Chapter 26

777 53 8
                                    


***Freen Patrick Sarocha***

Hindi na papigil ang malakas na pagkabog ng aking dibdib.Hindi ko alam kung dahil sa kinakabahan ako na hindi ako ang mapipiling papalit kay Tito Richie o dahil sa presensya ng babaeng nasa tabi ko ngayon.

"Relax lang Patrick" bulong ni Amara sabay tapik sa aking kamay na nakapatong sa aking hita.

Hinawakan ko ang kamay nito at nakaramdam ako ng kapayapaan medyo kumalma ang aking pakiramdam.
Nakita ko si Rashid na umupo sa unahan kasama nito ang isang babae.
Napadako ang tingin nito kay Amara.

Napangisi ako ng dumako sa akin ang kanyang tingin.Sinamaan niya ako ng tingin.Alam ko ang plano niya pagkatapos ng graduation dahil nasabi sa akin ni Victoria.
Hindi ko hahayaan na mangyari iyon kaya inunahan ko ng mapasaakin si Amara.Malaman man nila atleast naipasa na ang pagiging CEO sa kung sino man ang mapipili.

"Okay ka lang?"bulong ni Amara at hinawakan nito ang aking kamay.Lalong sumama ang timpla ng mukha ni Rashid habang nakatingin ito sa amin.

"Kinakabahan lang ako,sinabi kase sa akin kanina..tatlo daw kaming pinagpipilian ni Tito Richie hindi ko pa alam kung sino yung isa at kung hindi man ako ang mapili ni Tito sana huwag si Rashid kundi doon sa isang sinasabi nila" mahina kong saad dahil baka may makarinig sa amin.

"At ngayon bibigyan namin kayo ng pagkakataon at sumayaw pampatanggal ng nginig sa dibdib" pabirong wika ng host.

Tumayo ako at kinuha ang kamay ni Amara.

"Shall we dance?" bulong ko sa kanya ramdam ko ang pagsinghap nito at panlalamig ng kanyang kamay.

"Hin...hindi ako marunong sumayaw" nahihiyang wika nito kaya napangiti ako pero hindi ito nakipagtitigan at umiwas ito ng tingin.

Gusto ko din maranasan na titigan niya ako kung paano niya titigan ang aking kapatid na si Ate Emily pero hindi ko iyon maramdaman.

"Ako ang bahala" nakangiti ko siyang iginiya sa dance floor kung saan marami ng sumasayaw kasama ang mga asawa ng mga ito.

Hindi sinasadyang naatrasan ko si Rashid dahilan para mapamura ito ng mahina.

"Sh*t...huwag ka nalang sumayaw kung hindi ka marunong nakakahiya naman sa peke mong girlfriend..Kapag nalaman ni CEO ang totoo siguradong ako ang mapipili sa gabing ito" sarkasmo niyang bulong.

Naptingin ako sa babaeng kasama nito at napangisi ako.

"Oh..Mavie...buti naman pumayag ka sa offer ng lalaking ito?" agad kong bawi na ikinabilog ng mata ni Rashid.

"By the way Rashid ang gf mo pala ay model ng bonclo...nakausap na kami before" kindat ko sa kanya.

"Sana huwag bumalik sayo ang sinasabi mo sa akin" at hinila ko na si Amara pabalik sa aming upuan.

"Magkaaway ba kayo?" kunot noong tanong ni Amara habang inaalalayan ko siyang makaupo.

"Hindi naman sadyang mainit lang ang ulo niya sa akin dahil simula palang kami na ang rival sa kumpanya,hindi yan marunong tumanggap ng pagkatalo" wika ko habang nakatingin sa kinauupuan ng mga ito na tila pinapagalitan niya ang kapareha nito.

Napaayos ako ng upo ng muling magsalita ang host ng event.

"Ito na ang ating pinakahihintay,ang pag aanunsyo kung sino ang susunod na acting CEO ng Bonclo" wika ng host at sabay palakpakan ng lahat.

"Bakit acting CEO?" kunot noo akong napabaling kay Tito Richie na ngayon ay nakatayo na at naglakad na patungo sa harapan.

"Siguro nag tataka kayo kung bakit acting CEO palang dahil ipapasa ulit ito kapag napili na talaga ang karapat dapat na mamumuno ng kumpanya.Hindi na ako magpaligoy ligoy pa isa ang aking pamangkin na si ang nasa listahan ng pagpipilian.Si Freen Patrick Sarocha" wika nito at biglang umilaw sa aking tapat.

