Chapter 15

1K 57 10
                                    


***Amara Gayle Sebastian***

Inalis ko ang pagkakatakip ko sa aking bunganga dahil sa sinabi nito.

"Fifty thousand pesos for today, maging girlfriend lang kita kahit ngayong araw na ito hanggang mamayang alauna ng madaling araw dahil isasama kita sa meeting ko with Miss Claire" napanganga ako sa offer nito.

Kailangan ko ng pera para kay Agatha at para din sa pagpunta namin sa baguio.
"Pero anong gagawin ko bilang gf mo?" ngumiti ito at hinawakan ang aking kamay.Nakaramdam ako ng kaba,ng tuliro hindi ko alam ang gulo ng nararamdaman ko na parang may nagliliparan sa aking sikmura.

"Syempre kapag tinanggap mo ang offer dapat maging sweet ka sa akin,pwde ang kiss at hug" napalunok ako ng dumako ang mata ko sa kanyang mapupulang labi.

Pumikit ako at bumintong hininga.

"Okay deal" saad ko na ikinangiti nito

"Good decision babe" wika nito at hinila ako dahilan para mapalapit ako sa kanya.Tatayo sna ako pero muli niya akong hinila at hinapit sa baywang.

"Gf na kita simula sa oras na ito" wika nito,amoy ko nag nakakadik nitong pabango.
Nakahawak ang aking kamay sa sandalan ng sofa para masuportahan ang aking pagbagsak sa kanyang katawan pero hinila nito ang aking kamay kaya napakubabaw ako sa kanya.

Namilog ang aking mata ng maramdaman ko ang malambot niyang labi sa aking labi.
Banayad na halik ang naramdaman ko hanggang sa unti unting gumalaw ang labi nito.
Halos mabaliw na ako sa kaiisip kung totoo ba ito nanaginip lang ako.

Hanggang sa unti unti narin akong tumutugon sa halik nito,naging mapusok ang palitan namin ng halik,siya ang una kong halik pero nagagawa niya akong mapatugon sa halik niya,naramdaman ko ang kamay nitong humagod mula sa aking likod.
At ng makaramdam ako ng kakaibang init at bahagya ko itpng itinulak.

"Hanggang halik at hug lang " nakangisi kong ganti ,kita ko ang dismaya sa kanyang mukha.

"Okay fine" wika nito.

"Hihintayin kita sa parking lot mamaya para sabay na tayong uuwi alam kong half day ka lang ngayon kaya lalabas tayo" saad nito at dinampian ng halik ang likod ng aking kamay.

Bumalik ako sa classroom matapos naming mag usap ni Maam Emily.Pagdating ko ay wala na ang mga classmate ko maging si Sandra ay nakauwi na ata.
Napag alaman kong na cancel daw ang exam dahil may pinuntahan ang prof namin.

Naupo ako sa silong ng mangga kung saan malapit ang parking lot dito ko nalang hintayin si Maam Emily.

"Isang araw lang Amara,isamg araw lang" bulong ko sa aking sarili.

Ilang sandali pa ay nakita ko na si Maam Emily na patungo sa kinauupuan ko.

"Lets go babe" masayang saad nito.

"Okay po" maiksi kong tugon.

lumabi ito." Call me babe not po" seryosoong wika nitoatapos akong pagbuksan ng pintuan ng kotse.

Siya din ang nag ayos ng seatbelt ko pero pagkatapos niyang maayos ay dinampian ako ng halik sa labi dahilan para samaan ko siya ng tingin.

"Nakakarami ka na ah" ani ko.

"Kapag hindi mo ako tinawag na babe,lagi kitang hahalikan " saad niyang nakangisi bago binuhay ang makina ng kotse.

Dumaan ulit kami sa Sarocha botique kung saan tinda ng mga gown at mga dress muli kaming nag ayos bago pumunta sa isang fancy restaurant kung saan kikitain si Ms.Claire.

Tumingin siya sa akin at hinawakan ako sa kamay.

"Sana pagpasok natin sa loob ng restaurant isipin mong girlfriend mo ako hindi bilang sponsor sa scholarship mo at hindi bilang boss mo kundi bilang girlfriend mo" mahina niya bulong.

Made for Two?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon