Cj's POV
One month later....One month na rin kami ni Monica. I just want to surprise her, kaya naghanda ako para sa date namin, well, nakasupportive naman ng parents ko sa amin.
Binigyan nila ako ng money for us, sa date namin ng nobya ko. Andito nga pala ako sa tapat ng bahay nila. Para sunduin ko siya, para sa gala naming dalawa.
Sobrang excited ko na magcelebrate sa unang buwan ng aming pagmamahalan. Iyong legal kaming dalawa sa both families. Atsaka naka supportive pa sa amin.
May kaba rin akong naramdaman ngayon, iwan ko or feeling ko lang ba. Basta, kanina habang bumabyahe ako papunta dito sa kanila Monica may parang nakasunod sa akin na itim na kotse.
Ayokong maging bad vibes dahil monthsarry namin dalawa. Nakita ko na ang girlfriend ko na sobrang ganda sa suot niyang pants, terno kami. Iyong couple na damit at pants na binili namin ang suot namin ngayon. Nakajacket kami pareho, kompleto rekados ikanga. Nakapag paalam na rin pala kami sa lola niya.
Sinuotan ko na rin siya ng helmet, match rin sa suot namin ngayon, which is color black.
Nasa kalagitnaan pa nga kami ng byahe, may nakita ako sa side mirror ko na may sumusunod na sasakyan. Same sa sumusunod kanina sa akin, itim na kotse. Ang problema, tinted iyong sasakyan di ko makita ang nasa loob.
“ May Problema ba, Babe? " tanong ni Monica.
“ Wala naman, pero kanina ko pa kasi napapansin na sunod ng sunod iyang sasakyang itim kanina pa . Iyong papunta pa lang ako sa inyo, hanggang ngayon." sagot ko dito nakapukos pa rin sa pagmamaneho.
“ Baka nagkakamali ka lang Babe, parang hihinto na rin naman iyong sasakyan sa may Drive Thru. " sagot ng girlfriend ko.“ Baka nga, seguro mali lang ako. Pareho kasing itim na sasakyan." tanging sagot ko na lang. " ayoko rin na matakot ang girlfriend ko.
Iba pa rin ang pakiramdam ko don sa sasakyan na yon. Di ako nagkakamali yon yong buntot na buntot sa akin kanina pa.
Lumiko ako ng daan, ramdam ko pa rin kasi nakasunod iyong sasakyan sa amin.
Buti na lang di nagtanong ang girlfriend ko. Parang nagjojoyrides kaming dalawa, pero nanatili pa rin iyong kaba at takot ko doon sa itim na kotse nakasunod sa amin kanina.
Nawala na rin namin siya dahil don kami dumaan sa matataong lugar kung saan di kami masusundan agad-agad.
Di ko alam kung anong gusto ng nasa loob ng sasakyan na iyon sa amin. Sa pagkakaalam ko wala naman akong nakalaban saka, bakit naman ako susundan ng isang yon. Mukhang mayaman naman iyon at wala silang mapapala sa akin dahil di ako mayaman.
Nakarating na rin kami sa aming paroroonan ng nobya ko. Wala kaming inaksayang panahon, nilibot namin ang buong lugar kung saan dinarayo ng mga turista. Isang tourist spot sa lugar namin, which is two hours ang biyahe from my girlfriend's house. Pero kung sa amin, it takes two hours and half dahil medyo malayo layo iyong sa amin compare sa kanjla. Lalo na maraming pasikotsikot na daan sa amin.
Umabot kami ng hapon sa aming date ng nobya ko.
Well honestly, nag enjoy talaga ako kasama siya. Iyong babaeng inaayawan ko dati ngayon, ito na kasama ko na ngayon na ayaw ko ng malayo sa akin.
Hinatid ko na pala siya sa kanila bago ako umuwi sa amin. Pero ng nasa kagitnaan na ako ng daan tila bay may sumusunod sa akin, na iwan di ko maintindihan.
Tiningnan ko rin sa side mirror ng motor ko, may nakasunod nga na sasakyan.
Kinakabahan ako ba't lagi may nakabuntot sa akin na sasakyan, kaya pinaharurot ko na rin iyong motor ko. Lumihis muna ako ng daan para man lang iligaw iyong nakabuntot sa akin.
Masaya ako na nailigaw ko iyong nakasunod sa akin, nawala ng konti iyong kaba at takot ko.
Parang piling ko tuloy, malapit na iyong katapusan ko. Ni wala naman akong na nakaaway o may galit sa akin.
Winaksi ko na lang sa isip ko, baka guni-guni ko lang dahil seguro busy lang sa school kaya ganito ako mag isip. Pagkarating ko ng bahay walang tao dahil nasa work silang dalawa ni Mom at Dad, si kuya naman pinatawag ng lola kong hilaw. Iyon ang laman ng messages, nagtext pala si Mom sa akin. Kaya ako lang mag isa ngayon sa bahay. Uuwi sila gabi pa, kaya naglinis muna ako sa labas ng bahay.
Pagkatapos kung maglinis sa labas , pumasok na rin ako ng bahay para makapag luto na rin ng hapunan. Dahil gumagabi na rin kasi, baka uuwi na sila Mom.
After kung magsaing naggayat na ako ng mga sangkap na aking lulutuin.
Mga ilang minuto lang din ang lumipas, may sasakyan na dumating. Bigla akong natakot, pero kalaunan nawala rin ng makita ko sa labas kung sino dumating, si kuya lang pala. Di kasi familiar iyong tunog ng sasakyan, dahil iba palang sasakyan ang dala ng kuya.
Pinagbuksan ko na rin ng Gate si kuya, I thought siya lang mag isa. Hanggang sa may bumaba na rin na matandang babae. Hala sino naman tong matandang babae, sa isip ko, pero di naman masyadong matanda mga nasa 70's na malapit na rin sa 80's, saka di halata dahil parang nasa 60's kung gumalaw.
“ Kuya may kasama ka pala. " bungad ko sa kanya.
“ Yes , bunso." masayang bati sa kanya.
Tiningnan ako ng matanda, mula ulo hanggang paa. Parang sinisiyasat niya pa ako kung anong meron ako , parang nakakaintimidate siya kung makatingin sa akin.
“ Magandang hapon po, Madam. " ngiting bati ko sa kanya, pero sa totoo naiilang ako sa matanda na kasama ng kuya dahil para siyang kontrabida na mga byenan sa pelikula.
“ Grandma, don't scare may sister. " saway ng kuya sa matanda, sa isip ko, siya pala ang lola namin, well, maganda siya halatang mayaman dahil sa kutis palang nito.
“ Pasok ho kayo, kuya maiwan ko muna kayo, baka naluto na iyong sinaing ko. " paalam ko muna sa kanila.
“ Sege bunso, susunod na kami." sagot naman ng kuya.
Agad akong pumunta sa kusina, naluto na nga iyong sinaing ko.
Agad akong naglagay ng kawali sa stove , naglagay na rin ako ng mantika, iyong medyo mainit na. Sinunod ko na iyong mga rekados, after mga sangkap na rin .
Di ko alam na nakatingin pala sa akin iyong matanda na kasama ng kuya ko sa akin. Parang inaaral niya ang buong kilos ko. Napansin ko sa aking peripheral vision na tumayo siya, naglakad siya sa gawi ko. Ako naman busy sa ginagawa ko baka kasi, di ko magawa ng maayos nakakahiya naman. Ayokong magsayang ng pagkain.
“ Iha." tawag pansin niya sa akin.
“ Yes po, Madam." magalang kong saad sa kanya. Bakit siya iniwanan ng kuya mag isa doon, na di ko naman to kilala, sa isip ko. Naluto na rin ang ulam na niluluto ko, which is adobong manok at pritong bangus lang naman.
