilid ng kama habang pinupunasan ang basang mukha dahil kagagaling lang niyang naghilamos.

"Mahal kita Emily alam mo yan pero hindi kp din kayang saktan yung taong nagpakita at nagpadama ng pagmamahal sa akin..kaya hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin ngayon, hindi ako ginawa para sa dalawang tao,hindi pwdeng dalawa kayo piliin ko.." ramdam ko ang paghihirap ng kanyamg kalooban.

Tumayo ako at lumapit sa kanya,nag umpisa narin na tumulo ang aking luha.

"Amara..kung sino man ang pipiliin mo sa aming dalawa maluwag naming tatanggapin iyon..kung si Patrick ang pipiliin mo wala kang maririnig sa akin magiging masaya ako para sa inyo basta mangako kang magiging masaya ka sa piling niya" patuloy ang pagbuhos ng aking luha.

Umiling iling ito habang patuloy ang pahikbi.

"Kapag pinili ko siya masasaktan kita at kapag pinili kita masasaktan ko siya" napahawak ito sa aking kamay na nasa kanyang pisngi.

Ngumiti ako at umiling.

"Puntahan mo si Patrick sa opisina niya ngayon kung siya ang gusto mo para hindi ka na mahirapan you need to decide..puntahan mo siya at kung ako ang pipiliin mo nasa Saro Hotel lang ako..aasa pero magi...ging masaya padin kahit sino man ang piliin mo sa amin..." nauutal kong saad habang umiiyak.

Umiling ulit ito.Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Basta mahal na mahal kita.. Im sorry kung hindi ako naging mabuting girlfriend sayo dahil mas pinili ko ang sarili ko" pagkasabi ko ay tumalikod na ako.

Bahagya pa akong huminto at nilingon ito nag babakasakaling sabihin niyang ako ang pipiliin niya pero hindi ito lumingon man lang kaya pinahid ko ang aking luha at tuluyan ng  umalis.Hindi narin ako nakapagpaalam pa kay nanay dahil ayaw kong makita nilang umiiyak ako.

Nagkulong lang ako sa opisina ko dito sa Saro Hotel. Umaasang darating si Amara bago mag gabi pero pasado alas tres na ay wala parin dumarating.
Panay ang tingin ko sa cctv baka pero wala talaga hanggang sa mamataan ko siya sa ground floor kung saan ang opisina ni Patrick.
Napatayo ako ng makita kong sinalubong siya ng aking kapatid at lumabas ng building.
Napakagat ako ng labi sa nakita at unti unting bumuhos ang luha sa aking mata.

"Okay...talo tayo Emily...ganon talaga hindi mo deserved ang isang Amara dahil sinaktan mo lang siya" panenermon ko sa aking sarili habang patuloy na bumubuhos ang aking luha.

Hindi na ako umuwi ng mansion pagkatapos kong makita si Amara at Patrick.
Bumalik ako ng probinsya at inayos ang lahat ng problema sa Bonclo dahil magkakaroon ng ng turn over sa susunod na buwan.
Mabigat man ang dibdib ko pero kailangan kong gawin ng maayos ang trabaho ko para sa aking kapatid ayaw kong uupo siya na may ahas na tutuklaw sa kanya dito sa opisina. Kahit dito manlang makapag payback ako sa kabutihan nila Mommy sa akin sa kabila ng ginawa ni Mommy Olivia sa kanila.
Deserve ni Patrick ang lahat,si Amara at ang maayos na kumpanya.

Made for Two?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon