***Amara Gayle Sebastian***"Inay andito na po ako" masaya kong bungad.
"Ate ano yang dala mo" agad akong sinalubong ng yakap ang aking dalawang nakababatang kapatid sabay kuha sa bitbit kong ulam.
"Ilagay nyo na sa pinggan yan at ng makakain na kayo" ani ko at mabilis namang sumunod ang mga ito.
"Wow..." dinig kong sabay ni Albert at Amboy ng makita ang laman ng plastik.
"Ang dami nating ulam" halos hindi makapaniwalang wika ng akong mga kapatid.Napangiti ako dahil ngayon lang ulit makakain ng karne,karamihan kasi ay hanggang hotdog lang ang kayang bilhin ng aming pera.
Napalingon ako kay nanay at nahuli ko itong nakatitig sa akin.
"Oh bakit nay?may problema ba?" agad akong lumapit at umupo sa tabi nito.
"Anak salamat dahil sa kabaitan mo sa amin..kahit na alam mong hindi mo naman obligasyon ito,pwde mo kaming iwan kahit anong oras..." hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni inay dahil ayaw kong nag iisip siya ng kahit ano.
"Nay..pamilya po tayo dito at mahal na mahal ko kayo ng aking mga kapatid..kahit anong mangyari hinding hindi ko kayo iiwan.Kasama niyo ako palagi" nakangiting wika ko sabay yakap kay inay.
Alam kong natatakot parin si inay na baka bigla ko nalang silang iwan dahil alam kong hindi niya kakayaning itaguyod mag isa ang tatlo kong mga kapatid at hinding hindi ko hahayaan iyon, mananatili ako sa tabi nila hanggang sa matupad na namin ang mga pangarap naming magkakapatid.
"Ito nga po pala dalawang libo yung 500 po inilagay ko sa ipon ko pandagdag sa iniipon kong pambayad ko para sa prelim exam namin "nakangiti kong iniabot kay inay ang napagbentahan namin ng balot ni Sir Patrick plus ung bayad niya sa nbasag niyang balot.
"Bakit ang dami naman ata anak?" nagtatakang tumingin ito sa akin.
"Nagkita kasi kami ni Sir Patrick yung nakasagasa sa basket ko noon ayon binayaran niya,kung hindi niya babayaran yung itlog niya ang babasagin ko" pabiro kong wika.
"Ikaw inay kumusta po ang trabaho niyo sa mansion ng mga sarocha,alam mo po bang si Sir Patrick ay anak nila Maam Freen At Maam Rebecca"imporma ko sa kanya.
"Mabuti ang trqbaho ko doon anak hindi naman gaanong mahirp dahil taga linis lang naman ako sa bakuran sanay naman ako.Atsaka nilinis namin lahat kanina dahil darating daw ang anak nilang babae na nasa England" pagbabalita nito.
"Siguro po maganda din siya kasi ang pogi ni Sir Patrick eh" napaisip kong tanong kay inay.
"Oo maganda daw anak pero maldita na daw ngayon hindi daw gaya ng dati na mabait siya nagbago lang daw" medyo nalungkot ako sa balitang iyon dahil akala ko mabait siya gaya ng kanilang mga magulang iilan nalang talaga ang mayayaman na mababait.
Matapos naming mag usap ni inay ay pumasok na ako sa akin kwarto at humiga sa matigas kong higaan.
"Hays balang araw makakabili din ako ng malambot na higaan,kaya kailangan kong makapgtapos ng pag aaral para makapagtrabaho ako sa isang five star hotel" nakangiti kong wika habang nakatitig sa bubong naming tagpi tagpi.
Pero biglang mukha ni Sir Patrick ang nakita ko sa bubong at tila galit na galit itong nakatingin kaya napakurapkurap ako.
"Hays,kung ano ano nalang"naiiling kong saad at bumangon ako para kumuha ng pamalit sa aking aparador.
Atsaka ako nagbihis,napatingin ulit ako sa jacket na nakahanger tinanggal ko ito at dinala sa aking higaan.
Its been a year,kumusta ka na kaya..Sana hindi ka parin nagbabago..sana gaya noong una nating pagkikita ay ganoon ka parin kabait hindi ko alam pero bigla kong niyakap ang jacket at inamoy amoy ulit ito.May nagigising sa aking pakiramdam kapag naamoy ko ang pabango ng jacket.
Noon parang ang laki nito pero ngayon ang liit na dahil ako yung lumaki.Nakatulog akong yakap yakap ang jacket.
BINABASA MO ANG
Made for Two?
FanficPaano kung may dumating sa buhay mo na magpaparamdam ng tunay na pagmamahal pero hindi lang isang tao kundi dalawa.Maari nga bang magmahal ng dalawang tao sa parehas na pagkakataon? Samahan nyo ako sa panibagong kwento na pagbibidahan ni Freen Saroc...