Kabanata 1

82K 1K 38
                                    


Madaling araw ng magising ako dahil sa ingay mula sa baba.

MAbilis naman akong bumangon para tingnan kung anu yung ingay na yun.

"My god Marcus"- bulalas ko sa lalaking puno ng pasa sa mukha.

Anu naman bang gulo ang pinasok niya. Nung nakaraang linggo napa-away din siya sa Bar. Tapos ngayon puro pasa ang inabot niya.

"Marcus"- tawag ko ulit sa pangalan niya.

"Hai my Dear wife"- pa lasing na tono niyang tawag sakin.

Diko na lang siya pinatulan.
Inakay ko ang kamay niya sa braso ko at inalalayan siyang tumayo at maglakad paakyat sa kwarto namin.

"Kung hindi sana ako pinilit ipakasal sayo, di sana masaya ako sa piling ni Nicole. Edi sa ngayon masaya kami."- panunumbat niya sakin.

Yeah ! Tama siya pinilit siya ng magulang niyang pakasalan ako. Dahil lang naman sa mana niya sa Lolo niya kaya siya napilitang pakasalan ako. Ayaw ng pamilya niya kay Nicole . Hindi ko na inalam kung bakit.
Isa lang namang katiwala ng Mama niya ang nanay ko. sa Flower shop nito. At madalas din akong tumutulong dun kapag wala akong pasok sa skwelahan namin. kaya close ako sa mama niya. Napaka bait ng Mama at Papa niya at mabait din naman si Marcus, pero noon yun .

Mahirap tanggihan ang Mama ni Marcus, at isapa matagal ko ng mahal si Marcus. Pero alam kung hindi tama ito, wala din akong magawa dahil malaki din ang utang na loob ko sa kanila.

Nahiga ko na ng maayos si Marcus at nabihisan ko na rin ito.
tapos ko na rin gamutin ang mga pasa nito sa mukha.
-

Naglinis na lang ako sa paligid ng bahay namin . Ayaw ni Marcus ng makalat kaya ayokong pagalitan na naman niya ako.

"Lianna Rose "- rinig kong sigaw ni Marcus sa Pangalan ko .

Nataranta naman akong naglakad paakyat sa kwarto namin .

"Marcus"- mahinahon kong tawag sa pangalan niya.

*slap*

"Walang hiya ka talaga, anu ba ang silbi mo hah! Bakit di mo ko ginising at hinayang matulog na lang hah ! Alamu bang marami akong trabaho ngayon ."- sigaw niya sakin .

Napahawak ako sa pisngi kong sinampal niya.

"Umuwi kang lasing kaya hindi na kita ginising pa. "- paliwanag ko rito.

"Shut up ! Wala kang pakialam kong umuwi akong lasing, wag na wag mo kong pakikialaman Lianna dahil asawa lang kita sa papel. Don't over acting here, dahil hindi kita mahal ."- giit niya sakin .

Hinila niya ang braso ko at pati na rin ang buhok ko hinila rin niya.

"Marcus, masakit na !"- giit ko rito.

"Masakit ahh"- hinila pa niya ang buhok ko ng mas masakit.

Wala akong magawa kung hindi ang umiyak na lang .
Palagi naman ganito eh! Simula ng kinasal kami lagi na niya akong sinasaktan eh.

"Mas masakit pa rito ang nararamdam ko . Dahil sayo sirang-sira na ako "- panunumbat niya.

Tinulak niya lang ako at napaupo na lang ako dahil sa sakit ng ginawa niya sakin .

Sinara lang niya ng padabog ang pinto saka lumabas.

Ang sarap mangarap na Mahal ka ng isang Marcus Dela Cerna pero sa ngayon hanggang pangarap na lang ako.

