CHAPTER 51

74 1 0
                                    


Next subject na rin namin, kaya nagsilabasan na rin kami papunta sa room kung saan ang susunod na klase.

“ I didn't expect na dito kayo magaaral ”biglang saad ni Cris Jan dito sa mga kaibigan niya. Habang naglalakad sila  magbarkada.

“ Oo nga eh, muntikan nga din na di kami payagan ng parents namin dahil may kalayuan sa amin ang school nato." sagot ni Shane  Rey.

“ Buti na kang napakiusapan namin, saka wag lang raw maging pasaway kundi lilipat kami ng school.” dugtong pa ni Shawn Roy.

“ Akala ko nga kanina ako lang mag isa wala akong kausap. Dahil ang tagal dumating ni Mikaela.” hayag ni Cris Jan dito sa mga kaibigan niya.

“ Eh paano kasi itong tatlong to, pinuntahan ako sa apartment ko. Gusto nilang surpresahin ka kaya late kami ng konti. ” Mikaela reasoned out.

” Kaya pala ang tagal niyo, ” iyon na lang  ang tanging nasabi ni Cris Jan.
“ Guys, bilisan na natin baka malate na naman tayo, unang klase pa naman natin. " Sabat ni Dwen Dale.

Pagkarating namin sa loob ng silid aralan, wala pa iyong professor namin. Tanging mga studyante lang ang meron sa loob. Kaya pumasok na rin kaming magkaibigan. Sa likurang bahagi ang napili  namin na umupo. Dahil di naman kami masyadong umuupo sa harapan. Ayaw namin na magbarkada mapansin agad ng guro. Dahil medyo maiingay talaga ang mga kaibigan ko.

Since wala ang professor namin tamang kwentuhan lang tungkol sa pakiusap nila sa mga parents nila. Kung bakit gusto nilang mag aral sa pinapasukan kong paaralan, kung tutuusin isang prestigious school ang Apollo. Iyon nga lang ang bigat sa bulsa lalo na kapag walang pera.

Mayamaya, biglang tumahimik ang studyante sa pagiingay dahil  andiyan na pala ang guro namin. Nakayuko siya ngayon parang may hinahanap sa kanyang dalang gamit. Habang tinitingnan ko ito, parang ang familiar niya sa akin. Di ko lang maalala kung saan iyon, basta ang alam ko na nakita ko na siya nakalimutan ko lang kung saan.

“ Goodmorning class. " bati niya sa amin, andon ang lamig ng boses niya parang yelo. Parang may hinahanap siya ,parang iniisa isa niya ang mga studyante.
Hanggang sa magtagpo ang mga mata namin, hindi ko alam baka namamalikmata lang ba  ako or totoo ang nakikita ko na ngumiti siya.  Napailing ako bakit siya ganon, ang weird naman,bakit siya ngumiti habang sa akin nakatingin.
“ Goodmorning Miss." sagot ng mga studyante.

“ Hey, parang may gusto  ata si Miss Professor sa iyo ah." bulong ni Dwen Dale sa akin.
“ Dale, Ang isssue mo naman sa guro natin." sagot ko sa kanya.
“ Eh, kasi kanina ang dilim ng awra niya, nong napansin kong nakita ka niya. Naging masaya na rin naman siya. ” saad  ni Dale sa kanya.
“ Di naman seguro ganon sa iniisip mo. ” sagot pa  sa ibang  kaibigan niya.
“ Pwede rin." sagot ni Dale kaya binatukan na rin ito ni Cris Jan.
“ Aray naman CJ ,masakit iyon ah.” ungot ni Dale.

Mabuti na lang din di nakita ng guro nila na nagsusulat ng pangalan niya sa board.

“ Goodmorning again class, my name is Lorraine Lopez, Im your adviser at the same time one of  your major subject teacher. " wika ni Miss Lorraine.
“ Since, a few are already know me  and some of you are not. I want everyone introduce yourself here in front. " saad ng guro namin.

Nagsimula na ring magpakilala ang bawat isa simula sa kanilang linya. Hanggang napunta na sa akin at tumayo na ako at nagpakilala na sa lahat. Bago pa man ako makaalis sa harapan, ramdam ko pa ang titig ng guro sa akin.

Though, familiar siya di ko lang alam kung saan ko siya nakita. Umiling na lang din ako, baka imahinasyon ko lang iyon.

Bago pa man ako makaalis sa harapan ramdam ko ang pagdampi ng kalingkingan namin ni Miss Lopez. Dahil tumayo siya pumunta siya sa harapan mismo sa tabi ko.

Umalis na rin ako sa harapan saka bumalik sa inuupuan ko. Ang weird lang ng feeling ko, ba't ko to naramdaman parang may kakaiba akong naramdaman.Same feeling when I'm holding Monica's hand.

“  I don't like her, only Monica. I dream to be my wife." sa isip ko, saka napapangiti na lang din ako sa naiisip ko.
“ Hey, you looks so weird , your smiling without reason." Mikaela commented.
“ No, I have reason. " tanging sagot ko naman sa kanya.
“ Hmm, really?" pag alinlangan niya sa aking sagot.
“ Yes, I remember Monica, I miss her." tanging sagot ko sa kanila.
“ Iyan lumabas rin, " ngiting nakaloko.
“ Kaya pala, ang tamis ng ngiti mo, parang abot tenga." tukso pa ni Shawn Roy sa akin.
“ Kaya pala iyan ang  naging reaksiyon mo diyan." dugtong ng kambal niya na si Shane Rey.

“ Sssh!! quiet na baka marinig tayo ni Miss Lopez" saway ko sa kanila.

Nagsimula na ring magsalita sa harapan si Miss Lopez tungkol sa subject namin, sa talakayin namin.
Pero pansin ko na pasimpleng tumitingin siya sa gawi namin. O baka ako lang ang nag iisip nito seguro nga nagkataon lang sa isip ko. Benalewala ko na lang ang pagsulyap niya sa amin habang nagsasalita sa harapan. Hanggang matapos na rin ang aming klase.

Di ko na lang pinansin ang guro namin na ngayon ay nakatingin sa aming grupo.Umakbay ako kay Dwen Dale,dahil malapit siya sa akin, parang nangangalay din kasi ang mga braso ko.
“ Woah, ang sweet niyo para kayong mag jowa." komento ni Mikaela.
“ Talaga ba." sarkastikong wika nilang dalawa.
“ Hey tahimik nga kayo, nakaka abala na tayo kay Miss eh." saway ni Shane Rey.

Umalis na nga kami pero bago paman kami umalis nagpaalam muna kami sa guro namin.
“ Bye, Miss." paalam naming lahat.
“ Hmm, can I talk to Miss Francisco for awhile." tunog na nagpapaalam sa mga kaibigan ko. Blangko rin ang isipan ko kung bakit niya ako Kakausapin kung wala naman akong atraso sa kanya saka kung magpapatulong naman siya sa mga gamit niya ang konti lang naman. Isang pouch lang naman,  record book at libro lang naman  ang dadalhin niya at sa dami ba naman namin ako talaga. Di naman sa nagrereklamo ako, sadyang nakapagtataka Lang naman.

“ Ok po Miss Lopez," sagot nila.
“ CJ, sa labas lang kami maghihintay." paalam ng mga kaibigan niya.
Tumango Lang din siya sa sinabi ng mga kaibigan niya.

PINIKOTWhere stories live. Discover now