Chapter 34

446 33 1
                                    


***Amara Gayle Sebastian***

Hindi ko na nireplyan ang chat ni Patrick at Emily.Hindi rin ako pumasok ng trabaho ngayon dahil gusto ko munang mapag isa.

Napatingin ako sa bintana ng makita ko ang kotse ni Kuya Guiller at kinakausap si inay sa labas ng bakod na tila may sinabi lang ito at umalis din agad.

Pagpasok ni inay ay sinalubong ko ito at tinanong kung anong sinabi ni Kuya Gee.

"Nay bakit hindi nyo po pinapasok si Kuya Guiller,anong kailangan niya bakit parang nagmamadali" tanong ko ng makapasok na si Inay sa loob.

"Anak may tinanong lang siyang tao baka daw kilala ko pero sabi ko naman bagong lipat lang tayo dito kaya hindi pa natin gaano kilala ang mga tao sa malapit" hindi makatingin na sagot ni Inay.

Nahiwagaan ako sa ikinikilos ni Inay,tila wala ito sa huwisyo sa mga ginagawa nito.Minsan napapatulala siya at nahuhuli kong nakatitig lang sa akin.

Makalipas ang ilang araw ay pumasok na din ako ng opisina.Hindi ako kinikibo ni Patrick hindi ako sanay sa katahimikan nito.

"Hindi ka ba magsosorry?" Pambabasag nito sa katahimikan.Napaangat ako ng tingin at walang emosyon ang matang nakatitig sa akin.

"Huh?bakit naman Sir?may nagawa ba akong mali?" Maang kong tanong.

"Hindi ka sumipot sa sinabi ko kahapon" aniya kaya napatapik ako sa aking noo.Nakalimutan ko nga palang replyan ang chat nito na hindi ako pupunta at ganun din kay Emily hindi ko rin ito nireplyan kaya napakagat ako ng aking labi at nahihiyang tumingin sa kanya.

"Pasensya ka na Sir. Nakalimutan kong replyan ka kahapon dahil masama ang pakiramdam ko" wika na agad namang nagbago ang tingin nito,napalitan ng pag aalala.

"Are you okay now?,pasensya ka na hindi ko alam"  Puno ng pag aalalang tanong nito.

"Okay na ako,may mahalaga ka po bang sasabihin kahapon?" Balik tanong ko sa kanya.

Umiling ito.

"Just want to be with you yesterday dahil ililipat na sa akin ang pagiging CEO ng Bonclo,sa akin ibibigay no Ate ang pamamahala gusto ko lang magcelebrate ng tayong dalawa lang" puno ng saya ang mata nito.

"Wow,congrats..sabi ko sayo eh makikita din ng Ate mo ang hardwork mo mga pinapagawa sayo at sa pananatili mo dito sa Saro ilang investors din ang napa deal mo..nakakaproud ka" masayang masaya kong saad sa kanya.Hindi ko namalayang nayakap ko na ito.

Nasa ganoong ayos kami ng bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa doon si Emily.

"Pasensya na naka istorbo ata ako" kita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mata.

"Ate halika na dito,masaya lang kami dahil sa wakas ako na ang bagong CEO ng Bonclo kaya salamat ate pangako gagawin ko ang lahat para hindi kayo mabigo sa akin" masayang wika naman ni Patrick.
Napakunot ang noo ko ng makitang inayos ni Patrick ang kalat na files nito sa mesa at inilagay iyon sa isang box.

"Amara lilipat na tayo ng opisina sa first floor ang office ko kaya doon tayo mag tatrabaho" ani ni Patrick akmang i kukunin ko sana ang laptop at bag ko ng magsalita si Emily.

"Get you your own secretary Patrick,shes working for me..ang Saro hotel ang nagpapasahod sa kanya at hindi ang Bonclo" malamig at seryoso niyang tugon bago siya lumabas ng opisina.

Nagkibit balikat si Patrick at wala na din itong nagawa kundi ang iwan ako sa opisina ni Emily.Hindi ko alam kung anong trabaho ko dito kaya siguro babalik na ako sa kitchen dahil doon naman ako na destino dati.

"At saan ka pupunta " tila inis na boses ni Emily ang sumalubong sa akin ng akmang lalabas na ako sakto naman ang pasok nito at nasa likod niya si Andrea,napakuyom ako ng aking kamao.

Made for Two?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon