Lianna Provs.
Buti na lang at hindi ako naipit sa Traffic.
Nakahinga ako ng maluwag ng nasa harap na ako ng bahay namin ni Marcus. Sakto lang ang dating ko dahil wala pa si Marcus. Alasingko pa naman ng hapun. At baka busy yun sa trabaho.
Nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay namin at saka mabilis akong tumungo sa aming silid ni Marcus. Nag bihis ako agad at nag pasyang bumaba na sa kusina para maka pag luto ng hapunan ni Marcus. Ayaw niyang kumain sa mga Resto sa labas dahil sayang lang daw ang pera niya. Ano naman daw ang silbi ko rito sa bahay niya kung pati pagkain niya ay di ko kayang gawain. Hindi ko siya sinasabayan sa pagkain dahil ayaw niya akong kasalo sa pagkain. kaya hinihintay ko itong matapos pagkumakain ito.
Bata pa lang ako ay hilig ko na talaga ang pagluluto.
Naalala ko pa noong nagdadalaga ako. Lagi akong tumutulong kay Nanay Lorna sa pagluluto.
Kaya minsan sa Mansion ako nila Marcus pumupunta kapag namimiss ko si Tita Melody, Mama ni Marcus. Tita kasi ang nakasanayan kung itawag rito pero kapag kaharap ko naman ito ay sinasanay ko ang sarili kung tawagin siyang Mama .-
Hating gabi na pero wala paring Marcus na dumating sa bahay namin. Nag-aalala ako sa kanya, di naman niyang ugaling mag paalam sakin kung di siya makaka-uwi eh.
Natural ginagawa niya ang lahat para maging imperno ang buhay ko sa kanya. Nilagay ko na sa Freezer ang mga ulam na niluto ko.
Paiinitin ko na lang ito pag dating niya.Naghintay pa ako pero wala paring Marcus na dumating.
ILang sandali naman ay bigla akong naka rinig ng tunog ng sasakyan sa harap ng bahay namin.
sinilip ko muna ito bago lumabas sa loob ng bahay namin .
Napansin kung hindi kay Marcus ang sasakyan. Pero huminto ito sa harap ng bahay namin .
Binuksan ko ang gate at aakmang mag do-door bell na sana ang isang babaeng matangkad. Parang pamiliar siya sa akin ehh . Parang nakita ko na ito nung kinasal kami ni Marcus . Nabaling ang tingin ko sa lalaking akay niya sa balikat nito .
"Oh! Don't wOrry , im not flirting your Husband , im his Bestfriend "- paliwanag nito agad sakin .
Lumapit na ako at tinulungan ko siyang ipasok si Marcus sa Loob ng bahay namin.
"By the way, im Micha Robles "- sabay shake hands niya sakin.
(AnyWays guys ! Pronounce po ng Micha is Mika po , name po yan ng friend ko at napagtripan kung isali siya sa kwento ko.)
"Lianna"- ngiti ko rito .
"Bestfriend ko lang talaga yang asawa mo, since kindergarten pa kami ay close na close talaga kami, kaya sana maging close din tayo "- ngiti nitong sabi sakin .
Tumango lang ako rito bilang sang-ayon . Naiilang ako eh. Si Patrick lang kasi ang naging kaibigan ko sa mga kaibigan ni Marcus. Nasa States siya at di man lang siya naka dalo sa kasal namin ni Marcus.
"Soo, i have to go na"- pagpapaalam ni Micha sakin .
"Oh! Sige salamat sa paghatid kay Marcus"- pananalamat ko rito .
"No probs, Lianna"- sabay kindat niya sakin .
Pagkatapos kung bihisan si Marcus ay naramdaman kung inaapoy na ito ng lagnat. Nasapo ko nalang ang noo ko .
Nilalagnat nga siya pero alak naman ang inatupag nitong inumin.
Pitong buwan na kaming kasal pero
ngayon ko lang siya naalagaan na may sakit .MAhimbing lang itong natutulog at panay punas lang ako sa katawan nito. Pagkatapos naman ay sa noo naman nito ako naglagay ng basang bimpo.
Hinahawi ko lang ang buhok nito at pinagmamasdan siyang natutulog .
Napagmamasdan ko lang siya kapag tulog. Ayaw niya kasing tinititigan ko siya kapag mag kaharap kami. Pangalan lang niya ang pag-aari ko at hindi ang puso niya.
Gusto ko maranasan ang pagmamahal ni Marcus kahit sandali lang, atleast kapag nagising ako sa kahibangan kung ito na wala na talagang pag-asa na maging masaya ang buhay ko sa piling niya ay mabigyang pansin din niya ako.
"Mahal na Mahal kita"- bulong ko rito.
Hinalikan ko lang siya ng madiin sa labi.
Pitong Buwan na akong nagdurusa sa buhay ko kay Marcus. Pero tiniis ko hindi dahil sa Pera ang Habol ko sa kanya , wala akong pakialam sa pera ni Marcus . GUsto kong mahalin niya ako yun lang .
Nagmamahal ako sa isang lalaki na iba naman ang mahal nito .
===
BINABASA MO ANG
Im Just His Wife ( Completed)
Romance"wag na wag mo akong pakikialaman sa kung anong gusto kong gawin dahil asawa lang kita " "yan lagi ang sinisigaw sakin ng asawa ko . "sawang-sawa na ako sa kakasigaw niya sakin , pero hindi ko siya magawang iwan . pero hanggang kailan ako mananatil...