Kabanata 34

20.4K 326 29
                                    

Dedicated to;
DelatorreGenalyn :)
&
JennyDeleon8 :)

----//----

Nicole Cruz Pov.

Nanatili lang ako sa aking kina-uupuan pagka-alis ni Marcus ay diko na ito nagawang sundan pa dahil halos mamanhid na ang tuhod ko sa pagka bigo. Malabo ko na siyang mabawi pa ulit.

Gold digger Yes ! Lahat na sabihin niyo na sakin tatanggapin ko lahat ng yan.

Aaminin ko noon wala naman talaga akong gusto kay Marcus noong panahong nasa kolehiyo kami dahil alam kung mayaman siya kaya ko siya pinatulan atsaka di naman kasi marangya ang buhay namin noon. Hindi naman nagtagal nahulog na talaga ako kay Marcus kaya noong nalaman kung ikakasal siya kay Lianna nasaktan ako ng sobra. Gusto kung sugurin sila noon sa mansyon nila at pigilan ang kasal na yun pero binalaan ako ng ina ni Marcus at hinalok ng pera. Tinanggap ko ang pera na yun dahil wala akong choice kasi ang Mama ko isinugod sa hospital at di na ako nang-gulo pa muli.

Nang tatlong buwan ng kasal si Marcus kay Lianna ay nag patuloy parin ang relasyon naming dalawa. Ibinahay niya ko. Binilhan ng condo at weekly allowance maluho kasi ako at lahat ng gusto binibigay ni Marcus kaya walang nagiging problema. Pinagsabihan niya rin ako na wag na wag kong gugulohin ang asawa niya dahil si Lolo Marco ang makaka-bangga ko.

Kaya lahat ng sinasabi niya ay sinusunod ko dahil ayokong iwan niya ako. At sakanya lang ako may kapit.

Lumipas ang dalawang buwan na pagsasama namin ng bigla akong tawagin ng aking ama at pinapauwi ako ng states. Nag-iisang anak lang din ako kaya dalawa kami ni Mama ang umuwi doon dahil may ibang asawa naman ang tatay ko kaya kami ni Mama ang laging mag-kasama.

Nang nasa amerika na ako ay bumalik ako ng pilipinas para ibenta ang ari-arian ni Mama at lupa niya dahil wala na raw itong balak na bumalik.

Isang buwang pananatili ko sa america ng ipakilala ako ng Tatay ko sa anak ng ka business partner nito.

Niligawan ako ni Franco Steel at lagi itong bigo sakin. Diko pinapansin sa tuwing dumadalaw ito sa pinagtat-rabahoan ko ng sa sobrang inis nito inipit niya ang tatay ko kaya napilitan akong pakasalan siya.

Kahit na kasal na kaming dalawa ay malamig parin ang trato ko rito ni hindi ko nga ito pinapansin lagi eh.

Nagkikita parin kami ni Marcus kahit alam kong nakatali na ako at tama nga siya kanina kasalanan yung ginagawa namin. Kaya siya na mismo ang kusang pumuputol ng lahat ng yun.

Marami akong pagkukulang sa asawa ko pero kasalanan naman niya dahil pinilit parin niya akong pakasalan kahit alam nitong wala akong gusto sa kanya.


Mahal na mahal ko si Marcus.

Pero tama siya kailangan kong umuwi sa puder ng asawa ko para maayos ko pa ang lahat habang maaga pa.

Pero diko alam kung saan magsisimula rito dahil ako na ang kusang umalis sa puder niya.

Tatayo na sana ako ng bigla akong mapansin ni Tita Veeyah.

"Nicole...."- bati niya sakin. .

"Oh! Hi Tita Vee."- bati ko rito atsaka ako naki pagbeso-beso rito.

"Kasama mo ba si Franco hija?"- tanong nito sakin.

Umiling-iling lang ako rito atsaka ngumiti ng tipid.

Inaya akong umupo ulit dahil gusto niyang saluhan ko siya sa pagkain.

Inaanak kasi niya si Franco.

"Dito po ba kayo mag-eestay Tita."- tanong ko rito.

"Actually yes, for now dahil natagpuan ko na ang anak ko."- masaya niyang sagot sakin.

Ahh! Oo nabanggit pala niyang nawala ang kaisa-isa niyang prinsesa.

"Ahh! Really tita."- masaya kong wika.

"Yes hija. Kaya dito muna ako para naman makasama ko siya at makabawi rito."- aniya niya.

"So kailan niyo po siya ipapakilala sa lahat."- tanong ko rito habang kumakain kami.

"Hmm, i don't really kung kailan dahil hindi pa siya handa so kakausapin ko ulit siya at baka tiyak sa kaarawan na lang niya itetempo."- sagot naman sakin ni Tita.

Ang swerte naman ng anak ni Tita dahil nag-iisa lang siyang anak nila at napakaswerte niyang nahanap pa siya.

Who's that girl?

So invited naman siguro kami so makikilala ko rin siya .

Nang maka uwi ako sa hotel na tinutuluyan ko ay humiga ako saglit para maka pag-isip ng mabuti.

*ring ... *ring...

(Franco calling...)

"Hello"- sagot ko.

"Where are you?"- medyo pasigaw niyang tanong sakin.

"Philippines..."- tipid kong sagot.

"What! When did you go there?"- gulat niyang tanong sakin.

Nang umalis kasi ako wala ito sa bahay dahil nasa italy ito for business matter. Kaya hindi na ako nag abalang mag paalam rito.

"Im so tired, tapos uuwi ako tapos ganito pala wala pala akong madadatnan."- napapabuntong hininga pa ito halatang pagod na pagod ito.

Napakagat naman ako sa aking labi. Napaka tanga ko talaga para di maramdaman si Franco. Such a bitch Nicole -.- nagi-guilty tuloy ako T_T

"I'm going home tommorow okay, im sorry."- wika ko rito.

Huminga lang ito ng malalim.

"Okay please take care Nicole be home safely to me."- sagot nito sakin.

"And i miss you Hon."- dagdag nito at di na niya hinintay na maka sagot pa ako dahil binabaan lang ako nito ng telepono.

Hindi na niya ako pinasagot dahil alam niyang mapapahiya na naman siya.

••••••

Author notes; Vote & Comments 👍

Thank You !

#HappyNewYear 💋

Im Just His Wife ( Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon