Chapter 16

577 32 2
                                    


***Amara Gayle Sebastian***

Matapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto nakita ko itong nakangiting nagluluto.At may pasipol sipol pa.

"Babe matunaw ako niyan..kanina mo pa ako tinititigan" pang aasar nitong saad ng mapansin niya.

"Maam Emily uuwi na po ako, hindi ako pwdeng absent ngayon sa klase" wika ko at akmang lalabas na ako ng cottage pero hinabol niya ako at niyakap mula sa likod.

"Babe pag usapan natin ang nangyari and dont worry kinausap ko na ang mga prof mo about sa exam hindi sila mag eexam hanggat hindi ka pa nakakapasok"  kinalas ko ang yakap niya sa akin at humarap ako sa kanya pero agad din akong hinapit sa baywang ng makaharap ako kaya dikit na dikit ang aming katawan.

Napalunok nalang ako dahil ramdam ko ang pagdikit ng bundok pinatubo niya sa aking dibdib.

"Maam E--" hindi ko na natuloy dahil siniil na niya ako ng halik.

"You should call me babe or else hindi ko titigilan ang labi mo" saad nito nang bitawan niya ang aking labi.

Napairap ako sa kanya.

"Ano ba kasing ginagawa mo,ano to?sabi mo magpapanggap lang ako ng isang araw bakit ganito na...Bakit may halikan..may...may ganapang ganito.." halos maluha luha kong saad.

Nakita ko ang pag aalala sa kanyang mata.

"Im sorry...ito lang kasi ang alam kong paraan para hindi ka na malapitan ng kahit na sino man..Gusto kita natakot akong sa dami ng nagkakagusto sayo ay mawalan ako ng chansa" sinsero na saad nito.

"So hindi totoong kunwari lang to?" kunot noo kong tanong.

"Real girlfriend na kita dahil may nangyari na sa atin, gusto mo man o ayaw mo basta makarelasyon na tayo kaya bawal ka ng tumanggap ng kung ano ano mula sa mga manliligaw mo" seryoso niyang saad.

Bahagya ko siyang itinulak pero mas lalong humigpit ang yakap nito sa aking baywang,tinaasan niya ako ng kilay.

"What?" masungit niyang saad.

Ang bilis magbago ang mood kanina parang ang amo ngayon mukha nanaman siyang maldita.

"What whatin mo yang pagkatao mong toyoin" ani ko.

Ngumiti ito at dinampian ako ng halik sa noo.Bigla tuloy nagkagulo ang mga organs ko sa katawan dahil kinikilig nanaman sila.

"Ikaw kase eh, umoo ka na kase...girlfriend na kita okay? " mahinahon niyang sambit.

"Hindi ka ba marunong manligaw?" taas kay kong tanong.

"Kapag pumayag ka ng maging totoo kong girlfriend" nakangiting saad nito.

"So mauuna ang label bago ligaw?" irap ko dito.

"Oo ganun dapat" taas noo niyang sagot.

"Hindi,ayaw ko nga..gusto ko manligaw ka " pagsusungit ko dito pero nginitian lang ako and she hold my chin.

"Naangkin na kita babe and besides alam ko namang ginusto mo yung nangyari kagabi eh..ano ulit sinabi faster babe" nang aasar niyang sambit dahilan para mamula ako at mag init ang aking pisngi.
Hindi ko maikakailang gusto ko din ang nangyari sa aming pagitan,magkahalo saya ang aking naramdaman ng magsanib ang aming katawan kagabi at hindi ko naman pinag sisisihan ang nangyari.

"Ewan ko sayo" saad ko at tumalikod na papunta sa mesa para kumain.

Pagkaupo ko ay agad niya akong pinagsilbihan.
Hindi parin makapaniwala ang aking buong sistema dahil sa mga nangyayari.Nagkaroon ako ng instant girlfriend at sponsor pa ng scholarship ko.

Made for Two?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon