CHAPTER 66

134 3 0
                                    


Lorraine's Pov
   
   
    Napapansin ko na iniiwasan ako ni CJ, sa tuwing nalalapit ako sa kanya. Di ko lang maintindihan kung bakit ang manhid niya, pagdating sa akin. Maganda naman ako ah, marami namang mga lalaki ang may gusto sa akin. Pero bakit sa katulad ko pa na babae  ako nagkagusto. Kaso nga lang may ibang gusto rin, di nga lang ako.
   
    Balang araw Francisco mapapasaakin ka rin, kapag darating ang araw na iyon di ka na makakawala sa akin.
   
  Nasa paaralan ako ngayon, wala ako sa mood. It's because I accidentally saw the picture of Francisco together with her so called girlfriend...Di ko alam bakit hate ko siya. Seguro ang pinakamamahal kong tao nasa kanya ang buong attention.  Maybe, Im jealous of her because she's with Francisco.
   
   
Iwan ko ba, parang naramdaman na rin yata ni Cj ang pagpaparamdam ko sa kanya.
Dahil iniiwasan na niya ako, ni kahit pagtingin sa akin di na niya ginagawa. Nong dati tumitingin pa siya sa akin, pero ngayon mailap na siya kung tumingin.
   
    Dāmn this woman... makukuha rin kita. Ang tagal din kasing gumalaw ang isang yon, akala mo ayaw na sa kanyang babae. Patay na patay pa rin pala. May kasunduan kasi kami na wala dapat masasaktan sa dalawa kung hindi magkakasakitan na.
   
I love my Francisco, di ko alam kung bakit na inlove ako dito na di man lang ako mabigyan ng pagkakataon na makasama ng mga ilang oras. Iyong walang abala sa aming dalawa.
   
Sa mga nagdaang araw nahahalata ko sa kanya  na iniiwasan niya ako. Iwasan mo ko ngayon pero darating iyong araw ako rin ang makakasama mo.
   
Wag mo kong masubukan Francisco iba ako kapag gustong gusto ko makuha makukuha ko talaga.
   
   
Kasalukuyang nasa office ako ngayon, nagchecheck sa mga  quizzes ng mga students. Napaisip ako kung ipapatawag ko si Francisco  para makasama ko siya. Pero ang selfish ko naman non , knowing may klase pa siya this time. Later na lang seguro, iyong time ko na para naman may rason talaga ako.
   
   
Nag bell na rin hudyat, na time ko naman sa kanila. Makikita ko naman ang aking Francisco. Di ko alam kung bakit nasa hulihan lagi umuupo lalo na pag ako ang guro.
   
Nakakairita lang minsan dahil iyong matatamis na ngiti niya di niya maibibigay sa akin. Pero don sa mahaliparot na babae na yon.  Titiklop ang isang Francisco, na akala mo mamahaling bagay.
   
Humanda ka sa akin mamaya, Francisco.
Nasa tapat na ako ng pintuan, nakita ko siya at mga kaibigan niya nasa hulihan pa rin  nakaupo.
She look handsome in her clothing right now.

Mamaya ka sa akin, bata ka. Napangiti na lang din ako sa aking iniisip. 
   
“Goodmorning students." bati ko sa kanila. Nakita ko naman na tumayo na ang mga studyante para batiin rin ako.
   
Nakita ko ang pagtingin niya sa akin, walang bakas na emosyon ang makikita mo dito.  Mamaya ka sa akin, alam kong  vacant time niyo. Pwes mapag utusan nga , tingnan natin kong makakapalag ka pa ba.
   
Nagdiscuss lang naman ako ng konti, saka nagbigay na rin ng  short quiz saka assignment para sa next naman namin na  klase.
   
Medyo madami akong kailangan tapusin na paperworks.  Kaya magpapatulong ako, actually nandito naman sana iyong pinsan ko pero ayoko siyang makasama dahil makulit at palatanong.
  
Pagkatapos ng klase namin, she's about to leave kaya tinawag ko na, dahil studyante nga siya wala siyang magagawa kundi sumunod sa akin.
   
“ Ano po pala ang ipaguutos niyo sa akin , Miss Lopez.? " magalang na tanong ni Francisco sa akin.
Tanong niya sa akin ng papalapit na kami sa pintuan ng opisina ko.
“ Magpapatulong ako sa pagcheck sa mga quizzes ng mga students.  Wag kang mag alala, libre kita ng meryenda." masayang saad ko sa kanya.
   
“ Ok Miss, nasaan na iyong mga ipapacheck mo po na mga quiz " tanging sagot niya.
“ Please cut that "po"  Miss na lang itawag mo sa akin or Lorraine na lang kung tayong dalawa lang.”
“ Ok, Miss. " sagot sa akin ni Cj.
   
Binigay ko na rin sa kanya ang mga papers na kailangan niyang eh check.. Ako naman nagpadeliver na rin ako ng pagkain naming dalawa. Nagsimula na nga pala siya magcheck ng mga quizzes, may sofa at may table naman kaya comfortable lang siya sa ginagawa niya.
   
Ako naman nakaupo sa swivel chair habang  ginagawa ko rin iyong paperwork's..  Sinadya ko na hubarin ko iyong  longsleeve ko , para makita niya iyong alam niyo na. Iyong sexy body ko, alam kong bibigay din siya, kung may ginagawa ka lang din.
   
Ramdam ko rin naman na may epekto din sa kanya kahit konti, ramdam ko rin yon.  Dahil napapatingin siya minsan sa akin, napapasulyap din siya sa aking harapan. Alam ko naiilang din siya sa akin,  tahimik niya lang ginagawa ang ipinapagawa ko sa kanya.
   
”Miss Francisco, do you have a boyfriend? " tanong ko sa kanya, alam ko naman na into girls siya eh. Kinukuha ko lang iyong atensiyon niya dahil ang tahimik niya kasi sa akin. Alam ko rin naman na kapag iyong girlfriend ang kasama ang ingay niya.
“ Wala po ,Miss. Girlfriend meron. " deretsahan niyang sagot sa akin, medyo na nasaktan ako sa part na iyon. Well, wala akong magagawa  dahil girlfriend niya iyon, ayoko rin na  malaman niya na may binabalak pala ako sa kanya or should I say pagnananasa, kidding aside. 
   
“ Woah, really." kunyaring masaya ako para sa kanila pero sa kaloob- looban ko nasasaktan ako.
   
May kumatok sa pintuan, tatayo na sana siya ng pigilan ko. Kaya ako na ang nagbukas ng pintuan, bago ko  binuksan iyong pintuan isinuot ko muli iyong longsleeve ko.  Dahil nakasleeveless lang ako, for Francisco only lang iyon.
   
Dumating na iyong order na pagkain para sa amin kaya ni lock ko na ang pintuan after kung mabayaran iyong delivery boy.
   
“ Francisco, itigil mo muna iyan. Kain muna tayo. " nilapag ko na iyong pagkain sa table , sa kanyang kinaroroonan. 
   
“  By the way, kumusta na pala kayo ng girlfriend mo? " sabay abot ko ng pagkain sa kanya dahil di niya kasi ginagalaw. Tinanggap niya rin naman ito sabay kagat ng burger.
   
“ Hmm, mabuti na man Miss. " pormal na saad niya.
   
“ Ilang months na kayo? " tanong ko ulit..
   
“ One month." tipid niyang sagot.
   
“ Bago lang pala kayo." gulat kong saad.
   
“ Yeah, pero matagal na kaming magkakilala bago kami magkarelasyon." sabay kagat niya ng burger at inom ng softdrinks.
   
Naalala ko tuloy iyong una ko silang na encounter, if Im not mistaken iyong sa hotel. May party akong dinaluhan, at may napansin akong something sa kanilang dalawa.
   
   
  To be continued......

PINIKOTWhere stories live. Discover now