“ Wag mo na akong tawaging Madam dahil Apo kita, Mamita na lang, ako pala ang mother ng Daddy mo. Im Savannah Christianna Alvarez." nakangiti na siya ngayon, parang tingin ko mas maganda sa kanya iyong nakangiti. Di iyong sobrang seryoso, dahil nakakatakot lalo kapag naging employee ka niya parang every minute or hour , matatanggal ka sa trabaho. Magpakilala na sana ako, kaso inunahan na niya ako.
“ Your my granddaughter, Cris Jan Francisco soon to be Alvarez." nabigla ako sa sinabi ng matanda. Honestly, di ko alam kung anong maramdaman ko. Wala akong masabi kaya tinanong ko na lang siya.
“ Nauuhaw po ba kayo, or nagugutom. Tika lang ipaghahanda ko po kayo." akma na sana akong pupunta sa fridge para kunan ng maiinom at makakain.
“ No,gusto ko lang na makilala kita, saka nakita ko kasi na sobrang busy mo. Ano ba iyang niluluto mo?."masayang saad niya. “ Naaamoy ko kasi don sa sala ang bango ng niluluto mo." dugtong niya pa.
” Ahh, adobong manok po, saka pritong bangus." sagot ko naman.
“ Pwede ko bang tikman ang niluto mo?." tanong niya.
“ Oo naman po, pero di ko alam kung pasado ba sa panlasa niyo po. Di naman ganon kagaling magluto ng ulam, sinubukan ko lang." sabay bigay sa kanya ng kutsara na may sarsa ng adobo.
Tinikman na nga niya, akala ko di niya magugustuhan.
“ Hhmm, masarap sakto lang... pero more on practice pa. " komento niya pa. ” Sa other recipe ." dugtong niya pa.
“ Salamat po." sagot ko na lang.
“Grandma ." tawag ng kuya na kagagaling lang sa itaas dahil nagbihis ito ng pambahay.
“ Andito ako, iho." sagot niya naman.
Nasa kusina kasi kaming dalawa...
Kumuha ako ng juice at mangofloat para sa matanda. Sa ngayon di ko pa siya matatawag agad na lola, di ko alam kung bakit basta yon ang aking naramdaman. Seguro dahil ngayon ko lang siya nakilala, entire in my life, ni di ko nakita siya kahit picture man lang.
Nakaupo ngayon sa highchair ang matanda, habang kumakain ng mangofloat na binigay ko sa kanya.
“ Iyong akin bunso, asan?." kunyaring nagtatampo ang kuya.
“ Wait lang po sir, kukunin ko na po." biro ko pa dito sa kanya. Ganito naman kasi kami ng kuya nagbibiruan. Binigyan ko rin siya ng juice at mangofloat. Bago siya tumabi sa katabing upuan ng matanda hinagkan niya muna ang tuktok ng ulo ko.
“ Thank you, bunso." pasalamat niya sa akin.
“ Your welcome, kuya." sagot ko naman.
“ Ikaw kain ka rin." aya ng kuya sa akin.
“ Banana chips lang sakin kuya." sagot ko naman ,habang binubuksan ang sisidlan nito.
Tila napansin ko may tumutulo na luha sa mata ng matanda.
“ Ok ka lang po ba kayo?" may pagalala kong tanong dito.
“ Grandma, why are you crying?." concern na tanong ng kuya dito sa matanda.
“ Nagsisisi ako apo, dahil naging balakid ako sa pagiibigan ng parents niyo kaya di ko nakilala ang bunsong kapatid mo." humahaguhol niyang wika sabay yakap sa kuya ko.
“ Shh, tahan na grandma, di ba iyan naman ang gusto mo kaya sumama ka dito ngayon di ba.Para humingi ng tawad kay Mommy at Daddy lalo na sa bunsong kapatid ko. " patahan niya dito.
YOU ARE READING
PINIKOT
RomanceWorks of romance and fiction, A Girl Love Story Between a Professor and Her Students. If you are not comfortable reading it, you can skip it. If comfortable reading, I hope you'll support voting for the story. Thank you so much ahead. Warning: It co...