CHAPTER 53

76 1 0
                                    

Katatapos lang ng klase namin ng biglang tumunog iyong phone ko.

Phone ringing....

Kaya kinuha ko ito sa bag ko, tiningnan kung sino ang tumawag si Mama lang pala.

Kaya sinagot ko na ang tawag niya baka importante, atsaka uuwi rin naman ako ngayon eh dahil weekend.
“ Hello Mama, " bungad ko sa kanya over the phone.
“ Anak, uuwi ka ngayon?, I already miss you. " sagot niya pa.
“ Opo Mama, katatapos lang din sa klase namin. Bakit po?" tanong ko dito kay Mama.
“ May importanteng sasabihin sana ako sa iyo, since uuwi ka naman dito sa bahay ngayon, dito ko na lang sasabihin sa iyo. " sagot Ni Mama sa kabilang linya.
“ Ok po Mama. ” sagot ko naman.
“ Gusto mo sunduin na lang kita, pauwi na rin naman ako ng bahay, or dederetso na ako diyan sa school niyo para agad kang makauwi ng bahay. " ani niya pa sa kabilang linya.
“ Wag na seguro Mama, magcocomute na lang ako alam kong pagod ka sa trabaho mo. " sagot ko dito.
“ Anak gusto ko rin na makita kita agad at gusto ko rin na ako susundo sa iyo noh, baka ikaw may girlfriend ka na agad diyan ah" biro ng Mama ko sa akin.
“ Mama naman eh, di pa ako sinasagot ng nililigawan ko eh kaya wala pa akong girlfriend." pagbibiro ko pa dito, pero totoo iyong sinabi ko na di pa talaga ako sinasagot ni Monica, andami na ring nangyari, we almost do what couple's do.

“ Ok fine." sagot niya “ Pero susunduin na kita diyan, malapit na ako sa apartment mo.” sagot niya through phone call.
“ Ok Mama, uuwi na ako agad, bye Mama love you." sagot sa kanya.
“ Love you too anak, sege maghihintay ako sa iyo sa apartment mo."sagot ng Mama ko.
“Oi, tinawagan ng Mama niya." tukso nila sa akin.
“ Bakit anong problema don, " balik sa kanila.
“ Baka kasi raw nagnonobya ka na dito kaya gustong ma check ni Tita." biro pa nila sa akin.
“ Hoy, di ako ganon noh." laban ko dito.
“ Mikaela, Hihingi sana ako ng pabor sa iyo , kung pwede lang sana, ikaw na lang muna ang pupunta kay Miss Lopez, malapit na kasi si Mama sa apartment eh, susunduin kasi niya ako. Ikaw di ka naman uuwi sa inyo, pwede ikaw ang pumunta kay Miss Lopez." hinging pabor ko sa kanya.
“ Yeah, sure sabihin ko na lang kay Miss Lopez na uuwi ka pa sa inyo, saka naghihintay na rin iyong mother mo. " sagot niya pa.
“ Salamat talaga Mika." pasalamat ko sa kanya.
“ Kayo ba, uuwi rin ba kayo sa inyo? ” tanong ko sa ibang kaibigan ko.
“ No" sagot ng kambal.
“ Oo, uuwi rin ako dahil may family gathering kasi kami bukas ,I need to be there too. " sagot naman ni Dwen Dale.
“ Sige, mauna na ako sa inyo." paalam ko sa kanila.
“ Mika salamat din, paki sabi na lang kay Miss Lorraine Lopez kailangan ko ng umuwi dahil naghihintay Iyong mama ko. " pahabol ko pa sa kanya.

Meanwhile...

Lorraine's Pov

Ba't ang tagal naman non ng bubwit na iyon kanina pa tapos ang klase niya ah, sa isipan ko.  May ipapagawa pa ako sa kanya.

Hinubad ko iyong longsleeve ko tanging sleeveless lang ang naiwan, fitted sleeveless ang suot ko ngayon medyo kita iyong itaas na parte ng dibdib ko.  Actually, sinadya ko talaga na magsuot ng ganito lalo  na kami na lang din dalawa ni Miss Francisco.

Tiningnan ko iyong wristwatch ko, ba't ang tagal sabi ko sa kanya after class andito na siya.

Umupo muna ako sa swivel chair, habang tinitingnan ko iyong papers na ipapagawa ko kay Miss Francisco.

Honestly, kaya ko naman to gawin pero gumagawa lang talaga ako ng paraan upang ma solo ko siya, lagi kasing nakabuntot ang mga kaibigan niya sa kanya. Andon pa talaga iyong pinsan kong makulit.

Bakit ang tagal inip na inip na ako sa kakahintay sa kanya reklamo ko sa sarili ko.
At may kumatok sa pintuan, kaya inayos ko ang aking sarili.
“ Pasok. " saad ko.
Kunwari busy ako sa pagtitipa sa laptop ko. Di ko muna tiningnan ang kakapasok lang sa opisina ko.
Hanggang sa magsalita na ito.
“ Hi ate, nakisuyo pala sa akin si CJ na ako na lang ang pupunta rito dahil naghihintay na sa kanya si Tita sa apartment niya. " bakit ka boses ng pinsan ko, pag  angat ko ng tingin dito ang nakangiting pinsan ang bumungad sa akin.
“ Ate parang ang sexy mo ata ngayon ah, parang may pinaghandaan, konti na lang lalabas na iyan. " sabay nguso niya sa dibdib ko.

“ Naiinitan kasi ako kaya hinubad ko iyong longsleeve ko." pagsisinungaling ko pa.
“ Really ate, ang ginaw na nga rito sa loob ng office mo eh, hello, aircon kaya to ate. " laban niya pa.
“ Tulungan mo na lang kaya ako rito," sabay turo sa mga papel sa ibabaw ng mesa ko.
“ Andami niyan ate ah, kung si CJ ang pupunta dito at gagawa niyan, for sure gagabihin siya ng uwi sa kanila. " sagot naman ng makulit kong pinsan si Mikaela.

Nawalan ako ng gana bigla dahil ang inasahan kong pupunta si Francisco, pero ang dumating pinsan kung makulit si Mikaela.

“ O ate bakit ganyan ang mukha mo makatingin sa akin, akala mo si CJ noh, sorry ka na lang dahil andiyan iyong Mom niya. " pang aasar niya pa sa akin . “ You know what ate, kanina ko pa napapansin, ay hindi whole week pala napapansin na panay titig mo sa kaibigan ko ah. Do you like her, do you? ” pangungulit niya pa sa akin.

“ Please stop talking Mikay, Just check all the papers , may gagawin pa ako. Here the answer sheets, dont dare to cheat your answer in your paper. " I warned her.
“ Ok fine, pero may tanong lang ako sa iyo ate, bakit sa dinami dami ng mga studyante bakit si CJ ang gusto mong utusan na gumawa ng mga ito na pwede mo naman akong utusan basta libre mo lang ako ng pagkain. ” wika niya pa.
“ Dahil makulit ka Mikay, andami mong tanong saka ang ingay mo. " pagsusungit ko sa kanya.
“ Yon lang ba talaga, ba't ang sexy mo ate, baka kabagan ka niyan ikaw din." sagot niya pa sa akin.

To be continued......

PINIKOTWhere stories live. Discover now