K A B A N A T A 22

20K 336 3
                                    

Hii @The_unknown07 PM moko pag may oras ka. Gusto Lg kta makilala 😂 kayo din guys. PM niyo ko pg di kayo busy;!

-----////----
Nagising akong wala na sa tabi ko si Marcus. Saan kaya yun? Pangatlong araw na akong walang pasok.

Dali-dali akong pumasok sa banyo upang makaligo na.

Baka pumasok si Marcus sa opisina. Pero nakaka dismaya lang dahil hindi man lang ito nag paalam sakin. :(

Nang matapos akong maligo ay lumabas na ako ng banyo.

Laking gulat ko ng si Marcus ang mabungadan ko.

"Hey.."- gulat kong bulalas rito.

"Calm down babe."- sabay akbay nito sakin.

"Akala ko kasi pumasok ka sa opisina mo." - ani ko rito

"Di na kita ginising, sumaglit lang ako roon." - sagot nito sakin.

"Ahh."- tipid kong ani rito.

Naglakad na ako papuntang closet namin para maka hanap ng masusuot.

Napansin kung nakasunod parin sakin si Marcus kaya nilingon ko ito.

"Magbibihis ako!."- turan ko rito.

Tinawanan lang ako nito at titig na titig parin sakin.

"Hindi nakakatawa?"- pag tataray ko rito.

"Nakita ko naman lahat yan."- panunukso nito sakin.

Tinapunan ko lang ito ng doll shoes ko pero hindi naman ito tinamaan dahil naka ilag ito.

(Black tshirt at white sexy short)

Nang maka pag bihis na ako ay inabutan ko si Marcus na may kausap sa kanyang cellphone at napaka seryoso ng mukha nito. May problema kaya sa opisina?

"Babe?"- tawag ko rito ng ibaba na nito ang kanyang cellphone.

Nilingon niya ako.

"We have to go."- ani nito.

"Saan?"

"Nasa hospital raw si Nanay Lorna."- sagot nito sakin.

Tila nanigas ako sa aking narinig. Ano? Ang nanay Lorna ko nasa hospital.

Dali-dali kaming umalis ni Marcus papuntang ospital kung saan naka admit si Nanay.

HOSPITAL

Nang maka pag tanong kami sa station ng nurse kung saang silid ba si Nanay Lorna ay mabilis ko na itong tinungo halos wala na ako sa sarili ko. Kinakabahan at natatakot ako para sa aking Nanay dahil ni minsan ay hindi pa ito nag kasakit.

"Tatay Larry..."

"Nana"-

Niyakap ko lang ito ng mahigpit tsaka tinanong kung ano ba talaga ang lagay ni Nanay Lorna.

"Tatay Larry ano po ba ang nangyari?"- tanong ko rito.

"Malala na ang Nanay mo Nana."- malungkot na sagot sakin ni Tatay Larry.

Bumuhos na ang mga luha ko na kanina ko pang pinipigilan.

"Ssssh! Babe .."- sabay yakap sakin ni Marcus.

Pumasok na ako sa loob ng silid ni Nanay. Bumungad sakin ang aking ina na nakahilata sa kama may kung ano-ano pang naka kabit rito. May kasama rin itong isang pamiliar sakin na ginang.

"Nay"- sabay lapit ko rito at humagolgol na ng iyak.

"Ang prinsesa ko."- malumanay niyang turan sakin sabay haplos sa aking buhok.

Im Just His Wife ( Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon