***Amara Gayle Sebastian***"Balot...Balot..balot kayo riyan!!!.." sigaw ko habang naglalakad sa kalsada.
"Ate Amara mukhang wala namang bibili dito eh,pumunta kaya tayo sa gilid ng simbahan madaming tao dun " ani ng aking kapatid .
Ako nga pala si Amara Gayle Sebastian, isang vendor sa gabi at estudyante naman sa umaga. Mahirap lang ang pamumuhay namin, isa kami sa pamilyang masasabing isang kahig isang tuka pamumuhay. Ang mapagbebentahan namin sa gabi ay ipambibili ng isang kilong bigas para kinabukasan. Napalingon ako sa aking kapatid natuto na rin itong maghanap buhay na dapat ineenjoy niya ang kabataan. Wala na ang aking ama at tanging si Mama nalang ang kasama ko sa pagtataguyod sa aking mga kapatid.
"Agatha doon ka pumuwesto para mapaubos mo yang chicharon na dala mo,wag kang magpapaloko bayad muna bago bigay okay ha?" saad ko sa aking kapatid ng marating namin ang simbahan.
Maraming tao ang nagsisimba ngayon lalo na at kapapasok palang ng taon at magsiuwian ang mga yayamaning tao sa kanilang mga pamilya.
Ng mapadaan sa gawi ko ang mag syota na akala mo ay nilalanggam sa sobrang katamisan.
"Sir bili ka na ng balot pampalakas ng tuhod,para on the go palagi" kindat ko sa magjowa kaya napatigil ang mga ito.
"Siya bigyan mo ako ng dalawa" ani ng lalaki.
"Gawin mo ng lima sir baka humirit si misis mamaya ng limang rounds maiging malakas ka" pabiro kong saad na ikinapula naman ng pisngi ng babae.
"Lakas maka sales talk, sige bigyan mo ako ng limang piraso" agad naman nitong saad kaya napangiti ako.
Mag alas dose ng magpasya na akong umuwi,pinauna ko na si Agatha dahil maaga pa ang pasok niya bukas. Pagod ang aking katawan ng makarating ako sa bahay kaya agad na akong nahiga dahil maaga din ang klase ko mamaya.
___Nagising ako sa tunog ng alarm sa cellphone kong de keypad kaya agad na akong bumangon at naghanda na ng almusal. Ipinaghanda ko na din ng baon ang aking mga kapatid nilagyan ko ng tig dalawang hotdog at tig isang pritong tinapa ang baunan ng mga ito.
Inihanda ko na din ang plansang de-uling parang ma plantsa ko ang aming mga uniform.
"Goodmorning Ate Amara" bungad ni Agatha habang kinukusot nito ang inaantok pang mata.
"Magandang umaga din kapatid ko,gisingin mo na ang mga kapatid natin at ng makapag almusal na kayo" malambing kong wika.
Kanina pa nakaalis si inay dahil maaga itong nagtutungo sa palengke para magtinda ng mga inaangkat nitong mga gulay kay Aling Openg.
Nasa fourth Year college na ako sa kursong HRM at puspusan ang aking ginagawang paghahanapbuhay dahil ang daming bayarin sa school.
Ng makaplantsa na ako ng uniform ay agad kong binuhusan ng tubig ang uling na ginamit ko at tinungo ang maliit kong kwarto.
Kumuha ako ng damit ko sa aking aparador na konting yanig lang ay nagbabagsakan na ang mga pinto nito kaya kailangan kong dahan dahanin.Napatingin ako sa maliit ng jacket na nakasabit sa lagayan ng aking damit.Hinawakan ko ito at bahagya pang inamoy parang hindi nawawala ang pabango inilagay dito.
"Hmm kumusta na kaya siya, siguro ang ganda ganda na niya ngayon at dalaga na din gaya ko" bulong ko habang nakangiting hinahaplos ang jacket na binigay ng batang babae ilang taon na ang nakakalipas.
Dahan dahan ko ibinalik sa sabitan ang jacket at napangiwi ng makitang tumabingi ang saradohan ng kabinet."Balang araw mapapaayos ko din ang bahay at makakabili ako ng maayos na gamit" bulong ko habang inaayos ko ito
"Oh ano tapos na ba kayong kumain?" saad ko sa aking mga kapatid na ngayon at nakahilera na ang mga ito para mang hingi ng baon
BINABASA MO ANG
Made for Two?
FanfictionPaano kung may dumating sa buhay mo na magpaparamdam ng tunay na pagmamahal pero hindi lang isang tao kundi dalawa.Maari nga bang magmahal ng dalawang tao sa parehas na pagkakataon? Samahan nyo ako sa panibagong kwento na pagbibidahan ni Freen Saroc...