KABANATA 36

16K 239 11
                                    

Dedicated to:
Princess Ayssa Manguat Labay ❤
Hi Mataid nakins 💋

-----

Kasalukuyan ng naliligo si Lianna habang si Marcus naman ay naka upo lang sa sofa nila sa kanilang silid habang hawak-hawak nito ang kanyang telepono.

Kanina kasi habang nasa hapag silang dalawa ni Lianna ay medyo kinabahan siya dahil di niya alam ang isasagot sa asawa nito ng mabanggit ang pangalan ng tumatawag sa kanya.

Buti at di niya ito binalak na sagutin ng tumawag si Aubrey. Baka kasi maghinala ito pero pasalamat siya at di ganun ang kanyang asawa. Kaya nga natakot ako kanina sa inaakto niya ehh.

[Aubrey Tan Calling...]

Kanina pa ito tawag ng tawag pero diko sinasagot. Nakilala ko si Aubrey noong nasa Cebu ako at anak ito ng isang ka business partner ko. Sinabi ko namang may-asawa ako at di ko naman nililihim yun ngayon pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nangungulit parin ito hanggang ngayon sakin.

Pinatay ko na lang ang telepono ko para di na maka gulo pa.

Lumabas si Lianna sa banyo na naka bathrobe at naka puot ng towel ang kanyang buhok. Sa haba at kapal ba naman ng buhok niya eh! Paniguradong mababasa nito ang sahig.

"Magbibihis lang muna ako."- ngiting-ngiti niyang paalam sakin.

Ngumiti at tumango lang ako rito.

Niyaya kasi akong mag shopping dahil di naman daw siya naka pag shopping noong wala ako dahil nag kulong raw siya ng nagkulong sa bahay at kung di raw siya pinuntahan ni Dianne ay paniguradong wala daw akong maabutan na asawa. Idinaan pa niya ito sa pabiro kaya sinermonan ko lang siya ng konti at iniiwasan ko kasing masigawan siya tulad ng dati dahil nga okay na kami at ayaw kong natatakot siya sakin. Pinulupot ko na lang ang magkabilang braso ko at palakad lakad lang sa silid namin habang hinihintay siya. Mabilis lang naman ito kung magbihis dahil napaka simple lang nito wala ng arte-arte pa pulbos at lipstick lang ang napansin kung ginagamit niya ehh.

"Let's go!"- aniya nya at napatitig na lang ako rito. Naka highwaist jeans ito at black bodyfit na tshirt lang ito at nilugay lang nito ang buhok nitong mahaba na basa pa.

"Okay let's go."- sagot ko rito.









1month Lateeeeeer...

"Ms. Yanna"- kumakatok na tawag ng sekretarya ni Lianna sa labas ng opisina nito.

Dalawang linggo na rin kasi simula ng payagan siya ni Marcus na magtrabaho sa kompanya ng ina nito. At siya muna ang naging acting C.E.O pansamantala dahil nga rin gusto siyang sanayin ng ina dahil yung kompanya ng ama niya ay ang kuya Jasper niya na ang namamahala rin. At gustong-gusto rin ni Lianna na magtrabaho dahil halos magdadalawang taon na ata siyang naka tambay lang sa bahay at sayang naman ang natapos niya kung di niya mapapakinabangan. May ari kasi ng isang sikat na entertainment ang kanyang ina at isang sikat rin na mga fashion dress na halos sa kanyang desinyo at last month ang mga desinyo niya ang pina release ng ina.


"Yes, come in."- sabi ko at di na ako nag-abala pang lingunin ito dahil alam kong sekretarya ko ito.

"Ms. Yanna! May lunch meeting po kayo kay Sir Patrick."- paalala niya.

Im Just His Wife ( Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon