Dedicated to;Rica_vina
Kabanata42
Tatlong araw na ang nakalipas simula nang araw na pagkakamali ko sa asawa ko. Pinalinis ko na rin ang mga kalat sa aming sala at pinalitan ko na rin ng mga bago yung mga nasira at wala akong pakialam kong basagin ulit yun ni Lianna. Di ako mapapagod at magsasawa na palitan ang lahat na sisirain niya. Basta di niya lang ako iiwan.
Dinahan-dahan ko ring linisan ang kwarto namin habang tulog na tulog siya sa aming higaan. Tanghali na nga kung gumising at buti pagkagising niya tapos ko na lahat linisan ang mga kalat na nakalat sa aming silid.
Gigising siya tapos pagnakita ako dedma lang at parang inbisibol lang ako rito na narito nga ako pero di naman ako kinikibo tila magkukunwari siyang parang di lang ako nakita.
"Ohh! Napatawag ho kayo Ma?"- rinig kong kausap niya sa kabilang linya. Kausap ata niya ang Mommy niya ehh.
"Ahh! Nasabihan ko na po si Ayssa ma about my schedule tapos yung mga paper work na pinapatapos mo sakin ay last 3 days ko pa pong tapos."- paliwanag niya pa.
Nasa kusina kasi ito at naka maong short pa habang suot-suot ang puti kong tshirt.
"Oh! Sige Ma. Take care po!"- sabay baba niya sa kanyang cellphone.
Nagkunwari lang akong iinum ng tubig ng mabalingan niya ako ng tingin.
"Gosh! Pati ba naman grapes ubos na rin."- magmamaktol niyang bulyaw sabay sarado ng malakas sa frezeer at nagmartsa na ng lakad pa akyat ng kwarto.
Dali-dali kong tinawagan si Ryan para humingi ng pabor rito na ibili ako ng limang kilo na grapes sa mall yung iba't-ibang klase na grapes kasi naman po di ko alam ang gusto nitong grapes ehh. Tapos pinasalihan ko na rin ng grocery. Nagrereklamo nga ito dahil sa dami ba raw ng outusan siya pa raw na busy'ng tao. Busy my butt -,- kaya wala na itong nagawa pang reklamo at pumayag na rin.
Pinaliwanag ko kasi rito na di ako pwedeng umalis ng bahay kasi baka pagbalik ko wala na ang asawa ko at mas mababaliw ako pag nangyari yun. Ni di nga ako makatulog ng mabuti ehh. Siguro makakatulog ako ng isang oras at magigising rin ka agad dahil baka pag-gising ko wala na siya sa silid namin.
Lianna Rose Pov.
Tatlong araw na ang nakakalipas at diko parin magawang kausapin o pakinggan si Marcus ni pansinin nga ito diko magawa ehh. Okay na ako pero nandito parin yung sakit sa damdamin ko kaya siguro mas mabuti na rin itong ganito na hindi muna kami nagpapansinan at nag-uusap dahil para naman maliwanagan ang utak ko.
Gutom na gutom na ako at gustong-gusto kong kumain ng grapes kaso wala naman sa ref. namin kaya ito naiinis na naman ako at umakyat na lang sa kwarto namin. Sana naman pagkatapos kong magdabog-dabog sa baba ay ibili ako ni Marcus ng grapes mas matutuwa pa ako kung ganoon. Ayoko naman lumabas dahil tinatamad ako at buntot na buntot si Marcus kahit saan ako pumunta rito sa kalooban ng bahay.
Tatlong araw na siya na ang naghahanda sa lahat. Kahit na di siya marunong magluto ay kinakaya niya, naglilinis sa buong bahay. Yung lahat ng ginagawa ko noon siya na ang gumagawa ngayon. Para na akong prinsesa ngayon na wala ng ginagawa sa bahay kundi ang matulog at kumain na lang. Noong isang araw nga nagising akong may pagkain na sa gilid ko at may gatas pa na nakalagay at sticky note na naka dikit sa baso.
BINABASA MO ANG
Im Just His Wife ( Completed)
Romance"wag na wag mo akong pakikialaman sa kung anong gusto kong gawin dahil asawa lang kita " "yan lagi ang sinisigaw sakin ng asawa ko . "sawang-sawa na ako sa kakasigaw niya sakin , pero hindi ko siya magawang iwan . pero hanggang kailan ako mananatil...