"At ang isa ay si Rashid Grey Tui" at umilaw naman sa kinauupuan nito,malawak ang ngiting kumaway sa lahat.

"at ang isa ay Walang iba kung si Emily Sarocha" napalingon ako sa bandang gilid kung saan may babaeng naka wheelchair ang tinutukan ng ilaw.

"Ate.." tanging bulalas ko,pinagpawisan ako sa nakita hindi ko ito napaghandaan.

"At dahil hindi naging tapat ang dalawang partido na inasahan kong sa kanila ako mamimili ibinibigay ko ang awtoridad kay Ms.Emily Sarocha ang bagong Acting CEO ng Bonclo"  wika ni Tito Richie na lalong nagpagulo sa aking isipan.

"Hindi yan pwede...ayon sa batas ng bonclo group walang babaeng mamumuno sa kumpanya!" sigaw ni Rashid.

"Unless walang lalaking karapatdapat sa posisyon" sagot naman ni Tito Richie.

"Rashid and Patrick sana matuto kayong lumaban..Gumawa ako ng pagsubok kung anong gagawin ninyo pero hindi kayo naging tapat sa pagsubok na iyon kaya sana ipakita ninyo na karapat dapat na sa inyo maipapasa nag pagiging CEO.Bibigyan ko kayo ng anim na buwan para baguhin qt ayusin nyo ang mindset nyo" dugtong pa nito bago salubungin si Ate Emily na itinutulak ang wheelchair papunta sa kinaroroonan nito.

Kinuha nito ang microphone at pinadaan nito ang tingin sa bawat isa at huminto ito sa kinauupuan namin ni Amara.

"My name is Emily Sarocha, and I will be your acting CEO of this company.Hindi ako eksperto sa aspeto ng negosyong ito ,so I hope you will be open with me when I ask questions. As a CEO, I have few expectations na gusto kong ipaalam sa inyo. Una ay ang respeto,asahan ninyong rerespetohin ko kayo and I will expect the same treatment in return. Pangalawa, we must have integrity.This means we tell the truth ayaw ko ng sinungaling at mapagpanggap" mahabang pahayag nito at nakatitig parin sa amin.Nakaramdam ako ng hiya dahil alam kong mali ang aking ginawang pagsamantala sa pangangailangan ni Amara sa pera para lang mapapayag ko ito na magpanggap bilang kasintahan ko.

"Kung nangangailangan kayo ng tulong,my door is always open.Thank you for listening" Huling saad nito bago sinenyasan ang bodyguard na itulak ang wheel chair nito.

Pansin ko ang tila pagkabalisa ni Amara.

"Okay ka lang?" mahina kong tanong.

"Miss na miss ko na siya,..gusto ko siyang yakapin" mahinang saad nito.Hinawakan ko ang kamay niya dahilan para mapatingin ito sa akin.

"Please hanggat di natatapos ang usapan huwag ka sanang gagawa ng dahilan para pagdudahan ako ng pamilya ko" pagsusumamo ko dito.

Ng matapos ang programa ay inalalayan ko na si Amara pabalik sa room ng hotel kung saan siya nagbihis kanina sa paglabas namin ng function hall ay nakasalubong namin si Ate Emily habang tulak tulak siya ng caregiver nito.

"Ate..kumusta ka?" nahihiya kong tanong sa kanya.Tumingin lang siya sa akin at lumipat ang tingin kay Amara.Nagtagal ang titig niya habang nakayuko lang din si Amara.

"Dahil mo ako sa aking opisina" malamig at seryosong wika nito sa kanyang caregiver.

"Miss Sebastian come to my office" seryoso parin ang boses nito ramdam ko na tila may galit ito sa amin.

Pigilan ko sana si Amara pero dito parin siya sa Saro hotel naka employ kaya wala akong karapatan para bawalan siya at si Ate Emily ang boss niya.

"Patrick sige na mauna ka na,kakausapin ko lang si Maam Emily" pagkawika nito aymabilis na siyang sumunod kay ate.

"Lahat nalang talo ako" bulong ko sa aking sarili.

To be continued....

[Magiging magkaaway kaya ang magkapatid dahil sa ngalan ng pag ibig?Panahon na kaya para mamili ang ating mahal na Amara?]

Made for Two?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon