CHAPTER 55

66 1 0
                                    


“ Pasok kayo” aya ng Mom sa kanila.
Isinara ko muna iyong gate bago sumunod sa kanila.

“ Maiwan ko po muna kayo, magbibihis lang po ako.” paalam ko sa kanila.
Umakyat na agad ako sa kwarto ko para makapagbihis.

Pagkatapos kong makapagpalit ng damit , bumaba na agad ako.
“ Anak, sila iyong sinasabi ko sa iyo na sorpresa ko para sa iyo. "wika ng Mom sa akin.

“ Ako pala si Lian Clifford Francisco Alvarez." ang kuya mo. Pakilala niya at sabay yakap bigla sa akin, mahigpit niya akong niyakap at ramdam ko ang pangulila. Niyakap ko rin siya pabalik ramdam ko rin na siya ang kapatid ko, luksong dugo.
“ Ku-kuya. " tawag ko sa kanya.
“ Yes bunso, " sagot niya habang mangiyakngiyak  at kasalukuyang nakayap sa akin.
“ I can't breathe , kuya. " sagot ko dahil mahigpit ang pagkakayap niya sa akin, pinahiran ko na rin iyong luha ko, naluluha na rin kasi ako dahil sa totoo niyan , di pa rin ako makapaniwala na ngayon kasama na namin ang kapatid ko at ang ama ko.

“ Im sorry, bunso na overwhelmed lang din ako, dahil ngayon nayakap na kita at nakasama " saad niya pa.
“ Kuya, iyakin ka pala, " pagbibiro ko dahil ang sobrang seryoso niya nakatitig sa akin.
“ I'm your father, Christoffer Jan Alvarez. " sabat ng father namin sabay yakap sa akin.

Kumalas din siya sa pagkakayakap sa akin.

“ We're sorry dahil ngayon lang kami naglakas loob na magpakita sa inyo ng Mama mo, dahil baka layuan niyo kami dahil sa pag iwan namin sa inyo. Wala din akong alam na buntis ang Mama mo noon sa iyo. Dahil lang sa lola mo , pinaglayo kami ng Mama mo. Wala akong minahal na iba bukod sa Mama mo. Kaya nong makauwi kami sa bansa agad akong nagpaimbestiga tungkol sa Mama mo, at nalaman ko na may anak itong babae. Which is, ikaw iyong Cris Jan anak, di maipagakaila na anak kita kahit walang kasiguruhan pero dahil sa luksong dugo ramdam ko na anak kita.  Dahil nga takot ako baka layuan niyo kami, lagi lang kaming nagmamasid  sa inyo ng Mama mo. Honestly lagi kaming nakaabang diyan sa labas ng bahay niyo, kaya updated kami tungkol sa inyo ng mama mo. " mahabang lintanya ni Papa, confession niya tungkol sa mga buhay nila before bagi sila magkahiwalay ng mama at nong dumating na ako sa buhay ni mama.

“ Wala po iyon papa, ang importante magkakasama na tayo. " tanging sagot ko na lamang sa kanila.
“ Ikaw din kuya rider." pagbibiro ko pa dito dahil naalala ko kasi si Kuya rider, kamukha talaga ng kuya.
“ Ako nga iyon, di ko kasi alam kung papaano kita malalapitan kaya iyong ginawa namin. " pag amin ng kuya.
“ Kaya pala,  parang may naramdaman ako na kakaiba nong malapitan Kita, seguro dahil magkapatid tayo. " sagot ko.

“ Dahil gwapo ako, ganon ba iyon bunso. " Pagmamayabang niya pa.
“ Hindi ah, " laban ko pa dito.
“ O siya, Kumain na muna tayo, habang nagkwekwentuhan." sabat ng mama sa amin dahil nagkakasiyahan na. Parang matagal na kaming nagkakilala. Ganon ba iyon kapag kadugo mo, kahit ilang taon kayong di nagsama at nagkausap , nalalapit ka rin agad. Tulad ng ngayon sa amin, parang ang tagal naming magkakilala , dahil sa kakulitan.

Tamang kwentuhan, at tawanan ang ginawa namin.

Sinabi rin ng Mama sa akin, habang wala ako dito sa bahay, nagkataon na nagkita silang tatlo. Kaya simula nong araw na iyon, lagi na silang may komunikasyon.

Ito na kasama na namin, saka napatawad na  rin ni Mama si Papa. Past is past nga di ba at gusto na rin ni Mama na magmove on at magsimulang muli na kompleto kami.

to be continued

PINIKOTWhere stories live. Discover now