Naka uwi na ako ng bahay at wala paring Marcus na dumating. Kahit sa opisina ay di na rin nakabalik ito dahil may urgent meeting pa raw itong kailangan taposin. Yun ang sabi ni Michael ang sekretary niya ng tanungin ko ito kanina. Ang bilin lang daw ni Marcus ay wag ko na raw ito hintayin at di daw niya alam kung kailan ito makakabalik.
Naka-upo ako sa mesa kong may salamin. Ang haba pala talaga ng buhok ko, abot pwet ko na. (;
Natural black napaka shiny pa talaga. Nakatitig lang ako sa mukha ko sa salamin, kamukhang-kamukha ko pala talaga ang Mommy ko ehh. Kaya walang halong pagdududa.
(A cross the ocean A cross the sea 🎶🎶🎶 starting to forget when you look at me now 🎶🎶🎶 over the mountain ... 🎶🎶🎶 )
Marcus calling...
Pagkakita ko sa cellphone ko na si Marcus pala ang tumatawag ay mabilis pa sa alaskwatro kong sinagot ito.
"Hello!"-
"Hey, im sorry at ngayon lang ako nagka oras na tawagan ka."- paghingi nito ng paumanhin, halata sa boses nito ang kapagoran.
"It's okay..."- tipid kong sagot kahit na nagtatampo ako rito ay okay lang naiintindihan ko naman eh.
"How's my beautiful wife."- tanong nito sakin.
"Not happy Not Sad, Imissyou already."- mahinahon pero may halong pagtatampo kong sagot rito.
"I miss you too..."- dahan-dahan nitong pagkakasabi.
"Tataposin ko lang ang lahat at uuwi na ako sayo Mahal."- ani pa nito.
Kinabahan naman ako rito. Anong tataposin niya ang lahat? Bakit malaki ba talaga ang problema ng companya. Wala naman akong makitang problema sa companya kahit isang buwan lang akong namalagi ron.
"Mahal, may problema ba?"- tanong ko na lang.
"Sasabihin ko sayo pag-uwi ko."- tipid nitong sagot sakin.
Huh? So may problema talaga? Pero di naman nabanggit sakit ni Papa Rafael yun ehh. Okay hihintayin ko na lang siya.
"Okay."-
"Libangin mo sarili mo okay, if you bored go to mall and buy anything you want. Or just call Dianne para may kasama ka, And make sure always lock the main door and our room."- bilin nito. Tumango-tango lang ako kahit di naman nito nakikita ang pagtango ko rito.
Soo matagal pa ang uwi niya -.-
Agad naman itong nag paalam sakin dahil marami pa raw itong tatapusin na trabaho at kailangan raw niyang tapusin yun para maka-uwi siya ka agad sakin .
-----
Tatlong araw na ang lumipas at hindi parin nakaka-uwi si Marcus simula ng umalis ito. At nakakadismaya nga dahil tatlong araw din mula noong huling beses niya akong tawagan.
Wala na rin akong ibang ginawa kundi ang mag mukmuk rito sa aming bahay. Lagi naman akong Tinatawagan ni Mama Melody to check me up kung okay lang ba ako. Tapos lagi akong inaaya na lumabas pero humihingi lang ako ng paumanhin rito at tinatanggihan ko lage ito. Ayoko lang lumabas dahil nga wala naman dahilan para lumabas ako gusto ko lang hintayin si Marcus na umuwi baka paglumabas ako rito sa bahay di ako abutan ni Marcus at umalis na lang ito bigla.
I deeply miss him. :'(
Hindi ko mapigilan ang mga luha kong umaagos ngayon.
Kumusta kaya siya? Kumakain kaya yun ng mabuti. Masyado pa namang mapili yun sa bawat kakainin niya.
*Ding Dong ... *Ding Dong ...
Tunog ng doorbell namin.
Agad kong pinunasan ang luha kong umaagos sa pisngi ko.
Binuksan ko na ang pinto at si Dianne ang bumungad sakin.
"Dianne..."- bungad ko rito.
"Oh my god Yanna. Tatlong araw mo kaming pinag-aalala nila Mommy, ni hindi kana lumalabas."- dakdak nito at niluwagan ko ang pagbukas ko ng pinto para makatuloy ito sa pagpasok.
Agad naman nitong diniretso sa kusina ang mga bitbit nitong mga plastik na may lamang grocery.
"Mommy is so worried at you!"- alala nitong sabi sakin.
"I'm Fine Dianne."- tipid kong sagot rito.
"Sinasabi mong okay ka sa lagay mong yan. Pati si Kuya Jacob di namin ma contact hindi rin kasi alam nina Mom at Dad ang pag-alis niya ehh." Turan ni Dianne sakin.
Pati rin pala ang parents niya di rin alam kung nasaan siya ehh.
"
Grabi Yanna huh! Ilang araw mo bang di sinusuklay yang buhok mo huh!"- pansin pa nito sa buhok kong mahaba.
Hinawak pa ito ni Dianne.
"Tsssk."-
"Yanna, fix your self aalis tayo."- utos nito sakin.
Kahit anong tanggi ko ay di ito pumapayag.
Wala akong nagawa kundi ang sundin ang utos nito.
----
Short Updates 😊Congrats sakin 😂 Kick out agad sa School 👏
BINABASA MO ANG
Im Just His Wife ( Completed)
Romance"wag na wag mo akong pakikialaman sa kung anong gusto kong gawin dahil asawa lang kita " "yan lagi ang sinisigaw sakin ng asawa ko . "sawang-sawa na ako sa kakasigaw niya sakin , pero hindi ko siya magawang iwan . pero hanggang kailan ako mananatil...