Lianna Rose Pov.
Hindi kami natuloy sa Mall dahil tumawag si Mama Melody sa amin at pinapapunta kami sa mansyon ni Lolo Marco.
Pareho naming di alam kung anong rason kung bakit kami pinapapunta roon.
Tanaw ko na ang mansyon ni Lolo Marco. Naalala ko tuloy si Nanay noong panahon na dito pa kami noon nakatira. Hahay :(
Paghinto ng sasakyan ni Marcus sa harap ng main door ng mansyon ay una siyang bumaba at pinag buksan niya ako.
Binigay nalang ni Marcus sa isang katiwala rito na lalaki ang susi ng kanyang sasakyan upang ito na ang pumarada sa garahe ng mansyon.
"Thank you."- wika ko rito ng maka baba na ako sa sasakyan niya.
Ngumiti lang siya sakin.
"Im nervous..."- ani ko rito.
Nilingon naman ako ni Marcus na naka-kunot ang noo.
"Ehh, kinakabahan ako."- ulit kong sabi rito.
"Relax okay, im here."- pag-aalo nito sakin.
Exhale ! INHALE !
Patuloy lang kami sa paglalakad papasok sa loob ng mansyon.
"Hi Kuya Jacob ! Hi Ate Lianna."- bati sa amin ni Mika.
Lumapit rin sa amin ang tatlo.
Si Nikki, si Marie at si Paula.
Agaw atensyon na naman si Paula dahil napaka-taray na naman ito kung maka tingin sakin.
Ano ba kasi ang problema nitong isa sakin huh? May utang ba ako rito.
"Oh! Nandito pala ang mga prinsesa huh!"- ani ni Marcus sa kanila.
"Sympre naman."- sabay-sabay nilang sabi at ngumiti sa amin maliban lang kay Paula.
"Where's Lolo."- tanong ni Marcus sa kanila.
"Nasa room pa nito, nagbibihis."- sagot ni Nikki.
Hinahanap ng mga mata ko si Dianne.
Saan kaya ito?
"Let's go."- aya sakin ni Marcus.
Tumango lang ako rito.
"Ate Lianna, napaka-blooming mo huh!"- puri ni Marie sakin.
"Huh? Di naman."- tanggi ko rito.
"Gumaganda ka at tumaba ng konti ate."- ani na naman ni Nikki.
Nasa sala na kami at si Marcus ay ewan may tumawag at importante raw kaya hinayaan ko ng sagutin ito.
"Diko napapansin."- ngiti kong sagot sa kanila.
Di naman ako malakas kumain ah!
Bakit tumaba raw ako ng konti?
"Nandito ba si Dianne?"- tanong ko sa kanila.
"Hmmm, papunta na raw siya."- sagot ni Mika sakin.
Nilingon naman namin siya.
"Ka text ko siya ngayon."- sagot ulit sa amin.
Tumango lang kami rito.
"Soo, ate kumusta na kayo, it's been 5months noong nasa bohol pa tayo huling nagkita."- tanong ni Nikki sakin.
"Okay naman, ang daming nangyari but stay strong."- sagot ko rito.
Tumango-tango lang naman sila.
BINABASA MO ANG
Im Just His Wife ( Completed)
Romance"wag na wag mo akong pakikialaman sa kung anong gusto kong gawin dahil asawa lang kita " "yan lagi ang sinisigaw sakin ng asawa ko . "sawang-sawa na ako sa kakasigaw niya sakin , pero hindi ko siya magawang iwan . pero hanggang kailan ako mananatil...