Dedicated to;
Niña Mareey Lacungan
( Inda )
Marcus Jacob."Hon, sige na kasi pumayag kana."- pangungulit sakin ni Aubrey. Gusto niya kasing samahan ko siya sa dinner ng pamilya niya. Para ano, para ipakilala niya bilang syota niya.
Wala naman kami at nilinaw ko na yun sa kanya simula't sapul ehh. Bakit ba kasi hindi niya maintindihan yun. May asawa na ako at mahal na mahal ko si Lianna.
"I said no. Ano ba Aubrey!"- sigaw ko rito. naiirita na talaga ako sa babaeng ito.
Nang hindi na ito kumibo ay inangat ko ang tingin ko rito at bigla akong siniil ng halik. Nagulat ako sa ginawa niya kaya pilit ko siyang tinutulak pero talagang hindi ito nakontento kaya naka patong na ito sakin.
Nang biglang nakuha ng atensyon ko ang aking asawa na nakatayo mula sa pinto.
Wait kanina pa ba ito? Di man lang niya kami sinugod.
Ito kasi ang mahirap kay Lianna eh! nananatili parin ang katahimikan nito kahit sobra ng nasasaktan.
"Sh******t"- mahinang bulyaw ko at natataranta na akong lumapit sa kanya.
"Wifey..."- sabay hawak ko sa dalawang kamay niya, nanginginig pa nga akong hawak ito ehh.
Patuloy kasi ang pagdaloy ng mga luha nito sa kanyang mga mata.
"Magpapaliwanag ako."- nauutal kong sabi rito.
Wala na akong pakialam kong nandito pa si Aubrey sa loob ang mahalaga maka pag paliwanag ako sa asawa ko.
"Please! Listen to me Lianna."- pamimilit ko rito na pakinggan ako.
"Tama na! Ayoko ng makinig pa."- sigaw niyang sagot sakin.
"Get out! Kung ayaw mong lumabas rito ng patay."- baling niya kay Aubrey na nakatayo lang sa may gilid at naka yuko lang din tila nalagyan ng hiya.
"Jacob.."- baling niya sakin na tila ayaw pa nitong umalis.
Tinitigan ako ng masama ni Lianna nang balingan ako ng tingin ni Aubrey.
"You heard here Aubrey! Please leave us alone."- paki-usap ko kay Aubrey.
Kaya dali-daling lumabas si Aubrey na nakayuko parin at di magawang titigan si Lianna.
Alam kong gustong-gusto na ni Lianna na saktan si Aubrey pero pinipigilan lang nito ang sarili. Dahil di naman kasi niya ugaling manakit nang tao ehh. Alam kong mahirap sa kanya ang nasaksihan niya ngayon pero mali man kung ano ang iniisip niya sakin. Oo hinalikan niya nga ako pero hindi ibig sabihin nun niloloko ko na siya."Lianna Please! Makinig ka muna sakin."- nakaluhod na ako sa harap niya para lang pakiusapan siya na pakinggan ako.
"Ano pa ba ang pakikinggan ko ha! Kitang-kita ko na kaya tama na."- sigaw niya sakin. Saka mabilis na binawi ang kamay niya sakin at mabilis rin na naglakad paalis.
BINABASA MO ANG
Im Just His Wife ( Completed)
Romance"wag na wag mo akong pakikialaman sa kung anong gusto kong gawin dahil asawa lang kita " "yan lagi ang sinisigaw sakin ng asawa ko . "sawang-sawa na ako sa kakasigaw niya sakin , pero hindi ko siya magawang iwan . pero hanggang kailan ako mananatil...