Ayokong iwan siya na ganito pa siya, na sirang-sira pa siya. Pero hindi ko alam kung kailan siya magbabago. Mahal ko siya kaya handa akong magtiis para sa kanya . Pero hanggang kailan ako mag titiis sa lahat ng ginagawa niyang pananakit sakin . Kailan niya ako mapapansin. O kaya kailan niya ako mamahalin, napaka-swerte talaga ni Nicole dahil mahal na mahal siya ni Marcus.

-

"Lianna Rose Reyes Dela Cerna"- napalingon ako sa kaibigan kong Loka-Loka.

"Miracle Izzah Ramos"- bigkas ko sa buong pangalan niya.

Natatawa naman siyang lumapit sakin.

Nandito kasi kami sa Miracle Place :) pag aari ng pamilya niya . Dito kasi kami madalas mag kita.

"Sinaktan ka na naman niya?"- pagtatanung niya sakin .

Hindi na ako sumagot dahil alam kung kahit idinay ko pa ehh , hindi rin siya maniniwala sakin .

Si Izzah kasi ang tipong kaibigan na maaasahan mo . Kahit Loka-loka ito minsan pero mahal ko naman siya eh ! Bestfriends Forever kami :)

"So anu naman ba ang ginawa sayo ng mabait mong asawa hah"- pagtatanung niya sakin .

Busy itong kinakain ang FrenchFries niyang pagkain. Magandang matakaw sa pagkain di naman tumataba eh .

"Wala nagalit lang siya dahil di ko siya ginising kanina"- tipid kong sagot rito.

Halo-halo ang pinakuha ko kay Izzah kasi naman paborito ko talaga ang Halo-halo nila dito eh! Ang sarap nawawala ang sakit ng nararamdaman ko kapag nakakakain ako nito .

"Tapos sinaktan kana agad tsk.! Bakit di mo kasi iwan ang walang hiyang lalaking yan. "- ani ni Izzah .

"Mahal ko siya Izzah"- tipid kong sagot rito.

"Putang inang pagmamahal yan Nana"- Sigaw niya sakin .

Napalingon naman sa amin ang mga tao rito sa loob.

"Izzah, dahan-dahan nga "- saway ko rito .

"Letching pagmamahal yan Nana, ikaw lang yung nagmamahal pero siya iba naman ang mahal , edi Wow! Ikaw na Bestfriend "- kunwaring natutuwa siya sa sinabi niya sakin .

"Hindi ko kaya Izzah"- ani ko rito .

*smirk* "ewan ko sayo Nana, napaka---- mO talaga"- inis na inis niyang bulyaw sakin .

Naiintindihan ko siya, mahal ako ni Izzah kaya ayaw niya akong nasasaktan ng iba. Pero mahal ko si Marcus kahit sinasaktan niya ako wala akong pakialam.

"Alam ba ito ng Nanay Lorna mo Nana"- tanung niya sakin .

Umiling-iling na lang ako.

"Izzah , promise mo na hindi mo sasabihin kay Nanay ang tungkol dito hah!"- paki-usap ko rito.

"Sige"- naiilang na sagot ni Izzah .

-

Nag kwentohan lang kami ni Izzah . Pero nag paalam naman din ako rito agad na uuwi na dahil baka maunang dumating si Marcus at magalit na naman yun dahil umalis ako ng bahay.

Ayokong sinusuway siya para walang problema sa aming dalawa. Kahit na sinasaktan niya ako ay hindi ako nagtatanim ng sama ng Loob rito . Ayokong magalit sa kanya. Naiintindihan ko siya kung bakit niya ako sinisisi .

Im Just His Wife .

Asawa lang niya ako pero Hindi niya ako mahal. Ang saklap pakinggan mula sakanya. Maraming naiinggit sa akin dahil isa na akong Dela Cerna at ang Swerte ko pa kay Marcus.

Damn it.

Ang sarap isigaw sa pagmumukha nila na hindi ako maswerte at kailan man hindi ako masaya sa piling ni Marcus . Mahal ko siya pero Hindi niya ako Mahal .

-

***

Im Just His Wife ( Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon