CHAPTER 61

204 3 0
                                    


   Monday morning, maagang nagising si Cj para maghanda ng kanyang umagahan at sa pagpasok sa paaralan.
   
    Bago pa man, nag-iwan muna  siya ng message kay Monica. A Goodmorning message and goodluck to her day. Ganon rin sa pamilya niya, at lagi na ring nandon ang Daddy niya sa kanila. Kahit nagkabati na ang parents nito, kailangan pa rin naman na umuwi ang daddy nito  sa bahay ng Lola niya.
   
    Nagreply din naman ito sa kanya, tulad ng ginawa niya dito, at may pahalik na emoji.
   
    Kaya nag ayos na rin siya sa kanyang sarili. After niyang makapag ayos, kumain na rin siya. Pagkatapos niya, kinuha na rin niya ang kanyang mga gamit sa kwarto at saka umalis.
   
    Saktong paglabas niya sa gate, may dumaan na trycicle kaya pinara na rin niya ito. Pagdating niya sa school agad na pumunta siya sa kanilang room.  Nauna na pala ang mga kaibigan niya sa kanya.
   
“ Goodmorning, buddies." bungad na bati ni CJ.
  “ Masaya ang Cris Jan Francisco natin ah." bigkas ni Dwen Dale sa buong pangalan ni Cj.
   “ Yeah, obcourse. Well, we're complete family already, I already met my father and my brother." masayang hayag ni CJ.
  “ Gusto namin makilala ang papa at kuya mo." komento naman ni Shane Rey,
  “ Oo nga, when?" tanong naman ni Shawn Roy.
“ Maybe , pag wala tayong klase." sagot naman ni Cj dito.
  “ This weekend?" komento ni Mikaela.
“ Well, pwede rin." sagot naman ni Cj.
   
Dumating na rin ang professor nila sa unang subject nila.
   
  Tamang discuss lang ang ginawa at nagbigay lang din ng pagsususlit.
   
  After, ipinasa na rin sa  guro ang mga papel nila. Nagsilabasan na rin ang ibang mga studyante after nilang sagutan ang pagsusulit.
   
  Pumunta na rin sila sa susunod na klase, this time si Miss Lopez ang kanilang propesora.
   
    “ Hoy, alam niyo na ba kanina, si Miss Lopez wala raw sa mood."  wika ng isang studyante sa kasama niya.
    “ Baka may dalaw lang." sagot naman ng kasama niya.
   
    Saktong narinig ng magkaibigan..
   
“ For sure, may surprise quiz tayo ngayon. " komento ni Dwen Dale.
  “ Bakit mo naman nasabi iyan." tanong ni Shane Rey.
  “ Sabi nga nila ,terror daw  si Miss Lopez, mas lalong maging terror kapag wala sa mood." komento pa ni Shawn Roy.
    “ Saan ka naman nakarinig niyan ?." tanong ni CJ.
    “ Sa ibang studyante ,narinig ko lang naman don sa mga seniors." rason niya pa.
    “ Mabait naman si Ate kapag mabait ka rin sa kanya." komento pa ni Mikaela.
   
    Medyo natigilan ang mga kaibigan nito sa sinabi ni Mikaela.
  “ Ano sabi mo, ate?" tanong ni CJ.
    “ Oo nga, rinig na rinig namin." ayon naman kay Dwen Dale.
    “ Ano koneksiyon mo sa kanya?" tanong ni Shane Rey.
   “ Kapatid mo ba siya?" tanong naman ni Shawn Roy.
    “ Wait, isa- isa lang naman, yes ,magkakilala kami. She's my cousin, she like my older sister to me. She's kind person naman, and if you're kind her also." sagot naman niya.
  “ Well, pinsan mo naman siya pwede mo bang mapakiusapan na kung pwede wag siyang magalit." ani pa ni Dwen Dale.
   
   “ Di pwede malaman ng ibang students ang koneksiyon namin dalawa ,at isa pa, di ko naman siya mapipigilan sa mga gusto niya eh. Kahit pinsan pa kami, minsan moody iyan. Di ko na lang pinapansin dahil baka mag away kami. Medyo, posessive rin iyan at walang makapipigil sa mga gusto niya." paliwanag ni Mikaela sa kaibigan.
       
      Saktong pagdating ni Miss Lopez, wala nga ito sa mood.
   
   Ang sama ng tingin lalo na sa direksiyon nina Cj.
    “ Mika, ang sama naman makatingin ng pinsan mo sa akin. Parang kakainin niya ako ng buhay." bulong pa ni Cj dito.
“ As I've said, possessive siya at kung anong gusto niya iyon ang masusunod." sagot naman ni Mika.
  “ Well, anong koneksiyon sa akin, wala naman akong ginawa sa kanya." dugtong pa ni Cj.
  “ Aba, iwan ko diyan. Baka seguro nong nakaraang araw di ba ikaw iyong inutusan, tapos ako ang dumating." sagot naman ni Mika.
  “ Parang iyon lang?" ani pa ni Cj.
  “ Di ko alam, kung bakit ang sama ng tingin sa iyo." sagot naman ni Mika.
   
“ Di ko na lang titingnan, parang natutunaw ako sa mga titig niya." komento pa ni Cj dito.
“ Oo nga ,sama ng tingin sa iyo." sagot pa nito.
   
  “ Good morning, class." bati ni Miss Lopez dito.
  “ Goodmorning Miss Lopez," sabay tayo nila.
    Pagkatapos umupo na rin sila sa kani-kanilang upuan.
   
  “ Dahil may panibago tayong tatalakayin ngayon. Gusto ko muna magbigay ng short activity, just group yourself into five. " saad ni Miss Lopez.
   
Lima na rin naman sila, at sakto magkakatabi lang din naman sila ng upuan.
   
“ Are you ok with your group ,right now?." tanong ni Miss Lopez.
“ Yes, Miss." sagot nila dito.
   
Pero may isang babae na walang ka grupo.
   
“ Miss, pwede po ba akong sumali sa ibang grupo, ako na lang  kasi walang ka grupo." nahihiyang sabi niya pa.
“ Yeah, just find a group that you're comfortable with." sagot naman ni Miss Lopez.
   
Pumunta na nga ang babae sa ibang grupo pero di ito tinaggap dahil ok na raw sila na lima lang.
   
“ Miss, dito ka na lang sa amin." tawag ni Cj dito dahil naawa din sila sa babae na nereject sa ibang grupo.
Bigla umiba ang awra ni Miss Lopez, dahil nakita niya si Cj na nakangiti ng matamis sa babae.
   
Tuloy mas pinahirapan niya ang mga questions na itinatanong niya sa mga studyante. Lalo na sa grupo nina Cj at buti na lang din, matalino ang babae na kasama nila. Medyo nerd nga lang ang dating nito dahil may eyeglasses na gamit at medyo curly ang buhok, pero bagay naman sa kanya.
   
“ Ano pala name mo?"mahinang tanong ni Mikaela dito.
“ Im Shaira Dominguez,." pakilala niya sa sarili.
“ Ako naman si Mikaela." pakilala niya sa sarili.
“Cris Jan." saad pa ni Cj.
  “ Dwen Dale, " wika din nito.
   “ Shawn Roy , and this is my twin sister, Shane Rey." pakilala ni Roy sa kanyang sarili at sa kakambal niya.
  “ Hi" bati ni Shane Rey dito.
   
“ Ikinagagalak kong makilala kayong lahat." masayang bati niya dito.
“ Kami rin." sabay na sagot nila.
“ Pwede ka naman sumama sa amin kung gusto mo, napapansin ko rin na mag isa ka lang lagi." wika pa ni Cj ,narinig  pala ni Miss Lopez. Mas lalong madaming binigay sa kanila na sasagutan na questions.
   
“ Talaga ba?" di makapaniwalang tanong nito.
“ Yes" sagot ng mga kasamahan.
  “ Salamat." ngiting pasalamat niya dito.
   
“ Walang anuman iyon." sagot naman ni Mikaela.
   
    Nasagutan naman nila lahat dahil na rin sa kanilang pagtutulungan bawat isa.
   
  “ Just pass your paper in front." wika ni Miss Lopez. Pero masamang nakatingin kay Cj, dahil nakita niya itong nakangiti kay Shaira.
   
  Napansin rin ito ni Cj, di niya pinansin baka mapagalitan siya ng di oras. Nakayuko lang siya, para di magtagpo ang mga mata nila.
   
” I request Miss Francisco to come forward." ani Ni Miss Lopez.
Medyo kinabahan si Cj dahil sobrnag seryoso ni Miss Lopez nakatingin sa kanya.
   
Tumayo na rin siya, saka naglakad patungo sa harapan.
   
“ Gusto kong ikaw ang magsulat nito sa board, ang bagong tatalakayin natin." utos niya sabay bigay nito sa libro. May guide rin naman kung ano ang susulatin ni Cj, pero kung tutuusin pwede namang di na magsulat sa pisara dahil may projector naman, kompleto naman ang gamit. Sadyang gusto lang na pahirapan ni Miss Lopez si Cj dahil nagseselos ito sa kabaitan na ipinakita niya kay Shaira.
   
Well ,Shaira isa siyang magandang babae, dahil sa eyeglasses niya nagmumukha lang siyang nerd. Pero di naman siya mukhang mahirap dahil kung tutuusin may makinis na balat ito, atsaka maputi rin.
   
    TBC
   

PINIKOTWhere stories live. Discover now